IT'S been a week simula ng matuklasan ko ang tungkol sa anak ni Helena na ate ko rin pala. Naaawa ako sa lagay ni daddy dahil overfatigued na siya sa kakatrabaho at kahit nangako ako na bibisitahin ko siya ulit ay hindi ko alam kung paano. Masyado akong nabigla at the same time nasasaktan dahil sa nalaman ko, ayaw ko namang maging atribidang kapatid na nang-aapi ng kapatid sa labas but my whole system is not cooperating. Lalong nadagdagan ang galit ko kay Helena. Kung mas matanda sa akin ang Hera na yo'n.. her mom surely had an affair with my dad kahit buhay pa si mommy. Yo'n siguro ang dahilan niya sa fake accident na kumitil sa buhay ni mommy at nag-cause ng trauma sa akin kaya wala akong maalala. Sky is worried about me pero pinagtabuyan ko pa rin siyang pumunta sa kompanya nila. Mas

