Chapter 25

2138 Words
NAG-USAP kami ni Sky tungkol sa gagawing plano para mapagbayad si Helena sa mga ginawa niya sa pamilya ko. Gusto rin sana namin siyang mabulok sa kulungan pero wala kaming sapat na ebidensya para maidiin siya sa kaso. Matatagalan rin panigurado bago kami makahanap ng mga solid evidence dahil malinis siyang trumabaho. Nakipag-usap rin kay Marco nagbabakasakali na may maitulong siya sa amin pero tinanggihan na kami sa pagkakataong ito dahil marami daw siyang kailangang asikasuhin sa kompanya. Ini-refer naman niya kami sa kuya niya. Si Mikael. "Sky, are you sure he can do it?" "Si Kuya Mikael? Of course he can. Matalino rin yun. Ayaw nga lang sa usaping negosyo. Allergic ata kaya si Marco na ang nagma-manage ng negosyo nila." "What I mean is baka may girlfriend siya or what? Baka naman makasira pa tayo ng relasyon pag nagkataon." Seryosong sabi ko. "Ah.. About that. To be honest, wala akong alam sa private life ni kuya Mikael. Wala naman siyang pinapakilalang girlfriend o kahit dini-date man lang. I think safe naman kung siya ang gagawa. Saka nagsosolo nga lang yun sa hacienda nila, alam mo naman si Tita Queenie nandoon na nakatira kina Marco dahil sa triplets. Kung nag-aalangan ka edi ak-----". Hindi ko na pinatapos pa ang kung anong sasabihin niya. Nag-aalangan man ako pero ayaw ko namang si Sky ang makikipagflirt sa Hera na yun para lang makaganti kay Helena. Ayon sa private investigator na hinire namin may anak si Helena. Hera daw ang pangalan. A typical spoiled brat na ang hilig ay party at bar hopping. Masyado naman atang nagpapasasa yun sa pera ng pamilya ko. Kung hindi ko kayang idiin siya sa mga ginawa niya, dadaanin ko siya sa kahinaan niya. Pumayag naman sa plano namin ang kuya ni Marco. Besides, gwapo din naman siya at mapera for sure madali lang niyang maaakit yun. Kailangan namin ang anak niya para malaman ang tungkol sa kanya. Mamayang gabi ay pupunta kami ni kuya Mikael sa bar kung saan madalas mamalagi ang anak ni Helena. Instant spy ang role ko dun. Magdidisguise ako para mabantayan ko rin ang galaw ng anak ni Helena. Hindi muna ako gagawa ng move para maialis si ate sa mental na yun hangga't malaya pang nakakagalaw si Helena. Kaya kailangan kong bilisan ang pagsasakatuparan ng mga plano ko. "Okay then. Wag mo na ring balakin na sumama pa sa operation namin mamayang gabi." Pagbabanta ko kay Sky. Kahit ganyan yan ay malakas ang dating niya sa mga babae sa bar. Mahirap na baka sa kanya pa mabaling ang atensyon ng Hera na yun. Magiging dalawa pa ang papahirapan ko. "Are you sure you can do it with kuya Mikael?" Nag-aalalang tanong niya. "Hindi naman ako magpapakita do'n Sky. Kukuhanan ko lang siya ng pictures while doing dirty works at kakalap ng impormasyon na pwedeng magamit kay Helena. Siguro naman ay may alam siya tungkol sa santa santita niyang ina." "I can go with you kahit sa sasakyan lang ako." Pagpupumilit niya. "No need. Baka may makapansin lalo sa atin kapag magkakasama tayong tatlo. Saka madali lang ito. Kapag may nakalap na kaming impormasyon end of operation na. Maliban na lang kung kukursunadahin naman ni kuya Mikael yung Hera na yun." "I doubt it Chanelle. Iba ang tipo ni kuya Mikael. He likes a conservative one." "Owwww I see. Great! Wala pala tayong dapat alalahanin na aftershock sa plano natin." Natutuwang sabi ko. Yumakap naman sa akin si Sky at nakahilig ang ulo sa balikat ko. "Love..." bulong niya sa tenga ko. Parang alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. "Tigil-tigilan mo muna ako sa mga trip mo. Hindi ka pa ba nagsasawa? Kung saan-saan na lang natin yun ginagawa." Medyo mataray na sabi ko sa kanya. Napatawa lamang siya ng bahagya. "Hindi pa natin na-try sa balcony." He said while using his bedroom voice. Nakaramdam ako ng pag-init ng mukha dahil sa sinabi niya. Bigla kong narealize ko ano ang sinabi ko. Nagawa na naming mag-made love sa sala, banyo, kusina, at kagabi lang ay sa gilid ng pool. Masyado na siyang naadik sa ganon. Kung saan na lang abutan ng pangangailangan ay dun na din iraraos. Mabuti na lang at kami lang ang nakatira. Paano na lang kaya kapag may kasama kami at naabutan kami? Kinurot ko siya sa tagiliran. "Akala ko ba may gagawin ka sa opisina niyo?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. "I don't feel like going to work today. Dito na lang kaya ako?" He said while grinning devilishly. "At ano naman ang gagawin mo dito?" "Magpapapawis. In a very pleasurable way." Sabay ngiti ng nakakaloko. "My goodness Sky! Yun na lang ba ang gusto mong gawin sa buhay mo?" Nagiging hysterical na ako sa mga sinasabi niya. Humaba naman ang nguso niya sa sinabi ko. Para siyang batang hindi napagbigyan sa gusto. Yumuko siya at nakatingin sa alaga niya. "Eh paano siya?" Napatingin din ako sa dako ng kanyang alaga na mukhang gustong kumawala mula sa suot niyang boxer shorts. Napamulaga na lang ako. Katanghaliang tapat pero mataas ang libido niya. "Idaan mo na lang yan sa ligo at pumunta ka na sa opisina." Pag-iiba ko sa usapan. Kapag hindi ko siya itinaboy paniguradong mauuwi na naman ito sa umaatikabong love scene and this time sa garden naman. "Okay fine. Papalagpasin ko ngayon love, pero mamayang gabi wala ka ng kawala." "Tss. Ang daming mong alam. Pumasok ka na at maligo." Sa wakas naman ay natauhan na siya at pumasok sa para makapagready. Nagpaiwan lang muna ako sa garden area namin para i-enjoy ang fresh air. Nakasandal ang likod ko sa upuan at ipinatong naman ang mga paa ko sa isa pang upuan. Masarap ang simoy ng hangin. Pumikit muna ako panandali dahil nakaramdam ako ng antok. Sobrang dami ko ng isipin. I need a break kahit sa ganitong paraan lang. Wala pa man lang 15 minutes simula ng pumikit ako ay naramdaman kong may naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Automatic akong nagdilat ng mata at tumambad sa akin ang isang nilalang na kahit sa panaginip ay ayaw kong makita. Si Helena. Nakangisi lang siya habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagpatinag sa pagkakasandal ko sa upuan. Sino ba siya? Hindi naman siya espesyal para mag-effort akong magbigay galang. Pumikit lang ako ulit at nagkunwaring hindi siya nakita. "Is that how you greet you mother, Chanelle? Nawalan ka na ng manners ng tuluyan. Pag nalaman ito ng daddy mo tiyak na------". Pinutol ko agad kung ano man ang sasabihin niya. I'm so sick of her reasons. Lagi na lang niyang ginagamit si daddy para kontrolin ako. "Sinabi ko bang pumunta ka dito? Ang dami mong arte. Kusa kang nagpunta dito without my permission tapos magdedemand ka na itrato kang mala-dugong bughaw?" Irita kong sabi sa kanya. Ngayon pa lang ako makakapagrelax ng kaunti umeeksena na naman siya. "I can't believe na asal basura ka na pala ngayon? Sayang.. doctor ka pa naman." May pailing-iling niyang sabi kung hindi nga lang krimen napilipit ko na ang leeg niya sa sobrang gigil. Ngunit hindi ako pwedeng magpahalata na may alam na ako sa mga katarantaduhan niya. "Wala naman akong sinabi na maniwala ka. Masyado bang importante yang sasabihin mo at talagang pumunta ka pa rito?" Bigla siyang nagpalahaw ng iyak. Napatingin lang ako sa kanya at bahagyang bumuka ang bibig ko. Baliw na talaga siya. Tsk. "At ano naman ang iniiyak-iyak mo diyan ? Inaano ba kita?" Mataray kong tanong sa kanya. Nagpahid muna siya ng luha bago nagsalita. "Nag-effort pa naman ako para bisitahin ka dito at kamustahin dahil nag-aalala ako saiyo pero ganito lang ang isasalubong mo sa akin?" Tuloy-tuloy ulit ang daloy ng luha sa mga mata niya. Kung wala lang akong alam baka napaniwala niya ako sa pekeng luha niya. Humagalpak ako ng tawa. "Nagpunta ka rito dahil concern ka sa akin o gusto mo lang tignan kung miserable na ang buhay ko? Wag kang magpatawa." May kinuha siya sa bag niya. Recorder. Lame strategy. Ngumisi siya na parang baliw. "This time mas kakampihan na naman ako ng daddy mo." "Oh? Ipapanakot mo sa akin yang recorder mo? At sa tingin mo ba affected pa ako kapag naiparinig mo yan kay daddy at magalit na naman sa akin. Immune na ako sa mga sinasabi at ginagawa niya." Palaban kong turan sa kanya. Kahit sa harapan pa mismo ni daddy ay hindi ako magpapakita ng kahit kaunting respeto sa kanya dahil hindi naman niya deserve. "Hindi ka natatakot na baka itakwil ka na ng tuluyan ng daddy mo?" Puno ng kayabangan na tanong niya sa akin. "Itakwil man niya ako o hindi pareho lang. Toxic pa rin siya lalo ka na. Noon natatakot ako kaya pikit-mata akong sumusunod sa lahat ng gusto niyo. Am I supposed to ask you the same question? Hindi ka ba natatakot sa gagawin sayo ni daddy kapag nalaman niya ang lahat ng ginawa mo?" Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, magmula sa mataray at mayabang na itsura niya kanina ay agad napalitan ng pagkabigla at pamumutla. I nailed it! Takot din siya sa sarili niyang multo. Wala naman akong balak na ilaglag siya agad kay daddy. Gusto ko unti-unti ring masira ang buhay niya gaya ng pagsira niya sa buhay namin. "W-what are you talking about? W-wala akong alam sa mga sinasabi mo." Nauutal niyang sabi. Bahagya rin siyang nag-iwas ng tingin. "Masyado ka namang obvious mommy or should I say Tita Helena?" Hindi siya mapakali at lumaki rin ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Y-you're too much Chanelle. B-bakit mo ako tatawaging tita. Bastos ka talaga!" Pagkasabi niya no'n ay nagtangka agad siyang sampalin ako pero maagap ko yung napigilan. "IKAW ANG SOBRA NA! PAGKATAPOS NG LAHAT NG GINAWA MO MAY GANA KA PANG MAGMALINIS?" Sigaw ko at sinampal ko siya ng napakalakas dala na rin siguro ng sobrang galit na kinikimkim ko sa loob ng mahabang panahon. Hindi siya nagpatalo at lumapat din ang malakas na sampal sa pisngi ko. Hinablot ko naman ang buhok niya at isinubsob ang mukha siya sa damuhan. Sa ganong eksena kami ni naabutan ni Sky. Hinila niya ako at inilayo kay Helena pero mukhang ayaw paawat ng bruha at sumugod pa sa akin. Sasapakin sana niya ako pero si Sky ang sumalo. Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa sobrang galit sa kanya. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!!" Tanong ni Sky sa mataas na boses. Lumambot ang reaksyon ni Helena sa inasal ni Sky. Tumigil na din siya sa pagsugod sa akin. Tumawa ng bahagya ang bruha. "Seryoso ka talagang pinakasalan mo ang anak kong asal kalye? Sayang ka naman.. gwapo at mapera tapos nagtiya-tiyaga ka sa kagaya niyang walang breeding." Turan niya kay Sky habang pailing-iling pa. Ang kapal talaga ng mukha niya. Ako pa ngayon ang mukhang pinagtiya-tiyagaan lang. Hindi pa man nakakaimik si Sky ay ako na ang nagtanggol sa sarili ko. "Is that a change of heart? Noon ayaw na ayaw niyong ikasal ako kay Sky because of nonsense reason of yours and now? Biglang boto ka na sa kanya at ako naman ang kontrabida? Pathetic!" Mahigpit na ang hawak ni Sky sa balikat ko, sensyales na pinipigilan na niya ako sa pagsagot kay Helena. Binitawan ako ni Sky at hinawakan naman ng mahigpit sa braso ang bruha at kinaladkad palabas ng mansion. "Bitawan mo ako! Kaya kong umalis ng mag-isa hindi mo ako kailangang kaladkarin." Pasigaw na sabi niya kay Sky. Wala namang naging sagot si Sky sa kanya at diretso lang sa pagkaladkad sa kanya. Nang makabalik si Sky ay seryoso siyang nakatitig sa akin. "What was that Chanelle? Pumasok lang ako sa loob para mag-ayos and ito na agad ang bubungad sa akin?" "Bakit ako ang sinisisi mo?! Ang laki ng mansion na ito pero mahina ang security!" Naiinis kong sabi sa kanya. Totoo naman eh, masyado siyang pakampante kahit alam niyang matindi ang kalaban namin. Mukha bang hindi mahahanap agad ang tinirhan namin. Napahawak siya sa sentido niya at minasahe ito. I am really causing too much stress on him. "I know it's my fault. Tatawag ako sa security department ng company at magha-hire ako ng personal bodyguards mo. Siguraduhin mo lang na hindi ka magrereklamo sa akin kapag laging may nakabuntot sayo." Masungit niyang sabi. "Bahala ka. Mansion mo naman ito. Lahat na lang kasalanan ko. Sinabi ko bang puntahan ako ng baliw na yun." Medyo may pagtatampo kong sabi sa kanya. "Ayan ka na naman sa ugali mong ganyan Chanelle. I am not blaming you, gusto ko lang mag-ingat ka sa mga ginagawa mo lalo na sa sasabihin mo. Paano na lang kung nabanggit mo sa kanya ang tungkol sa anak niya? Mas mahihirapan tayo at mas guguluhin ka niya. Kumalma ako sa sinabi niya. He has a point. Mabuti na lang at hindi ko naungkat sa kanya ang mga alam ko lalo na ang tungkol sa anak niya. Masyado akong nagpapadala sa galit ko. Darating din ang araw na mapagbabayad ko rin siya. Kailangan ko lang galingan sa pag-iespiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD