SKY POV
"S-Sky..." Natigilan kami ni mommy pareho nang madinig ang boses na nagmumula sa hagdan.
Automatic kaming napatingin sa kinaroroonan niya.
"Love?" Tanging naging tugon ko sa kanya.
Nagmadali akong lumapit sa kanya para alalayan siya sa pagbaba.
"I'm hungry." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa akin pero blanko pa rin ang mukha.
"What do you want?"
"My god hija! Are you feeling better now?" Naibulalas ni mommy. Napayakap din si mommy kay Chanelle dahil sa sobrang tuwa. Mabuti na lang at hindi niya naabutan ang eksena kanina.
Agad namang tinawag ni mommy ang kasambahay namin para magpahanda ng makakain.
HABANG kumakain si Chanelle ay hindi ko napigilang mapatitig sa kanya at mangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa labis na saya. Ngayon pa lang niya tinawag ulit ang pangalan ko. I missed her kahit araw-araw ko naman siyang nakikita.
"Why are you staring like that?" Medyo iritable niyang tanong.
"Nothing. I missed you, Chanelle."
Bahagya siyang tumingin sa akin. "Bakit? Hindi ba tayo nagkita ng matagal?"
"Bawal ko bang ma-miss yung asawa ko?" Nakatawang sabi ko sa kanya. But deep inside pakiramdam ko taon na ang lumipas na hindi kami magkasama.
"I missed you too, Sky." Malambing niyang sabi sa akin. This is the first time na ganito siya kahinahon sa pakikipag-usap sa akin.
"Sky.. Andito na ang doctor ni Chanelle. Let her be checked."
"Okay mom. Pagtapos niyang kumain."
"I'm done." Mahinang sabi ni Chanelle.
"You sure? Baka naman nagugutom ka pa? Makakapaghintay naman ang doctor."
"Okay lang. Masarap ang pagkain. Ikaw ba ang nagluto no'n?"
"Ah eh.. hindi. Yung mga maids ang nagluto. You want me to cook for you love?"
Tumango lang siya bilang sagot. "What do you want me to cook for you?"
"Pork adobo. I love your version of it."
"Sure love. But the doctor needs to check you first. Is it okay with you?"
"Why? I am feeling well."
"May mga dapat lang i-check ang doctor sayo."
Inihatid ko si Chanelle sa kwarto niya para makapagpahinga. Ngayon pa lang nanumbalik ang wisyo niya kaya hindi pwedeng biglain.
Pumasok na din ang doctor kasama si mommy.
"How are you hija?" Tanong ng doctor.
"Ayos lang po, Tita."
"You should be calling me mommy dahil mag-asawa na kayo ni Sky. Anyway, andito na si Dr. Ramirez may mga itatanong lang siya sa iyo."
"If you don't mind Mrs. Del Castillo and Mr. Sky kindly leave us for a while. Mas makabubuti kung kami lang muna ng pasyente ang mag-uusap." Pakiusap ng doctor sa amin ni mommy. Ayaw ko mang lumabas at iwanan siya ay kailangan naming sumunod sa sinabi ng doctor niya.
"Love? Will you be okay if I stay outside?"
"Yes. Pwede ka namang pumasok mamaya after nito." Mahinahon pa ring sabi niya.
Lumabas na kami ni mommy sa kwarto at nagtungo sa sala. Kakausapin rin naman kami ni Doc mamaya para malaman ang lagay ni Chanelle ngayon.
"Anak, ayos ka lang ba?" Nag-aalang tanong ni mommy.
"I'm fine mom. Naninibago lang ako sa asawa ko. Masyado siyang mahinahon. Hindi ako sanay sa ganon."
"Hayaan mo na Sky. Mas okay na yun kesa sa nagwawala siya. Ang mahalaga ay may improvement na siya." May point naman si mommy. Pero may parte pa rin sa akin na nag-aalala. Paano kung hindi pa pala siya okay?
"You can't blame me mom. Masyado ng maraming pinagdaanan si Chanelle at hindi yun ganon kasimple."
"I understand you, hijo. But we can't force her to act the way she was before. It takes a lot of process. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi madali ang pinagdaanan niya and for sure pinagdadaanan pa rin niya hanggang ngayon. All you have to do is to stay by her side because that's your responsibility as her husband."
"Really mom? How you and dad stayed stronger with all those years of your married life?"
"We stick to each other through thick and thin. Hindi naman lahat ng nararamdaman o iniisip niyo ay nai-oopen nyo sa isa't-isa. May mga bagay na mas pinipili natin na sarilinin na lang para hindi maapektuhan ang isa but what's important is to let them know you are there. Presence is better than words. Kahit hindi siya nag-oopen basta nararamdaman niya yung presence mo magiging okay siya."
"Seriously? Presence lang? Anong silbi ng presence ko kung hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya o ano ang nararamdaman niya. I might look useless."
"You'll understand it soon hijo. Bagong mag-asawa pa lang naman kayo. You don't have to figure it all at once. That is the special gift to every married couple. Everyday is a chance to know more about your partner. Hindi lahat ng bagay sa kanya malalaman mo agad sa loob lang ng ilang araw. It takes years to build a special connection between the two of you. Once it is built, words are useless dahil pakiramdam na iiral sa inyo. Kahit walang salita alam mo kung ano ang nangyayari sa partner mo."
"Thank you, mom. Thank you for guiding me to make me a better husband."
"I am not making you a better husband, son. I am just sharing my insights. It is you who will make yourself the best husband for your wife and it depends on how deep is your love for her."
Habang nag-uusap kami ni mommy ay natanaw namin sa hagdan si Dr. Ramirez na pababa na.
Nang makarating siya sa sala ay nagtanong agad ako kahit hindi pa man siya nakakaupo.
"How is she doc?"
"Nothing to worry Mr. Del Castillo."
"I am sorry for asking you too soon, have a seat doc." Masyado akong atat sa resulta ng naging check-up sa asawa ko. Hindi ko man lang naalok ng upo si Dr. Ramirez.
"It's okay. She's fine pero kailangan pa rin siyang imonitor."
"What do you mean by that doc?"
"I tried opening a topic about what happened to her and your child."
"What she said?" Kunot-noo kong tanong. Curious akong malaman kung ano ba ang inopen niya sa doctor na hindi niya inoopen sa akin.
"She said she is fine. Tanggap na daw niya ang nangyari. But it's normal. In medical terms, there are five stages of grief: denial and isolation, anger, bargaining, depression and acceptance.
Yung nakikita natin sa kanya ngayon ay nasa stage 1 pa lang. In denial siya sa mga nararamdaman niya, it's her defense mechanism to hide herself from facts. We cannot expect to her to accept everything in instant. Just be ready when she approaches the remaining stages. Kailangan talaga niyang pagdaanan yun."
"Does she need to take medications?"
"As much as possible Mr. Del Castillo ayaw kong magreseta ng gamot para sa kalagayan niya. Mourning is a natural form of grief. Lahat naman ng taong nawawalan ng mahalagang bagay o tao ay dumadaan sa pagluluksa to release the pain.
Kapag nagtake siya ng gamot for anxiety and depression malaki ang maitutulong no'n para makaiwas siya sa panic attacks pero maaari namang madamage ang kidneys niya. Mas makabubuti kung tulungan niyo siya na matulungan ang sarili niya."
"How?"
"Help her filter her thoughts. Palakasin niyo ang loob niya. Iparamdam niyo na mahalaga siya at nandiyan kayo para sa kanya. Whenever she wants to cry, just let her. Tear is the other form of unsaid feelings that can't be express in words..
Always remind her it's okay not to be okay. Para masanay rin siyang mag-open ng saloobin niya sa inyo. In that way, kahit paunti-unti malalagpasan niya yung mga pinagdadaanan niya ngayon. It really takes time to heal broken mind and soul. Hindi yun kagaya ng ibang sakit na pag ininuman mo ng gamot after a week or two pwedeng okay na.
It is difficult to heal invisible wounds and I'm sure marami siya no'n. Wag kayong magsawa sa kanya kahit gaano pa yun katagal."
"Yes, I will. Thank you Dr. Ramirez."
"You're welcome Mr. Del Castillo. I'll go ahead."
Nang maipaliwanag sa amin ni Dr. Ramirez ang sitwasyon ni Chanelle lalo akong naawa sa asawa ko. Hindi ako palasimbang tao but I pray to God na sana malagpasan niya lahat ito.