PAGDATING ni Greg sa bahay ng mga Olivar ay nakangiti siyang sinalubong ng ama ni Sabrina. "Oh Greg, iho. Tuloy ka! Mabuti at ikaw ang nagdala nitong mga order ng tita mo. Wala ka yatang trabaho sa rancho ngayon?" "Hindi naman po ako masyadong busy kaya ako nalang ang pinapunta ni Daddy." Sa loob ng dalawang taon ay nakasanayan narin ni Gregory ang bumisita sa mga magulang ni Sabrina. Hindi dahil bilin iyon ni Sabrina sa kanya kundi dahil gusto niyang mas mapalapit sila ng mga magulang ng kasintahan. "May mga dala nga din po pala akong mga sariwang gulay at prutas. Mga bagong pitas po ‘yan lahat,” iniabot ni Gregory ang mga dala sa dalawang katulong na lumapit at sumalubong sa kanya. "Salamat, iho!" tinapik ni Ram sa balikat si Gregory matapos nitong magmano. "Honey, ang anak mo na b

