KAUUWI lang ni Sabrina mula sa isang photoshoot ng makatanggap ng tawag mula sa Daddy niya. Pinapauwi siya nito dahil namatay ang lolo Ponce niya, ama ng Mommy niya. Sa nalaman ay hindi lang siya nalungkot sa pagpanaw ng lolo niya kundi napuno rin siya ng pag-aalala sa Lola at Mommy niya tiyak na sobra itong malungkot at nasasaktan ngayon. Kaya agad niyang tinawagan ang manager niya at nagpaalam kung pwede siyang umuwi muna ng Pilipinas para maihatid manlang ang lolo niya sa huling hantungan. Pinayagan naman siya ng manager ngunit Sampung araw lang daw dahil magsisimula na ang shooting ng isang major project nila. Sunod niyang tinawagan si Kelvin at sinabi niya ditong uuwi nga siya sa Pilipinas. ''Can I come with you?'' tanong nito. ''Gusto kong mag bakasyon... Sabi mo maganda doon sa b

