TINUPAD ni Sabrina ang pangako niya kay Gregory. Hindi siya nagdemand ng kahit ano dito. Kuntento nalang siya na maging kaibigan at barkada. Masaya na siya doon basta ba hindi na siya iiwasan ng binata at makakasama niya parin ito. Si Gregory ay iniwasan naman na ipakita kay Sabrina ang mga nagiging babae niya. Alam niyang masasaktan si Sabrina kahit na nangako ito na hindi mag seselos. Minsan ay sinasabay niya ito pauwi at papasok ng eskwela kapag nadadaanan niya ito. Naging masaya at kuntento na sila sa mas lumalim pa nilang pagkakaibigan. Mula noong gabi ng prom ay wala nang nagbanggit ng kahit ano sa kanila ng nangyari. Sa loob ng mahigit isang taon at hanggang sa makagraduate sila ng high school ay maayos at masaya ang naging pagkakaibigan nila. Para kay Sabrina ay tama na muna iyo

