Chapter 4

1854 Words
''ANONG trip mo Sab at kanina mo pa kami iniisa-isa titigan dito? puna ni Bryan kay Sabrina. Tapos na ang clase at nakatambay sila sa isang puno ng santol na nasa bandang gilid ng plaza sa loob ng campus. My bench din doon at iyon ang paborito nilang tambayan magkakaibigan.  ''Oo nga kanina ko pa napapansin iyang mga titig mo. Iniisip ko tuloy na may crush ka na rin sa akin,'' nakangising panunukso ni Adam. “Dream on, Mr. Seducer!” engos dito ni Sabrina.  ''Hindi ‘yan makapag desisyon kung sino sa inyong lima ang pipiliin niya magiging kapareha sa Mr. and Miss San Martin High. Kasi hindi niya mapapayag si Greg.''  'What? I’m out! Wala akong hilig sa ganyan,” agad na wika ni Austin. ''Me either.” Sigunda ni Nathan. ''Lalong hindi ako!'' wika naman ni Jaden.  ''So there is only Bryan and Adam,'' wika ni Ysabel na pinalipat-lipat ang tingin sa dalawang kaibigan. ''Ayaw ko rin noh!” sabay pa na sabi ng dalawa. ''Come on, guys! Iiwan niyo ba ako sa ere?'' pagmamaktol ni Sabrina at tumabi kay Gregory. ''Ikaw nalang kasi!'' pamimilit ni Sabrina kay Gregory. ''Napag-usapan na natin yan at hindi parin ang sagot ko! Saka usog ka nga doon baka isipin pa ng mga nakakakita na magsyota tayo.” Pagsusungit nito.  Hindi naman pinansin ni Sabrina ang pagsusungit ng binata sa kanya. ''Ayaw mo noon? Ang swerte mo nga kapag ako ang naging syota mo.”  “Ano nang plano mo ngayon, Sab? Sino na ang partner mo niyan?'' tanong ni Ysabel.  Biglang sumimangot si Sabrina. “Mga wala kasing silbi itong mga unggoy na ‘to. Sino na ngayon ang magiging partner ko? Akala ko pa naman ay maasahan ko kayo, tapos hindi niyo manlang ako madamayan.” Pagdadrama ni Sabrina. Tumulo  pa ang luha nito para effective ang acting niya. Natigil naman ang mga kaibigang lalaki sa pagkakagulo sa kung ano mangnilalaro ng mga ito sa gadget na dala ni Nathan. Maski si Gregory na nasa tabi ni Sabrina ay tiningnan din si Sabrina. Hindi nito akalain na ganun ka importante para dito ang makuha ang title ng pageant. Si Adam ay agad naman na lumambot ang puso ng makita ang luha ng matalik na kaibigan. “''Sige na. Ako na! Huwag kana umiyak diyan. Alam mo namang mahina ang puso ko sa luha ng babae eh.” Nagkakamot sa ulo na wika ni Adam. “Talaga? Walang bawian yan ha?” Tuwang-tuwa na agad pinahiran ni Sabrina ang mga luha at nilapitan si Adam sabay yakap. Hindi pa nakuntento at hinalikan sa pisngi. ''Sabi ko na hindi mo talaga ako kayang tiisin eh. Hindi tulad ng mga iba diyan… Walang mga kwenta!'' pagpaparinig ni Sabrina sa lima pang mga lalaki.  ''Hayyy. Nakuha mo na naman ako sa mga luha mo. Pero sige okay lang total ay may kiss and hug naman ako,'' nakangising sabi nito. ''Ang cute mo talaga, Mr. Seducer...'' ani Sabrina at nilapirot pa ang dalawang pisngi ni Adam. Para sa kanilang magkakaibigan ay normal nalang ang ganoon. Brother hug and kiss lang ang ganoon ngunit si Gregory na hindi sanay ay nabigla at ibinaling nalang ang tingin sa ibang direksyon at tumayo. Mauna na ako sa inyo guys anito sa mga kaibigan. ''Anong nangyari doon at bigla nalang nagpaalam at uuwi na agad?'' tanong ni Ysabel. ''Baka naman nagselos kay Adam,'' komento ni Bryan. Nagkibit balikat naman si Nathan. ''Baka nga!'' at nakipag high five kay Jaden. Umingos lang si Sabrina. Imposibleng nagselos si Gregory kay Adam. Kulang na ngalang ipagtulakan siya nito palayo eh. ''Basta Adam hindi mo na pwedeng bawiin yon ha? Sa Monday na ang umpisa ng rehearsals,” paalala ni Sabrina. “Anyway, uwin na rin ako. See you guys on Monday. Nag flying kiss pa ito sa mga kaibigan at nagmamadaling hinabol si Gregory. ''Bakit ka ba nang-iiwan?'' humihingal na tanong niya ng makaagapay sa paglalakad kay Gregory. “Sandali, huminto ka muna. Napagod ako sa paghabol sayo eh.” Hawak niya sa braso nito para huminto ito sandali sa paglalakad. ''Sino ba kasing may sabi sayong sumabay ka?'' at naglakad na ito ulit. ''Sandali lang hinihingal ako sa kakahabol sayo eh,'' pagrereklamo ni Sabrina. Huminto naman ito dahil hawak parin ni Sabrina ang braso nito.  ''Talagang ganyan ka ba sa mga lalaki?'' nakakunot ang noo na tanong ni Gregory sa kanya.  ''Ganyang alin?'' naguguluhan na tanong si Sabrina. ''Ganyang kung makahawak ka sa akin ay feeling mo magsyota tayo. Tapos kung maka halik at yakap ka naman kay Adam ay parang balewala lang sayo.''  ''Adam is my friend. Naka diaper palang yata kami ay magkalaro na kami. Para ko nang ngang kapatid ‘yon eh. Pero tayka nga… Kaya mo ba ako iniwan dahil nagseselos ka kay Adam?” nakangising panunudyo ni Sabrina.  “Tsk,” tanging sagot ni Gregory.  “Uyyy may nagseselos. Pero huwag kang mag-alala. Walang malisya ‘yon sa amin. Sina Adam, Nathan, Jaden, Bryan at Austin ay kaibigan ko na since kindergarten days. Kaya kung iturin namin ang isat-isa ay parang kapatid na rin,'' pagpapaliwanag ni Sabrina kahit na ayaw umamin ni Gregory na nagseselos ito. ''Pero crush ka ni Adam!'' mahinang wika ni Gregory.  ''Oo, kahit noong maliliit pa kami sinasabi niyang crush niya ako. Pero hindi siya nanliligaw.'' ''Do you like him?'' tanong ni Gregory na maski ito ay nabigla at lumabas iyon sa bibig niya kaya umiwas ng tingin kay Sabrina. Tuwang-tuwa naman si Sabrina at mukhang tama ang hinala niyang nagseselos nga ito. ''Adam is cute and charming...'' ibinitin niya ang sinasabi tiningnan niya muna ang  reaksyon ni Gregory na hindi parin makatingin ng deretso sa kanya. ''I like him as a friend. Just how much I like the other four. They are all brothers to me since I am an only child. I found a sibling to them.” “I see,” maikling sagot ni Gregory at nagpatuloy na sila sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep.    ---  NAGING abala si Sabrina at Adam para sa nalalapit na pageant. Pagkatapos ng klase ay sa rehearsal na agad ang tuloy nilang dalawa. Isang pareha sa bawat section ang kasali ngunit dalawa lang a freshman at sophomore ang nakapasa sa screening. Tatlo sa Juniors at lima naman sa Seniors kaya labing dalawa silang lahat na pares na malalaban para sa title. Noong una ay baliwala lang kay Sabrina ang search na ito ngunit napasubo na siya at ayaw niyang umuwing luhaan. Batikan na sa beauty pageant ang mga Senior na kalaban niya dahil mula palang ng mga freshman ang mga ito ay sumasali na sa kahit anong beauty search sa eskwelahan nila. At inis din siya sa dalawang Senior na kalaban dahil mukhang type ng mga ito si Gregory. Kanina ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang seniors sa CR at nagkataon na sa isang cubicle siya. ''Ang hot ni noong transferee noh?'' sabi noong isang girl na si Sheila. ''Oo nga!'' kinikilig pa na sagot ng isa na Leslie ang pangalan. ''Hindi siya makakawala sa mga kamay ko.” ''The best girl win,'' wika ni Sheila at nag high five pa ang dalawa pagkatapos ay lumabas na ng CR. Inis naman si Sabrina. Nakasisiguro siyang si Gregory ang pinag-uusapan ng dalawa dahil wala namang ibang transferee sa school nila kundi ito lang. Pagkatapos ng rehearsals ay nag-uunahan pa ang dalawa na lumapit kay Gregory. Mukhang tuwang-tuwa naman si Gregory at nakikipagngitian pa sa dalawa. Minsan na ngalang itong manood ng rehearsals nila ay mukhang makikipaglandian pa. Inis na susugurin sana ni Sabrina ngunit pinigilan siya ng mga kaibigan. ''Relax! baka magasgasan ang face mo girl papangit ka. Bukas na pa naman ang pageant. Sayang naman ang mga pinagpaguran niyo,'' pigil ni Ysabel dito. ''Mas maganda ka pa rin sa dalawang iyon!'' tapik naman ni  Adam sa balikat nito. ''Talunin mo nalang bukas!” turan naman  ni Nathan. ''Pare, handa na ba ang bikini mo bukas?'' pag-iiba naman ni Austin ng usapan at binibiro si Adam. ''Pahamak kasi itong si Sabrina... dahil sayo makikita na ng madlang people ang katawan ko,' kunway reklamo nito'  Adam. Swimming trunks kasi ang suot sa bikini competition at syempre ay pate lalaki ay dapat naka trunks. ''Ikaw lang ba? Pati rin naman ako ahhh... Isipin mo nalang na nasa beach ka, pareho din iyon… Tsaka kunwari ka pa dyan eh gustong gusto mo naman ang pinagtitilian ka ng mga babae,'' nakangiting sagot ni Sabrina. Kanina kasi ay ibinigay na sa kanila ang swimwear na gagamitin nila bukas. ''Goodluck sa inyong dalawa. Kaya niyo yan!'' pagpapalakas ng loob ni Bryan sa dalawa. ''Syempre ihahanda na namin ang mga sigaw namin para sa inyo bukas!” wika naman ni  Austin. ''Huwag mo akong bibigyan ng kahihiyan bukas, pinsan!" pagbibiro naman ni Nathan. “Ipakita mo sa lahat kung gaano ka ganda ang lahi natin.”  ''Uwi na tayo!'' aya naman ni Jaden kay Ysabel.  ''Wow, himala ngayon kalang yata unang mag-aya umuwi,'' lingon dito ni Ysabel na ipinagkibit lang ng balikat ng binata. ''Sabay kana sa amin Sab at sa tingin ko ay mamaya pa yan si Gregory uuwi. Kailangan mo ng beautyrest para bukas.'' Pareho ang direksyon ng bahay ni Sabrina at Jaden kung saan din nakatira si Ysabel. Sinulyapan ni Sabrina si Gregory at ang dalawang kausap nito. Mukhang wala manlang itong pakialam sa kanya. Akala pa naman niya ay naroon din ito para sa kanya. ''Tara na!" aya ni Adam at inakbyan si Sabrina. Si Bryan ay nilapitan si Gregory para sabihing uuwi na sila. ''Pare sabay ka ba sa amin pauwi?”  ''Oo. Sandali lang,'' si Gregory at nagpaalam na sa mga kausap. Hinanap niya kung saan napunta si Sabrina ngunit nauna na pala ito sa kanila habang akbay ni Adam. Ilang araw na hindi siya kinukulit ni Sabrina dahil busy ito sa pageant at laging si Adam ang kasama. Nakakamiss din pala ang kakulitan nito kaya sumama siya sa mga kaibigan ng sabihin na pupunta sa rehearsal ni Sabrina at Adam. Ngunit mukhang hindi naman siya pansin ni Sabrina at ayon nga at kaakbay pa si Adam. Nang uwian ay magkasabay silang umuwi ni Sabrina.  “Bakit nakasimangot  ka?'' tanong ni Gregory nang nasa jeep na sila. ''Paano minsan ka na ngalang manood ng rehearsals namin, nakipaglandian kapa doon sa dalawa kong kalaban,'' ingos dito ni Sabrina. Hindi naman nagsalita si Gregory.  ''Wala ka bang sasabihin para manlang mawala ang inis ko sayo?'' marahang siniko ito ng dalaga.   ''Ano naman ang sasabihin ko?''  ''Iwan, basta magsalita ka diyan!''  ''Wala naman akong sasabihin sayo ehhh...''  ''Kainis ka talaga!" Huwag kang mawawala bukas ha! Hindi na kita babatiin kahit kailan kapag hindi kita nakita bukas,'' seryosong banta ni Sabrina dito. ''Gusto ko nga iyon para wala nang nangungulit sa akin...'' pang-iinis ni Gregory na lalo namang nagpatulis sa nguso ni Sabrina. ''Bahala ka sa buhay mo!'' inis na sabi ni Sabrina at pumara ng makitang malapit na pala ang bahay nila. Pagpara ng jeep ay tinapik ni Sabrina ang magkatabing si Jaden at Ysabel bilang paalam at hindi manlang nilingon si Gregory na nakangisi sa kanya at nang-iinis pa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD