Asper Reign’s POV “Oh my god!” Mabilis na lumapit sa akin si Cassandra pagpasok pa lang namin ng dining hall. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at tinitigan ang singsing na suot ko. “Is this what I think it is?” Nilipat niya ang tingin sa akin. “Engage na uli kayo? Dahil sa malakas niyang boses ay agad naming nakuha ang atensyon ng mga narito na. Hindi pa naman ganoon karami. Maliban sa pamilya ni Jyn, narito na din ang mga pinsan nila habang hinihintay pa ang hari at reyna, maging ang isa pang kapatid ng hari na si Princess Realla at ang pamilya nito. Bahagya akong napaatras dahil hindi ko naman inaasahan na agad niyang mapapansin ang kamay ko at alanganing ngumiti sa kanya. “W-well, Cee proposed last night.” “Congratulations, hija!” Nilapitan ako ni Tita Leana at agad akong niyakap.

