—Rain's POV—
Muli akong napamulat dahil hindi maalis sa isip kong ang mga sinabi ng babaeng yon.
"Gusto lang naman kitang makilala."
Para itong sirang plakang paulit-ulit sa isip ko.
Simula ng bumalik ito mas lalong naging komplikado ang lahat. Mas dumami ang mga tanong ko, nagsasawa na rin naman akong magtanong lalo na kung wala itong kasagutan.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya, gusto kong tanggapin siya muli pero sa twing maaalala ko lahat ng sakit na ipinaramdam niya sakin natatalo non ang kagustuha kong patawarin ito.
"Isang malaking pagkakamali ang kasal natin, Rain."
Akala ko sawakas magkakaroon na ako ng matatawag kong pamilya--yung sariling akin. Nagkamali ako.
Kung nakalimot nga ito, mapalad siya. Sana ako na lang ang nawalan ng ala-ala. Ako lang naman kasi ang nasasaktan, diba? Ako lang ang nakakaramdam ng sakit dahil ako lang naman ang nagmahal saming dalawa.
Napatingin ako sa phone ko ng mapansing umiilaw iyon.
Van's calling...
"Bakit?"
Paniguradong nandito siya ngayon para sermonan ako dahil ako nanaman ang pinalabas na masama ng bestfriend nito. Kay Van nanaman ito lumapit. Tsk.
"Bumaba ka! Nandito ako sa labas ng bahay mo!"
"Umalis kana. Wala tayong dapat pag-usapan."
"Bababain mo ba ako o gigisingin ko lahat ng kapit-bahay mo?!"
"Tsk." Wala na akong magagawa, masyadong isip-bata ang bansot na ito kaya paniguradong mag-iiskandalo ito.
Isa pa, ayokong magising pa si Sunny. Paniguradong hahanapin nito si Angela at malalaman nitong hindi pa ito nakakauwi.
Marami akong dinahilan sa batang iyon para lang tigilan na akong kulitin kung nasaan ang Nanay nito. Tsk!
"Hindi ko pinalayas ang kaibigan mo! Nagkusa siyang umalis." Bungad ko dito na kasama pala si Zac.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko, nagdire-diretso lang ito sa pagpasok hanggang sala.
"Gabi na kaya umuwi na kayo." taboy ko sa kanila. Wala akong pakielam kung kaibigan pa rin ang turing nila sakin. Iniwan nila ako noon para lang sa babaeng walang isang salita.
"Umayos ka, Rain. Wala akong pakielam kung bahay mo ito o kung pinsan pa kita. Wala kang karapatang bastusin ang asawa ko."
Wala pa rin siya pinagbago, handa pa rin niyang gawin ang lahat para lang kay Van. Kahit pa mali iyon.
"Sino bang nanugod ng ganito ng oras para lang ipagtanggol ang isang babaeng walang kwent--PAK!"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa malakas na pagsampal sakin ni Van.
"Wala kang karapatang sabihin yan kay Gela!" Agad naman itong hinawakan ni Zac.
Ako pa ngayon ang nawalan ng karapatan. Magaling talaga!
—Zac's POV—
"Bitawan mo nga ako!" sinagi nito ang kamay ko para makawala sakin at agad na sinampal ulit si Rain.
"Tama na yan, Van!" Hindi ako nito pinansin at muling sinampal si Rain. Wala naman kaming nagawa dahil sa bilis ng pagsampal nito.
"Para sa katangahan mo!"
"Para sa pagiging bulag mo!"
"VAN!!!" Hinawakan ko ito ulit.
"At ito naman... para sa pagiging makasarili mo!"
Mukhang nagulat din si Rain dahil sa galit na mababakas sa mukha ngayon ni Van kaya nanatili lang ito sa kinatatayuan nito.
"Van..." sa pagkakataong ito mahinahon na ang pagkakatawag ko dito.
Tuluyan na itong umiyak.
"Bakit ba... bakit ba hindi mo inalam ang lahat? Bakit ba ang selfish-selfish mo?!"
"Ako pa ngayon ang makasarili? Sino bang nang-iwan? Sino bang nagpabaya ng anak? Bakit ba galit na galit ka sakin ngayon?! Ako ang nasaktan dito!"
"Alam ko..."
"Alam mo pero mas pinili nyong iwan kami at samahan siya!"
"Tama na yan. Uuwi na kami."
"Isa ka pa, Zac! Akala ko pa naman bestfriend kita, hindi nga lang ganon ih, pinsan na kapatid pa ang turing ko sayo!"
Agad naman akong natigilan dahil tama ito. Para na rin kaming magkapatid pero iniwan ko ito nung mga panahon kung saan mas kailangan nya ako.
Ako ang mas matanda saming dalawa kaya nagpakakuya ako dito. Bata pa lang ito ng mamatay ang mga magulang niya kaya halos kami na ang tinuring nitong pamilya.
Alam kong nasaktan namin siya ng mas piliin naming samahan si Gela ng makalimot ito. Sinubukan kong tulungan ito sa pagpapalaki kay Sunny kahit huli na pero hindi na ako tinanggap nito.
Naging cold na siya simula noon, nagalit ito sa lahat maliban sa inosenteng batang hindi nang-iwan dito.
"Umalis na kayo. Hindi ko kayo kailangan dito."
Tinulungan kong tumayo si Van. Hindi naman ito tumutol ng akayin ko ito palabas, mukhang naguilty din si Van dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong pinakita ni Rain samin ang nararamdaman nito.
Naging tahimik lang kaming dalawa sa sasakyan. Nang malapit na kami sa bahay ay itinigil ko muna ang ssakyan. Matagal ko ng gustong malaman ang lahat.
"Ano ba talagang nangyari noon, Van?"
Dati tinanong kona rin ito sa kanya pero wala akong nakuhang kasagutan mula dito.
"Pinili kong samahan si Gela noon dahil alam kong may dahilan kung bakit iniwan nito si Rain. Iniisip ko kung dahil ba nambabae si Rain o dahil nga ba nawala na ang pagmamahal ni Gela dito. Pero kilala ko ang dalawang iyon, mahal ni Gela si Rain at imposible namang mambabae si Rain, lalo na ang magkagusto ito kay Ate Selena! Litong-lito na ako, Van!"
Nanatili lang itong tahimik.
"Ano ba, Van?! Sinasabi sayo lahat ni Gela kaya alam kong alam mo ang lahat. talaga bang nagkaroon ng relasyon si Ate Selena at Rain kaya ito iniwan ni Gela? Pero kung ganon nga, bakit kailangan nya ring iwan si Sunny?"
"S-sorry... gustong-gusto kong sabihin sayo ang lahat pero nangako ako kay Gela noon."
"Hindi ba ang sabi ko sayo future naman natin ang isipin mo? Hindi natin mahaharap ang kinabukasan kung may hindi pa naaayos sa nakaraan. Ikaw na lang ang nakakaalam ng nakaraan dahil nakalimutan na ito ni Gela. Hindi ko sinasabi na ayusin mo ang gulo nilang mag-asawa dahil tungkulin iyon ni Rain at ni Gela. Pero hindi nila iyon maaayos kung hindi mo bibigyan ng pagkakataon si Rain na malaman ang totoong dahilan kung bakit siya iniwan ni Gela. Hindi ko na pipiliting sabihin mo sakin ang nangyari kay Gela noon pero sana sabihin mo iyon kay Rain dahil kahit pagbali-baliktarin mo ang lahat hindi mababago noon ang katotohanang asawa ito ni Gela at siya ang mas higit na may karapatang malaman ang lahat ng nangyayari sa asawa niya."