Agamani Astrid Ghaile Acosta.
Tahimik lang kami ni Daniel habang naka upo sa loob ng sasakyan nya. Nasa school parin kami at wala pa kaming nakitang nag babaan mga kaklase namin.
"T-tell me" mahinang sabi ko kay Daniel at nadinig ko naman ang pag buntong hininga nya.
"Can you promise me something first?" Tanong nya kaya nilingon ko sya.
"No matter what happen... please don't be blinded by anger" malungkot na sabi nya kaya pilit akong ngumiti at tumango.
"I p-promise" alangan kong sabi at muli naman syang bumuntong hininga.
"I assume that you know Zinade Villaverde" nanlaki naman ang mata ko at napakurap pa.
"What about him?" Kinakabahan kong tanong at inabot nya ang kamay ko para hawakan yun.
"He's our section biggest enemy." Nangunot naman ang noo ko. "He said that he'll give Reina back if he can get you in return" napatabingi pa ang ulo ko at taka syang tinignan.
"She's the real first woman in our section dahil naipasok sya ni Cazdrin. He don't want his girl na malayo sakanya. Sya yung pinaka unang babae na sineryoso ni Cazdrin. Pero natipuhan sya ni Zinade. And Zinade is a really powerful man so is Cazdrin. Kinidnap ni Zinade si Reina pero wala kaming magawa. We moved for a year until dumating ka sa room. Nalaman ni Thanor iyong pinsan ni Jason at nabanggit nya ito kay Zinade. Zin immidiately contacted our class na handa nya nang ibalik si Reina kapalit mo. Wala na kaming balak kuhanin si Reina dahil she confessed herself na masaya na sya sa malayo dahil hindi naman sya sinasaktan ni Zin kahit bantay sarado sya nito.... But Cazdrin is crazy for Reina. He wants Reina back and he can only get her through you. Hindi ko alam kung bakit nasali ang buong Marivlloso sa pag bawi kay Reina. Hindi ko rin alam kung anong plano nila but his first rule spoken is never to like you or love you. And i can say Our classmates broke it. Hindi ko lang alam kay Cazdrin." Tulala lang ako at para bang hindi ma process ng utak ko ang sinasabi nya.
Hindi naman si Maddie ang tinutukoy niyang Reina hindi ba?....
Reina Madrid.
He pulle my hand and held it tightly.
"I like you Astrid. No... i love you" tila isang bala ng baril yun na biglang tumagos sa katawan ko
"Daniel..." tanging nasambit ko at ngumiti naman sya.
Lumapit sya sakin at marahang dinampian ng halik ang labi ko.
Magaan, at sandali lang yun.
He cupped my face and stared at me.
"They used me" wala sa sariling sambit ko at nagulat naman sya.
Tinanggal ko ang kamay nya sa pisngi ko at bumaba sa sasakyan nya para pumunta sa sasakyan ko.
Gusto kong sumabog.
They used you Ghaile.
Dali dali akong sumakay sa kotse ko at mabilis yung pinaandar. Hindi ko alam kung san ako pupunta?. Pero patuloy lang ako sa pag mamaneho na inabot na ng mahigit 30 minuto.
Huminto ang sasakyan ko sa tapat ng Arko'ng kulay asul na may disenyong apoy at gulong.
Blash Zone
Tuluyan akong pumasok at kahit palubog palang ang araw ay parang may magaganap na event dito.
Madaming sasakyan at mga tao kasabay ng malakas na musika. Nilampasan ko ang pwestong yun at pumarada sa harap ng building na pinag ta-tambayan namin kasama si Cheetah.
Agad akong naka pasok ng hindi sinisita ng kahit sinong bantay hanggang sa marating ko ang lugar na may salamin na pader.
Nagulat pa si Cheetah ng makita ako at agad na tumayo sa swivel chair.
"Agamani!" Bati nya at tinignan ang likod ko at nangunot ang noo nya ng makitang wala akong kasama.
"Mag isa lang ako" sabi ko at tinapik ang kamay nyang naka lutang sa ere.
"Mukhang may problema ka ah?" Tanong nya at hindi ko sya sinagot bagkos ay kinuha ang malinis na baso at sinalin ang kaunting alak roon saka yun nilagok.
"I wanna race. May event kayo hindi ba?" Blangkong tanong ko at nanlaki naman ang mata nya.
"Hindi ka pwedeng sumali dun" nabibiglang sabi nya kaya nangunot ang noo ko.
"Bakit naman?" Iritang tanong ko.
"Adult Bets ang laban" sabi nya aya tinaasan ko sya ng kilay.
"You think i'll lose?" Taas kilay kong tanong sakanya.
"Top racers ang mag lalaro Aga." Inirapan ko naman sya.
"Pull me to the race" utas ko at pinulot ang susi ng sasakyan ko.
Narinig ko pa ang pag anunsyo nya sa mikropono ng makalabas ako.
"Babae?" Natatawang tanong ng isang lalaki ng maparada ko ang sasakyan ko sa hilera nglimamg sasakyan na mag kakarera.
Naka baba kasi ang bintana ko at sumilip naman sila dun.
"Ayos" naka ngising sabi nung isa.
"Anong bet mo miss?" Malanding tanong ng isang lalaki.
"Winner names it" sabi ko at sinarado ang bintana ko.
Bahagya pa silang nag ngitian at nag apiran.
Nag pula na ang ilaw sa board kaya nag simula nang mag painit ng sasakyan kaming pare-pareho. Nang mag berde yun ay agad kaming umadar.
Halos pantay pantay ang mga sasakyan namin kaya ini-race mode ko na ang sasakyan ko kaya naka ungos ako at nanguna.
Mayamaya lang ay may dalawang sasakyan na naka habol sakin at nanguna atmng kulay asul na sasakyan ng kaunti.
Ang isang sasakyan naman ay kapantay ko at sinenyasan akong mag baba ng bintana na ginawa ko naman.
"Takinh you out in a date will do!" Sigaw nya at kinindatan pa ako bago ako lampasan.
Mas binilisan ko at ginawa ko na ang technique na itinuro sakin ni Kuya Garnet dahilan para malampasan ko ang parehong sasakyan.
Malapit na ako sa Finish line ng magpantay ulit ang sasakyan namin pero iyong kaninang nagungunang asul na.
"You're amazing. But you said winner names your bet so i'll do better" sabi nya at nilampasan ako
Ihininto ko ang sasakyan ko at tinignan ang board.
Xantie Rivera...3m.45.3s
Agamani Acosta...3m.45.7s
Dave Ramos...3m.47.0s
Bret Dark...3m.50.3a
Gerald Felicio... 3m.54.3s
Jackson Park... 3m.55s
Bumaba akonsa sasakyan ko at ngingisi ngisi namang lumapit yung lima sakin.
"Mas magaling ka sa ibang Acosta" puri nung kulay Violet ang buhok.
"Nice one Xantie!" Puri naman nung pinaka maputi sa nakangising lalaki na naka titig saakin.
"Winner names the bet!" Parang timang na sabi nung isa oang lalaki.
Habang ako, naka sandal lang sa sasakyan ko at tamad silang pinapanood.
Tinignan naman nila ako mula ulo hanggang paa. Naka jacket parin ako kaya parang wala akong inang suot.
I pulled the jacket up at ipinakita ang unipormeng suot ko.
"Shit...studyante" parang nanghihinayang na sabi nung violet yung buhok.
"I mean no harm to her anyways. Your bet? Let's all be friends" sabi nung lalaking naka talo sakin at nag lahad ng kamay.
Tamad ko naman yung tinanggap.
"Xantie Rivera" pakilala nya at ngumiti pa.
"Ghaile Acosta" sabi ko at napataas naman ang kilay nya.
"But it says there na Agamani" sabi nya at inginuso pa ang board.
"Agamani. Astrid. Ghaile. Acosta" sabi ko at napatango naman sya.
"Ako naman si Bret"
"Dave"
"Gerald Feliscio but call me Sion"
"Jackson"
"I'm serious...let's be friends" naka ngiting sabi ni Xantie at ngumiti sakin.
Bahagya pa akong bumuntong hininga at ngumiti.
"Okay...Let's be friends"