Twenty-three

1585 Words
Agamani Astrid Ghaile Acosta Awkward That's the best word to describe this family lunch. Pag ka alis ni Kuya Garnet, pinaupo nila ako para kumain at wala nang ibang napag usapan kundi ang pera ng mga Acosta at ang darating kong debut. "I think we will be needing to celebrate Ghaile's debut at London" natigil naman ako sa pag subo at nag angat ng tingin kay Tita Amanda. "Yes. Right. That would be better" sagot naman ni mommy. "I want it celebrated here" wala sa sariling protesta ko. "Why? For your friends? Hindi ba't taga london--" bago pa matapos ang sasabihin ni Tito Hein ay nag salita na si Lolo. "Let her decide" asik ni Lolo. "Hindi kayo ang mag ce-celebrate. If the other Acostas' wants to be present at my Ghaile's debut, sila ang pupunta rito" ma awtoridad na utos ni Lolo saka ako nilingon at kinindatan. Nginitian ko naman si lolo. After all, he's always on my side. "Then where do you want to celebrate it?" Tanong ni kuya Aimir sakin. "I want it somewhere my other friends can be present" simpleng sagot ko. "Hindi pwede na rito sa Central Mansion gaganapin ang party. This is an exclusive space" sabi ni Tita Zenith at tumango tango pa. "Why not? If Ghaile wanted it here" sabad ni kuya Andrew at inirapan naman siya ni Tita Zen. "Central Mansion is exclusively for Acostas" mararay na asik ni Tita Zen kay kuya. "Then Garnet shouldn't be here. Pati narin kayo Tita." pabalang na sabad ni Kuya Andrei. "Enough" awat ni Tito Garret. "Bastos kang bata ka" asik parin ni tita Zen. "Zenith! Don't you ever speak like that to my son!" Asik ni Mommy. Habang nag tatalo sila ay nag vibrate naman ang phone ko. Hudyat na may nag text kaya agad kong binasa yun mula sa ilalim ng Lamesa. From: Filip the Screwdriver Hey mamen ramen! Wala tao sa bahay u? Wer u? Sundo ka sana nmn go tayo sa mall nila kiel Nilingon ko naman ang mga nasa harap ng hapag na nag tatalo talo. To: Filip the Screwdriver Sama ako. Nasa Central Mansion lng kme. Una na kayo, just text the address Pag ka text ko nun ay agad naman pumasok ang text nya na sinasabi ang lokasyon ng mall nila Kiel. "Tapos na po ba?" Pambabasag ko sa pag tatalo nila. "May lakad pa po kami ng mga kaibigan ko...tapos na ba?" Malamyang sabi ko. Parati nalang kasi na sa tuwing imuuwi ako rito ay kung hindi sigawan ang mag a-acompany sakin ay mahihinang ingitan at bangayan. Nakaka sawa. "Saan ang lakad mo?" Tanong ni kuya Aimir. "Sa mall. Kasama ko yung mga classmates ko" walang ganang sagot ko. "Sila Dremion? Hindi naman sila nag text sakin" sabi ni Vreu kaya hinugot ko ang phone ko at hinarap sakanya yun. "Hindi talaga. Sila Filip ang nag aya at kila Kiel ang punta" sabi ko at nag baba naman sya ng tingin. Hindi kasi maganda ang namamagitan sa ilang kaklase ko at sa mga pinsan ko. I can understand them because they're somewhat arrogant. The Acostas i mean. "Mas importante ba yan sa Family dinner na to?" Istriktang tanong ni Tita Sapphire kaya nilingon ko sya. "Hindi naman po. Pero paniguradong mas masaya at walang bangayan" pag papatama ko at umubo naman sila ng mahina at nag iwas ng tingin. "You can go after we talk. Follow me Ghaile" sabi ni Lolo at tumayo kaya dinaluhan ko sya para alalayan. "Kapag balik ko at hindi pa kayo nag aayos ayos. May kalalagyan kayo. First for ruining Ghaile's appetite and second, for making her leave" naniningkit panang mata ni Lolo ng sabihin yon kaya napayuko naman ako. Kapag si lolo talaga ang kakampi walang nakakatanggi. Hehehehe Dumeretso kami sa Balkon na nasa pag lampas lang ng living room. "I'm sorry for that Ghaile" nag papaumanhing sabi ni Lolo. "Okay lang lo, sanay na ako" pabulong kong sabi at ngumiti naman sya na ginantihan ko. "Sa birthday mo. I will be giving you a very big present." Sabi nya at may binunot sa bulsa. Maliit yung kahita na kulay Asul na may naka imprinta na AAGA gamit ang kurbang font. "Sa ngayon, eto muna" sabi nya at inabot sakin yun. Kinuha ko naman at tinanggap bago buksan. Harry Winston. Isa yung rose gold necklace na may pendant na bilog na napapaligiran ng maraming maliliit na diamonds at sa loob non ay may isang bulaklak na gawa rin sa rosegold at ang gitna ay may roon ding diamond na higit ang laki sa mga maliliit na naka palibot. Inakap ko si Lolo saka hinalikan sa pisngi. "This is too much lo. May ika lalaki pa ba to" pabiro kong sabi at inakap sya. "I just wanted to give you that for early present. Here let me put that in you" sabi nya at kinuha mula sa kahita ang kwintas at isinuot yun sakin. "Looks very good on you" naka ngiti nyang sabi ang muli akong niyakap. "I'm so sorry Ghaile" dinig kong bulong nya na hindi ko pinansin. "Visit me often" naka ngiting paalala sakin ni Lolo nang ihatid ako sa labas. Ipinahatid nya nalang ako sa isang driver nya papunta sa Mall na sinabi ni Filip. Alam kong agaw atensyon ang suot ko para lang mag mall kaya tinawagan ko si Filip na sanisang clothe botique nalang kami mag kita kita para maka bili muna ako ng isu-suot ko. "Asan na ba si Astrid?" Dinig kong tanong ni Aldrin habang kumakamot pa sa batok ng makalapit ako ng kaunti sa pwesto nila. Kumpleto ulit sila kung hindi bibilangin ang mga Acosta kaya agad ko silang napansin at naka pwesto naman sila sa tapat ng botique. Sa likod kasi ako nag pababa kaya hindi talaga nila ako makikita kung dun lang sila nakaharap. "Waahh!" Gulat na sambit ni Jayvee kaya tinaasan ko sya ng kilay. Napalingon naman sila at parang naka kita ng multo ng matapunan ako ng tingin. "s**t! Ano number mo miss?" Inirapan ko naman si Dtemion at tinapunan ng tingin ang iba. Lumapit naman sakin si Cazdrin nang may ngisi sa labi. "You look gorg" pabulong nyang sabi bago ako hapiting muli. "Tss, i'll change" sabi ko at lumingon sa botique. "Wag na! Ganyan ka na! Minsan ka na nga lang namin makitang naka ganyan eh" angil ni Dremion at hinila pa ako kaya tinapis ni Cazdrin ang kamay nya. "Mag hanap ka nga ng iyo!" Angil ni Caz at sinamaan ng tingin si Dremion na humalakhak. "Sayo yan? Sayo yan?" Pabalang na tanong ni Dremion kaya umalis ako sa gitna nila at lumapin kay Daniel at Quian. "Samahan nyo ko" sabi ko at tumango naman sila. Sumunod din sila sa loob at nag away away pa kung ano dapat ang susuotin ko. "Eto! Eto!" Utas ni Kiel at inabot sakin ang isang pants at hanging top na kulay gray. "Eto nalang!" Singit ni Daniel na may dalang tanktop at blazer. "Bakla ba kayo?" Asar na utas ni Spike na naka upo sa couch kasama ang iba. Inagaw ko naman ang hawak na pants ni Kiel at ang top na hawak ni Daniel. "Para fair" sabi ko at nginitian sila pareho. Pag pasok ko ay inabot ko agad ang zipper ng dress ko---pero mataas. Paano ko nga ba na zipper to kanina? Tsk. Lumabas ako saglit pero nakitang walang sales lady at panay lalaki ang nasa counter. "Need help?" Tanong ni Cazdrin kaya tumango ako at isinenyas ang likod ko. Nag hiyawan ang mga loko na para bang wala kami sa public place kung makapag ingay. Pumasok ako sa fitting room at sumunod naman si Cazdrin. "Just pull it down" sabi ko at isinenyas ang dress ko. Naramdaman ko naman ang pag baba nun. Nasa harap kami ng salamin kaya kita ko ang ginagawa nya habang naka titig sakin. "Thanks" sabi ko at isinenyas ang pintuan pero nanantili syang naka tayo dun. "Sabay na tayo lumabas" nama ngising sabi nya at nanlaki naman ang mata ko. "Siraulo ka ba?! Pag huhubarin mo ako sa harap mo?! Labass!" Angil ko pero tinawanan nya lang ako. "I've seen it Astrid--" binato ko naman sakanya ang naka hanger na pants habang ang isang kamay ko ay naka alalay sa dress ko para hindi mahulog "Labaaasss!" Malakas na utos ko pero humalakhal lang sya at tumalikod. "Hindi nalang ako titingin" malokong sabi nya kaya sinabunutan ko na sya "aray aray!" Daing nya. "Lalabas ka ng may buhok o kakalbuhin kita?! Labas!" Utos ko at tinuro ang pintuan. Lumabi lang sya at mabilis akong hinalikan bago tumakbo palabas. Nakapag ayos naman ako ng sarili ko. Tinanggal ko ang pag kakapusod ng buhok ko at ang trintas sa gilid ang itinira ko habang ang baba ay naka lugay. "Letseng stiletto" inis na sabi ko at muling sinuot yun. Six inch pare! Kasing tangkad ko na halos si Spike na syang pinaka matangkad sa mga to bukod kay Cazdrin. Pag labas ko ay inaasar ng mga siraulo si Cazdrin habang si Kiel naman ay nakikipag usap sa counter. Kay Kiel ako unang lumapit. "Okay na? Wag mo na bayaran. Kay Ate naman to'ng botique" sabi nya pero nilabas ko parin yung card ko. "Nakaka hiya. Baka manaya sabihin ng ate mo Chix mo ko" tumawa kami pareho pero sa huli ay hindi nya na ako hinayaang mag bayad. One thing good to be in a International School and inside a classroom with rich students---kahit ano pwedeng maging libre HAHAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD