HINALIKAN ni Ashriel si Nylah sa nuo bago siya sumakay sa kotse nang maihatid niya ito at si Evron sa school. Ngumiti naman si Nylah saka bahagyang kumaway. Ashriel waved too and maneuvered the car. He left and went to the Rios Group. He had a board meeting today. Actually, late na nga siya pero ilang minuto lang. Bago siya pumasok sa conference room, nag-utos siya ng taong bibili ng kape sa coffee shop ni Nylah, because this will be a long day. “Sir,” bati sa kaniya ni Sam nang makapasok siya sa loob ng conference room. Tinanguan naman ni Ashriel si Sam. Tinignan niya ang mga board of directors na nakaupo sa mahabang lamesa bago siya umupo. “Let’s start.” The day had been long, but manageable. Halos tatlong oras ang meeting niya. Pagkatapos ng meeting, napahilot na lamang siya

