HINDI alam ni Ashriel kung matutuwa ba siya o ano nang sabihin ni Nylah na matulog siya sa apartment nito. Bumuhos na naman kasi ang malakas na ulan. Naalala niya kasi ang nangyari noong nakaraang natulog siya sa apartment ng dalaga. Sa katunayan, ilang gabi niyang inisip ang nangyaring ‘yon. They kissed that night—no, Nylah kissed him that night, pero ang masaklap ay hindi nito maalala. Then even his dream, ayaw na siya nitong tantanan. Every time he saw Nylah, he thought about and wanted to kiss her. The licking on the neck… Nylah didn’t push it any further. Parang kinalimutan na nito ‘yon pero siya hindi. Hindi niya ‘yon makalimutan. By what he did, he could still remember Nylah’s natural scent and the warmth he felt. “Tulog na?” tanong ni Nylah nang makita siya nitong pumasok sa

