EPISODE 6
Bago ako umalis ng bahay, nagtext muna ako kay Andrew na kina Alex uli ako mag iistay. Nagulat na lamang ako sa reply niya sa akin “okay babe” cold na reply sa message ko. Nagtaka lang ako sa tinawag niya sa akin dahil hindi naman yun ang madalas na itawag niya sa akin. Ang weird. Nakita ko rin yung naiwang panyo sa upuan niya dati na may naka embroidered na initial “A” hindi na rin ako nagtaka roon dahil malamang ay sa kanya yung panyo dahil initial din yun ng pangalan ni Andrew mismo. Ang pinakanakakagulat sa lahat ay yung video na post ni Andrew sa kanyang IG account. Stalker din kasi ako at wala akong idea na may matutuklasan akong hindi ko dapat malaman.
Sa video makikita na mayroon syang kasamang babae sa isang café at magkahawak ang kanilang kamay. Sobrang sakit isipin kung paano ito nagagawa sa akin ni Andrew. Sobrang mahal ko sya at gusto ko syang patawarin pero mas marming rason kung bakit dapat akong magalit sa ginagawa niya. Nahagip ng mga mata ko yung bracelet na suot ng babae sa video, sigurado akong kay Alex iyon dahil naalala ko na iyon ang regalo sa kanya ng parents ko nung 18th birthday nya. Hindi ako makagalaw ng maayos, hindi makapag-isip, totoo ba itong mga nakikita ko? Paano naman magagawa yun ni Alex sa akin? Ang daming mga tanong ang gumugulo sa isip ko? I can`t believe this is happening. I thought were friends.
Iniisip ko kung tutuloy pa ako kila Alex o hindi na baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Mahal na mahal ko si Andrew pati na rin si Alex and they betrayed me! Naalala ko yung phone na ibabalik ko kay Alex na naiwan nya sa bag ko, binuksan ko ito at tumambad ang mga larawan na sana hindi ko na lang nakita. My instinct is true but I never thought that Alex would do that to me. I rushed to Alex house, napansin nyang namumutla ako, oo naamumutla sa galit. She even asked me kung okay lang ako with her innocent face, I hate her but I can`t be angry with her kasi best friend ko siya.