The Sad Truth

261 Words
EPISODE 12 “ Wala ba talaga Alex?” biglang nagsalita si Hannah nang pagalit na ikiagulat ni Alex. “hindi mo ba sasabihin na may relasyon kayo ni Andrew at lumalabas kayong dalawa ng hindi ko nalalaman? alam ko na ang totoo at huwag ka ng magkaila. Gustong gusto kong sabihin sayo ito kagabi kaso wala akong lakas ng loob na sabihin dahil mahal kita bilang best friend ko” tugon nito at tumulo na lamang ang luha nito. “ akala mo ba madali para sa akin lahat? Kaibigan rin kita Hannah pero naisip mo ba kung anong mga sacrifices ang ginawa ko para sayo. Kahit na gustong gusto ko si Andrew, I let him go because of you” sagot ni Alex. Nasa isang tabi lamang si Andrew na nakikinig ng confession ng dalawa at natutuwa siya sa nangyayari. “ pero magkaibigan tayo Alex, bakit hindi mo sinabi saken nung una pa! akala mo lang ikaw lang ang nasasaktan? At ikaw Andrew anong balak mong gawin? “biglang tumingin ito sa kasintahan. Biglang nagbago ang expresson ng mukha ni Andrew. “ aware ka ba na yung daddy mo ang pumatay sa mga magulang ko? Aware ka rin ba na ang family ni Alex ang tumulong para hindi makulong ang daddy mo? So basically nagtulungan yung family ninyo para hindi makamit ang justice sa pagkawala ng parents ko? At isa pa, wala akong gusto sa inyong dalawa! “pagalit na sabi ni Andrew. Parang binuhusan ng malamig na yelo ang magkaibigan sa ibinunyag ni Andrew at hindi na nakuha pang magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD