Chapter Forty Four “YOU wanted to see me?” iyon ang bungad sa akin ni Finn Miller nang maupo siya sa silyang nasa harapan ko three days later. I asked Mada to have Finn meet me at Sappori D’ Italia so I can ask some questions from him before I go ahead and deliver the shocking baby bomb to Xanderone. “Yeah. Gusto mo munang um-order?” Nagawi ang paningin niya sa nagalaw ko nang lasagna at saka alangang nagtawag ng waitress na malapit. He ordered a scallop pasta and pineapple juice. “I have to say. This is unexpected,” mayamaya’y wika niya nang ilapag ng waitress ang mga inorder niyang pagkain. Bumuntong hininga ako. “Hindi ako magkukunwaring hindi awkward ‘to. Because it is, Finn, and if I have a choice...” nagkibit ako ng balika

