Chapter Forty Two One month later... “MISS Navarro? Heto na po ‘yong final bill n’yo,” sabay bigay sa akin ng nurse ng kopya ng medical bill na kailangang bayaran sa counter. “Ito naman po ‘yong mga gamot na nireseta ni dok sa inyo. Meron po n’yan lahat sa pharmacy dito pero kung gusto n’yo naman po sa labas na lang, meron din po n’yan.” Nginitian ko siya at nirebesa ng saglit ang breakdown ng bill. “Salamat ng marami. And uhm... it’s no longer a Miss actually.” Maang siyang napakurap sa akin pagkatapos ay sinulyapang muli ang hawak niyang board na siguro’y naglalaman ng records ko. “N-naku, pasensya na, Ma’am. Kasal na ho pala kayo. Wala kasi sa itsura n’yo pa. Mukha pa po kayong bata t’saka... single.” Muli lang akong nagbigay ng ngiti ka

