Chapter Forty Six “MGA ilang apology pa ang kailangan para patawarin mo ‘ko, Munchkin? Sorry na nga, hindi ko na namalayan kasi na na-indian kita sa dami ng mga nangyayari ngayon. Pupunta ako bukas, promise. ‘Wag ka nang magtampo.” Narinig kong nagdabog siya sa kabilang linya. I looked at Xander in the dining area sitting on the counter with his coffee in hand and his Macbook in front of him. Nakatingin din siya sa akin habang sumisimsim sa kape niya, mukhang nakikinig sa one-sided conversation namin ni Bryce. “You said that four days ago, Ana. And you’re just calling me noooowwww!” the last word was a yell kaya’t nailayo ko ang phone ko sa tainga ko. I rolled my eyes heavenwards. I saw Xander smirked and shook his head. “I said I’m sorry!”

