Chapter Twelve “ANAAAAA?” Bryce’s voice echoed in the room matapos kong isarado ang pintuan. May halo nang pangamba ang tinig niya at pakiramdam ko, he’s torn between what he needs to do and what he can do to help me out. “Ana, anong ginagawa mo?” Huminga ako ng malalim. Hindi inaalis ang tingin ko sa malaking lalaki na nakahambalang sa pintuan at may hawak ng baseball bat, I answered Bryce. “D’yan ka lang. Hanapin mo ‘yong portfolio. Ako nang bahala rito.” “Anong ikaw nang bahala?” he shouted back, the closed door muffling his voice. “Anong gagawin ko kapag napa’no ka r’yan?” “Oh stop being dramatic! I can handle this!” Hindi pa man ay umigkas na ang baseball bat na hawak ng lalaki. Thanks to my reflexes, agad akong nakaiwas at

