Chapter Thirty Nine “HINDI ba masyadong masikip, Miss?” naulinagan kong tanong ni Bryce sa nagsusukat sa kanya. “Lagyan kaya natin ng kaunting allowance sa banda rito? Nagwo-workout kasi ako. Eh kung eksaktong-eksakto, baka putok na ‘to pagdating ng wedding day.” Nakataas ang mga kamay para bigyan ng espasyo ang sarili kong taga-sukat, binalingan ko si Aldrin na katabi ko’t alam kong narinig iyon at ipinakita ko sa kanya ang pag-irap ko. Natawa siya. “He looks serious. Baka naman totoo.” “No,” I snorted. “He’s clearly showing off. He likes the girl fitting him.” “Naririnig kita, Munchkin,” biglang sabad ni Bryce na muli kong inirapan. “Sa’n mo natutunan ‘yang pangba-backstab?” “Wala ka sa likuran ko, gunggong.”

