"Cheers!" Sabay sabay na sigaw nila at inum ng mga alak na hawak. Nasa condo ako ni Zaire kasaluyan nilang pinag didiriwang ang dalawang pagkapanalo ni Zaire una itong paligsahan ng pag takbo at ikalawa iyong archery na hindi ko akalan na magaling pala siya doon. Nasa kilid ako at naka upo habang naka dagan ang ulo sa ibabaw ng mesa. To be honest I'm sleepy because I'm bored. Nasa mahabang lamesa sila ako namam ay inaantok na nakamasid sa ginagawa nila sa tabi. Tinanguan ako ng isang lalaki na kagrupo nila. Nginitian ko lang at umiwas ng tingin. Yung mga ka grupo ni Van ang halos nandito. Umirap ako at naisip na sana umuwi nalang ako sa boarding house kong ganitong hindi naman pala ang plano ko ang masusunod. Gusto ko sanang kumain kami ni Zaire sa labas pero imbis na kaming dalawa l

