chapter 11

2056 Words
Hininto ni Zaire ang sasakyan pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang mga nararamdaman ko. "Labas." Nabigla ako sa sinabi niya tinignan ko siya kong seryoso ba siya sa sinabi o nag bibiro lang. Ito ang unang pagkakataon na pinalabas niya ako sa kalagitnaan ng kalsada. Namumuo na ang luha ko sa mata. "Labas!" Sigaw niya napapikit ako at tumulo ang luhang hindi ko na palabas kanina nong nagusap kami ni Paul. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. At lumabas pag sira ko ay ang pag patakbo ng mabilis ni Zaire. Mahilig siyang magpatakbo ng mabilis sa sasakyan niya pag galit. Hindi niya siguro naisip na isa lang ang buhay ng tao. Madahan akong naglakat sa kilid ng kalasada at umiiyak. Maraming tao na nasa loob ng sasakyan ang tumitingin sakin. Bakit nagawa ni Zaire sakin to? Sana hindi niya nalang ako isinama kong ganito lang pala ang gagawin niya malayo pa ang bahay namin hindi rin ako pweding pumara ng taxi dito dahil bawal. Nasa bridge ako. One way lang ang bridge na to at nasa kabilang bridge yung pabalik. Ang ilalim ng tinatapakan ko ay tubig alam ko na malalim ang tubig na iyon at pag mahulog ako ay tiyak na hindi na ako makakaahon muli. Nanginig ang paa ko pagkatapos kong masilayan kong gaano ka lalim ang tubig mula dito sa kinatatayuan ko. Mas lalo akong umiyak ng malakas. Natatakot akong humawak sa grills at nanginginig na hinakbang ang paa. Kailan kong maka alis dito. Takot din ako na baka hindi kayanin ng grills ang bigat ko kaya hindi ako sumandal doon at nakahawak lang talaga ako. Alam ko naman na impossibleng masira ko ang kapitan ng bridge na to. Pero kasi. Naka tatlong hakbang palang ako at umiyak ulit ako ng umiyak. Gusto ko ng maupo dahil sa panginginig ng paa ko kung hindi ko lang nakita ang sasakyan na patalikod kong tumakbo. At subrang bilis ito na iniiwasan ang sasakyan na sumasalubong sa kaniya mula sa likod. Yun ang itim na sasakyan na ginagamit ni Zaire. Mabilis na nakarating ito sa kinaroroonan ko. Umiiyak ako habang pinapanood na bumaba ang bintana. "Pasok." Utos niya galit pa rin ang boses. "Kimmy pumasok ka!" Napasigaw na siya. Nauubosan na ata ng pasinsiya. At bawal na huminto ang mga sasakyan dito. Sa totoo lang gusto kong pumasok pero natatakot akong humakbang papasok ng kotse. Sa papagay ko kasi kapag humakbang ako ay mahuhulog ako sa ilalim. Hindi ako takot sa heights pero takot ako sa ilalim ng tubig. Narinig ko ang inis niyang pag hinga bumaba siya sa sasakyan naiinis na sinira ang pinto. Nilapitan niya ako at pag ka hawak palang niya ng kamay ko ay agad na akong bumitaw sa grills at yumakap sa kaniya. Takot ako. Takot na takot. Natigilan siya sa ginawa ko hinawakan niya ako at alam kong ramdam niya ang panginginig ng buo kong katawan. "Kimmy." Sabi niya. Umiling ako ng kunin niya ang kamay ko mula sa pagkakayap sa kaniya. "Kimmy are you okay?" Tanong niya hinawakan niya ang ulo ko at tinulongan akong tumingala sa kaniya. Nagtagpo ang mata namin puno ng pagaalala ang mukha niya at puno naman ng mga luha yung sakin. Kung hindi ako nag kakamali ay may sipon pa ako sa ilong. "I'm sorry... I'm sorry.. Stop crying. I'm sorry." Niyakap niya ako ng mahigpit at kahit papano ay nawala ang takot ko. Tinulungan niya akong pumasok sa sasakyan. Tumahan ang pag iyak ko at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako Nagising ako nasa sariling kwarto na ako nakahiga. Nakasuot parin ako ng unipurme pero wala na yung sapatos ko sa paa. May nakapatong na kulay pink na kumot sa katawan ko. Nakaramdam din ako ng p*******t nang mata dahil sa nakatulog ako habang umiiyak. Tumingin ako sa orasan at nakitang 6:05 pm na. Tumayo ako at naramdaman ang sakit ng ulo ko dahil siguro sa kakaiyak kanina. Dumeritso ako sa banyo nag linis ng katawan nagbihis ng pantulog at nag disisyon na lumabas. Hindi ko alam kong anong nangyari at paano ako naka punta sa kwarto. Ang naalala ko lang ay nakatulog ako sa sasakyan ni Zaire. Ano kaya ang nangyari? Bakit nagalit siya? Dahil ba na nagpapauto ako? Dahil ba kahit anong gawin ni Paul ay mahal ko parin siya? Ganyan naman talaga ang love hindi ba? Magiging masaya ka sa una tapos papaiyakin ka tapos mag sa-suffer ka mag mumukha kang tanga pero sa huli magiging masaya ka ulit sa kaniya. Love is not about happiness. Walang tao sa baba. Nagtaka ako bakit kaya wala dito sila ni mommy at daddy. Nasa huling baitang na ako ng nakita ko ang pink na teddy bear na nasa sala naka upo ito at parang sa akin siya nakatingin. Maganda ang Teddy Bear at hindi siya malaki pero huggable naman parang magandang yakapin pag natutulog. Nagapatuloy ako sa kusina maghahanap nalang ako ng makakain. Pagpasuk ko pa lang doon ay nakita ko si Zaire na naka apron kasama niya si Aphrodite at nag luluto silang dalawa. "Where's mommy?" Kay Aphrodite ako naka tingin pero si Zaire ang sumagot "Umalis sila ni tita at tito kasama si Danna. Susunduin daw si Ate Shasha sa airport." Narinig ko na ang gusto kong marinig kaya hindi na ako nag salita dumitretso ako sa ref. Nakita ko na may mga chocolate na nandoon na wala naman kaninang umaga. Tinignan ko lang iyon at kinuha ang tinapay na nasa tabi ng chocolate kumuha din ako ng gatas. Naglakad ako sa lamesa kong saan nag hihiwa si Zaire. Inilagay ko doon ang gatas at hindi ko naman binitiwan ang tinapay na nasa kamay ko. Wala akong salita kaya siguro nanibago si Aphrodite palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Zaire. Tumalikod ako at nag lakad ulit patungo sa basuhan. Kumuha ako ng baso bumalik ulit sa lamesa at sinalinan ko iyon ng gatas. Nakakaramdam ako ng init na nanggagaling sa likod ko dahil sa pagtingin siguro ni Aphrodite. Ginawa ko ang lahat para hindi matignan si Zaire. Galit ako sa kaniya dahil iniwan niya ako sa bridge na yun galit ako sa kaniya. "Aphrodite dito kaba matutulog?" "Huh?" Nagulat siya ng nag salita ako. "Dito ka nalang matulog andito si ate at ayokong sa kwarto ko siya matulog. Alam mo naman yun hindi yun makakatulog na mag isa. At ayokong katabi siya dahil ang g**o niya kung matulog." Sabi ko pagkatapos inumin ang gatas tinignan ko ang hawak na tinapay at bago lingonin si Aphrodite na nasa lutuan at nag luluto. "Sige." Sagot niya lang hindi niya alam ang nangyari. At wala akong balak na ipaalam sa kaniya. Baka iinsist nanaman na may gusto si Zaire sakin. Alam ko na alam ni Zaire ang nararamdaman ko para kay Paul kaya paano siya magkakagusto sakin? " Anong niluluto mo?" Kumagat ako sa tinapay ay lumapit kay Aphrodite na hindi parin pinapansin si Zaire kahit na tignan siya ay hindi ko ginawa. "Nagluluto ako ng adobong baboy. Request ni ate Shasha." Nginitian niya ako at tango lang ang nasagot ko. "Tutulong ako." "Wag na patapos na kami." Hinawakan ni Zaire ang kamay kong kukuha sana ng kutsilyo. Mabilis ko itong inagaw sa kaniya at pinatuloy ang pag kuha ngunit gunting ang hinablot ko. "Aphrodite samahan mo ko mag luluto ako ng cupcake." "Pagkatapos nalang ng dinner Kimmy ako ang sasama sayo. Pero kumain ka muna." Hindi ko parin nilingon si Zaire na nasa likod kona. "Aphrodite, sasamahan mo ba ako? Okay lang naman kung hindi. Kung inaantok kana mauna ka nalang sa kwarto ko mamaya. Kaya ko naman mag isa." Nakatingin ako kay Aphrodite at naiinis na siya sa kilos namin ni Zaire. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Zaire habang naka kunot noo. "Kimmy." Si Zaire sa likod ko. "Aphrodite kanino pala yung teddy bear na nasa sala?" Hindi sumasagot si Aphrodite kaya nagsalubong ang kilay ko. "Kimmy." Naiinis na ako sa presensiya ni Zaire sa likod ko "Aphrodite ano na?!" Tanong ko na naiinis na ang boses. "Kim! Zaire! Anong ginagawa niyo? Magusap nga kayu!" Inis ni Aphrodite at saka tinalikuran ako "Kimmy." Nanindig ang balahibo ko ng hinawakan ni Zaire ang siko ko. Na agad kung winalsik "Ano ba Zaire papansin kaba talaga." Nakita ko ang pagkagulat niya nilingon ko siyang galit ang mukha. "I'm sorry." Hindi alam kong saan siya nag so-sorry kaya tinaasan ko siya ng kilay. "I'm sorry dahil iniwan kita. Para sayo yung teddy bear." Lumunok siya at halatang pinagsisihan ang ginawa. "Para sakin yon?" Alam talaga ni Zaire kong paano ako paamuhin kaya lab na lab ko siya eh. Gusto kong matawa dahil sa itchura niya. Nakayuko siya at naka tingin sa sahig. Kinagat niya ang dalawang labi at nag kamot ng batok. Tumango siya at tinignan ako na natatakot ang mata.j Kinagat ko ang ilalim na labi upang mapigilan na ngumiti at madahan na tumango. "Okay." Tumalikod ako at lumabas ng kusina iniwan ko siya doon at naabotan ko pa ang pag kakasira ni Aphrodite ng cr bagong labas siya at nag pupunas pa ng kamay. "Hoy okay na kayo?" Tanong nito ng nakalapit sakin. "Ewan ko." Sabi ko lang. Nilapitan at kinuha ko ang teddy bear. naka ngiti akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto. "Hmm. Ang sarap mo talagang mag luto Aphrodite!" Kanina pa pinupuri ni ate si Aphrodite e adobong baboy. Itong isa naman ay ngingiti ngiti na akala mo ay totoo. E ang alat nga eh. Noon pa man ay masarap na talagang magluto si Aphrodit, ako lang ang kumukontra ng pabaliktad. Totoo ngang masarap siyang mag tulo eh masarap din naman akong magluto ah. Sabi nga ni Paul masarap daw yung cupcakes ko. "Adobong baboy lang to Ate wag kang OA." Kumain ako ulit. Yes. Masatap, pero maalat! "Kaya nga eh, kahit itong adobong baboy na common kong lutuin ay napapasarap niya ng ganito. Eh ikaw Kim ano ba ang alam mo sa kusina?" Paghahamon iyon at hindi pagtatanong. "Maruno na kaya akong gumawa ng cupcakes. Duh!" Umirap ako at si Daddy ang sumalo ng mata ko kaya tumikhim ako ng nakita ang galit na mukha ni Daddy kong sagutin ko ba naman kasi si ate ay walang tigil ang bibig ko. "Enough!" Pasimpleng galit ni daddy ng akmang magsasalita si ate. "Where is Zaire Kimmy?" Tanong pa nito sakin at hinahanap yung ungoy kong kaibigan. "Hindi ko po alam daddy." Tinignan ko si ate at mabilis na dinilatan. I felt Victory dahil hindi siya nakasagot sakin. My sister is so annoying. My both sister to be honest. Naiirita ako parati pang nandito si ate papagi kasi niya akong sinasama mag window shopping. Naiinis ako kahit kasi na pagod galing school hihilahin niya nalang ako bigla and at the blink of an eye nasa mall na ako at sinasamahan siyang mamili ng damit. I hate her without boyfriend ako kasi ang parating ginugulo niya. I ship her with kuya Nelson her best friends in collage. I know kuya Nelson have feelings for her pero manhid atang pisti kong kapatid. And i promise to my self na hindi ako magiging kagaya niya. "Umuwi po siya tito pagkatapos po naming magluto. May gagawin pa daw po." Si Aphrodite nag nagpapaliwanag. Wala naman kaming assignment ah ano ang gagawin niya? Siguro nag paplano nanaman yun kung saam naman ako iwan at papaiyakin nanaman ako. Iyon kaya ang trip niya yung pag trippan ako. "Sayang gusto ko pa naman siyang makita in person." Nagtaka ako sa sinabi ni ate. "Ate in person? Bakit nakita mo na ba siya? Hindi ko kaya sinabi ang full name niya sayo para hindi mo nahanap sa Facebook." Sabi ko. Sinubo ang pagkaing nasa kutsara at nginuya. "Remember nong nag video call si Danna sakin?" Tumango tango ako lumalaki laki pa ang mata niya habang nag ku-kwento na akala mo ay exclusive ang pinag uusapan namin. " Yung nagkasugat siya tapos nakita ko yung abs-" "Shasha nasa harap tayo ng pagkain umayos kayo! Kimmy!" Pagpuputol ni daddy napatingin naman ako sa iba naming kasama sa lamesa si Aphrodite ay walang paki sa pinaguusapan namin at kumakain lang si Danna naman ay naka tingin kay daddy si Mommy ay kumakain din si daddy na galit na nakatingin samin ni ate. Kaya napa yuko kaming tumahimik at inubos ang pagkaing nasa harap namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD