Nang nakarating kami sa table ni ma'am ay wala siya doon kaya nagtataka kong tinignan ni ma'am Horren.
" Umuwi si ma'am Ignalagi kanina. Binilin niya kayu sakin na pakilinisan niyo daw ang computer lab."
Hindi pa man ako nagtatanong ay sinagot na ni ma'am Horren ang katanongan sa isip ko. At hindi ako magtataka kong bakit umuwi siya.
" Kimmy ako na ang nagpupunas ng computer at baka ma kuryente ka pa pagwalis ka nalang." Tinignan ko ng masama si Zaire. Utusan ba akong mag walis. Walang hiya!
" Walisin mo diyang yung mukha mo. Hoy Zaire ikaw ang may kasalanan kong bakit tayo nandito kaya responsibilidad mong linisin itong buong computer lab na mag isa." May inis sa labi ko.
" Ang daya mo kong hindi ka sumigaw wala tayo dito." Pangangatwiran niya.
" At sino ang may dahilan kong bakit sumigaw ako?" Tanong ko nilagay ko pa ang dalawang kamay sa baywang.
" Ewan ko sayo! Mag walis ka kong ayaw mong isumbong kita." Pinanliitan ko siya ng mata ngumuso din ako at naiinis na hinampas sa kaniya ang bag ko.
"Ikaw ang may kasalanan kong bakit tayo nandito!" Sigaw ko wala namang makakarinig samin kaya panatag akong sigawan itong walang hiyang lalaking nasa harap ko ngayun.
Sa huli ay ako parin ang pinag walis niya. Siya yung nag punas ng mga computer at bago niya pinupunasan ay pinapatay niya muna ang computer at sinisiguragong hindi na naka plug yung saksakan.
"Zaire." Natigilan ako at napalunok.
"Tumigil ka Kimmy tayong dalawa lang ang nandito baka hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya wag mo na akong kulitin." Pangalan pa lang niya ang tinawag ko pero kong maka asta ay parang alam na ang ibig kong sabihin.
" Gago ka! Pumunta ka dito." Pasigaw ko nang sabi. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at para akong kinain ng buhay dahil sa nakita.
"Kimmy hindi ko nga sabi ipapahawak sayu to, at lalong hinding hindi ko ipapakita sayo itong abs ko." Sabi niya na parang ganon talaga ang pakay ko.
"Gago ka! Pag itong langgam ay makakalapit sakin papatayin kitang halimaw ka." Pagbabanta ko. Na agad niya naman akong tinawanan
Natapos ang paglinis namin sa computer lab hindi ako naka pag form sa CAT nakapag paalam naman ako kay sir Nepal ng maayos at ang sabi ay okay lang naman daw dahil first day kaya walang problemang umabsent.
Sabay kaming tatlo na umuwi ni Zaire at Aphrodite. Ng natapos ang paglilinis namin nag text si Aphrodite na sa gate nalang daw siya mag hihintay.
At nong pagdating namin sa gate ay wala na si Paul kaya hindi na ako nasaktan ulit. Ang cold kasi niya sakin. Minsan nakikita kong naka tulala siya sakin kaya napapaisip akong may gusto rin siya sakin pero bakit ganon? Pag nasa part na ako ng buhay na talagang umaasa na sa kaniya ay doon niya naman ipapamukhang wala ako kumpara kay Aphrodite.
Lumipas ang mga araw. Naging maayos ang lahat mahal ko parin si Paul kaya kahit wala siyang pake sakin ay ginawa ko parin ang lahat upang mapaibig ko siya sa kagandahan ko.
"Ate Kim saan ka pupunta?" Tanong ni Victoria na kanina pa buntot ng buntot sakin.
"Victoria, diba may klasi kapa?" Tanong ko sa kaniya
Nandito ako ngayun sa labas ng research building at naghihitay na maka labas si Aphrodite.
Napansin ko lang parati kong nakikita si Victoria na mag isa at naka poker face pero sa tuwing makikita niya ako ay nagliliwanag ang mukha niya.
"Ate naman ang boring kaya don. Isama mo nalang ako sayo, please." Eto ata ang habol sakin eh dahil sa ka cutan niya parati akong napapa oo pero hindi ko parin maiwasan na mag alala sa grade niya.
"Last nato Victoria okay? Ikaw na bata ka!" Tinuro turo ko siya na parang ako ang kapatid niyang sinasaway siya. "Pero pwedi naman na sabay tayong mag aral sa library. Alam mo ba noong grade 8 ko parati nga akong pumapasok pero wala akong maintindihan sa guro kaya naman naiintindihan kita--- aray naman!" Hindi ko natapos ang sasabihin ng may biglang pumalo sa ulo ko.
"Aphrodite ano ba!" Nilingon ko siya kaya nakita ko kong paano umusok ang ilong niya at pina maywangan ako.
"Ikaw kung ano ano ang tinuturo mo sa bata! Victoria pumasok ka sa klasi mo hindi ka pweding sumama samin. " Mautoridan nitong sabi.
Natigilan ako at nag isip ng sasabihin kay Aphrodite.
"Kawawa naman si Victoria mahal kong panginoon." Sabi at hinawakan ang ulo ni Victoria. Mahina ko itong hinagod at yung bata naman ay nakisama sa plano kong paglalambing kay Aphrodite the Goddess of love.
"Hindi niyo ako madadala sa mga ganyang kaya tumahimik kayo at umalis kana Victoria. Pag ikaw bumagsak malilintikan itong si Kimmy sakin."
Sa kalahati ng taon na kasama namin parati sa Victoria ay napamahal nasiya samin ni Aphrodite para na namin siyang kapatid kaya naman pag may problema ito sa school ay andiyan agad si Aphrodite. Parating napupunta sa guidance si Victoria pero never na may sumolpot sa kaniya na paminya.
Ayaw niya naman na si Zaire ang pumunta dahil sa hindi ko alam na dahilan. Kaya nong araw na umiiyak siya dahil sa takot, kami agad ni Aphrodite ang pumunta.
Ang sabi niya wag daw sabihin kay Zaire kaya hanggang ngayun walang kaalam alam itong si Zaire sa mga nangyayari sa buhay ni Victoria.
Hindi ko alam kong ano ang istado ng paminya nila basta ang alam ko lang ay half brother niya si Zaire at wala na akong tinanong na iba. Obvious naman kasi na hindi sila sa iisang bahay nakatira dahil nasa tapat ng bahay ko nakatira si Zaire.
At wala siyang kasama doon. Kaya parati niyang ginagawang restaurant ang bahay namin. Doon ba naman mag haponan parati!
Kaya naman na mas kaclose sa amin si Victoria kaysa sa sarili niyang kapatid. Hindi sila masiyadong open sa isa't isa tapos mainitin pa ang ulo ni Victoria kay Zaire kaya kahit anong lambing ni Zaire ay wala siyang magagawa kong bubulyawan nalang siya bigla ni Victoria.
"Ate Aphrodite naman. Last nato promise. Nag aaral naman na ako ng mabuti eh, isa pa ang easy kaya ng mga tinuturo ng mga guro, kaya nga na bobored ako." Paglalambing sa kaniya ni Victoria. Ako naman na nasa likod ni Victoria ay madahan na tumatango kay Aphrodite.
"No! Pumasok ka." Lalag baga akong nag bugtong hininga.
Wala na . Hindi na magbabago ang isip ng isang to.
Tinignan ako ni Victoria na parang nag mamakaawa. Kaya ako naman si super hero ay may naisip na paraan.
"Aphrodite gusto mong pumunta ng mall? Mamaya pag makalabas na tayo tapos libre ko ang pagkain natin." Masaya kong sabi sa kaniya. Kinakabahan pako at baka bigla akong bulyawan mabuti nalang at ngumiti siya kaya naman may nakita akong kaunting pag asa sa buhay. "Pero pag bigyan na natin si Victoria last na man lang daw to eh." Nag puppy eyes pa ako para pumayag lang ang lintik kong kaibigan.
Tumango siya kasabay ng pag sigaw namin ni Victoria tumalon talon pa kami sa tuwa.
"Salamat beshie."
"Salamat ate."
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Aphrodite.
" Sa canteen libre mo Victoria ha." Sabi ko at tumango lang naman siya kaya pumunta na kami sa canteen nag hanap ako ng nakakain. Naisip ko din si Zaire kaya dalawang mamon ang kinuha ko at dalawang juice can.
" Grabe ate gusto mo ba akong ma lugi?" Tanong ni Victoria ng nakita niya ang hawak ko.
"Sige na minsan lang naman to." Walang nagawa ni Victoria at binayaran niya ang binili ko agad ko itong nilagay sa bag ng makalabas sa canteen.
"Hindi mo kakain yun?" Tanong ni Aphrodite. Ngumisi ako sa kaniya at sabay na paglungo ng ulo niya alam niya sigurong may pinaplano nanaman akong hindi maganda. Which is maganda naman. Sa subrang ganda niya excited na ako e.
Natapos ang last period namin at agad kong hinawakan ang siko ni Zaire pumulupot ang kamay ko doon at masaya siyang tiningala.
Palabas kami ng room.
"Anong nangyari sayo?" Tanong nito sakin. Ngumuso lang ako at hinanap si Aphrodite. Nakita kong nag uusap sila ni Paul. Kaya nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit ganon. Kong si Aphrodite normal naman siya kahit sa ibang tao ay normal siya pero pag sakin parang dinidirian niya ako at pinapamukha na ayaw niya sakin.
Lumunok ako at binitawan ang kamay ni Zaire.
Ikaw ba makikita mo yung mahal mong subra kong ngumiti sa harap ng best friend mo. Alam ko naman na hindi siya type ni Aphrodite pero naiinis parin ako dahil hindi ginagawa ni Paul yan sakin. Ang una at huli lang ay yung, unang araw kong saan ko siya minahal at pinangarap.
Nauna na akong lumabas hindi ko alam kong sumonod ba si Zaire nasasaktan ako parati na nakikita sila ng ganon.
"Kim."
"Zaire sabihin mo nga sakin pangit ba ako?" Tanong ko pero imbis na seryosohin niya ay tinawanan niya ako ng subra.
"Ang pangit mo kaya tapos pandak kapa. Tapos malaki nga yang karga mo pero hindi naman bagay sayo."
Hindi ako nagalit sa sinabi niya hindi din ako natuwa. I just accepted the fact na talagang walang maganda sakin at nabuhay lang ako sa mundo para sa balance ng eco sistem.
"Hoy! anong nangyari sayo. Napaka bipolar mo." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad.
" Beshie." Sigaw sakin ni Aphrodite. Walang gana ko siyang nilingon.
" Bakit?" Simple kong tanong.
" Diba mag mu-mall tayo tara na." Sabi nito
"Ahh oo sabi ni Zaire siya daw ang mag babayad." Tinuro ko si Zaire na ngayun ay nagtataka akong tinitignan.
" Oh! Bakit? Malungkot ako Zaire kaya pakainin mo kami ni Aphrodite." Sabi ko sabay hawak kay Aphrodite.
" Hoy! Wala akong sinabing ganyan." Sigaw ni Zaire habang kami ay nauna ng nag lakad at tinutungo ang sasakyan na ginamit kaninang umaga ni Zaire.
" Wag mo siyang pansinin beshie." Sabi ko at pumasok na sa front seat.
Nakita ko kong paano siya nagalit at padabog na binuksan ang pinto nang driver seat niya.
" Hoy! May gagawin pa akong importante lumabas nga... kayo... diyan..." Humina ang sinabi niya ng nakita ang hawak ko " ano yan?" Nagtataka nitong tanong.
" Binilhan kina tanina sa canteen." Sabi ko na naka ngiti. Wala siyang nagawa kaya imbis na palayasin kami ay pumasok nalang siya sinira niya ang pinto marahas niyang kinuha sakin ang mamon at naka busangot na pinaandar ang sasakyan.
Nilingon ko si Aphrodite at kinindatan. At iling lang ang sinagot sakin.
"Ano pala ang pinagusapan niyo ni Paul kanina?" Wala sa sariling tanong ko. Pinunit ko ang mamon at saka sinubo kay Zaire na nag mamaneho. Sweet ako sa kaniya parati pag may kailan kaya kahit labag sa loob ay kailangan ko siyang subuan. Ang luko ay gusto gusto naman ang ginagawa ko.
"Nag usap kami tungkol sa English club. " Sabi nito habang nasa cellphone ang atensyon.
"Ahh." Sagot ko.
Hindi nagtagal nakarating narin kami sa mall at napapansin ko ang maya't mayang tingin ni Zaire sa kaniyang wrist clock.
"Bakit may prolema ba?" Tanong ko. Hawak ko ang isang braso si Aphrodite at nasa kabilang kilid ko naman si Zaire. Ng lingonin ko si Aphrodite ay naka tingin na rin pala siya kay Zaire.
"Wala nagugutom narin kasi ako. Tara na. Teka alam ba ni tita nasa labas tayo kakain?" Tanong ni Zaire sakin. Nakakunot ang noo niya at may pagtataka sa mukha.
"Hindi te-text ko nalang si mommy." Agad akong kumilos at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Nagtimpla agad ako ng minsahe para kay mommy na sa labas kami kakain tatlo .
"Done!" Sabi ko at tinignan silang dalawa. "Tara na!" Dahil busy si Zaire sa kaka cellphone ay niramihan ko na ang pag order treat niya naman eh tapos hindi ko naman sasayangin ang mga pagkaing enorder ko
"Kimmy. Ano kaba nakakahiya kay Zaire." Mahinang bulong ni Aphrodite pero alam kong dinig iyon ni Zaire.
"Hindi okay lang may pupuntahan lang akong importante mag order lang kayo babalik ako." Sabi ni Zaire at akmang aalis ng hinawakan ko ang kamay niya.
"Pano ako makakasiguradong babalik ka?" Maninigurado ko.
"Nasa sayo na ang puso ko Kimmy kaya babalikan kita." Napa ngiwi ako sa sagot niya. At mas lalong hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay.
Wala akong tiwala sa taong ito minsan niya nang ginawa akin to, at hindi niya ako binalikan sa restaurant kaya ako tuloy ang nag bayad pati yung kinain niya.
"Pitaka mo?" Utos ko.
Nagtataka ako sa itchura ni Zaire ngayun halata kasing nag mamadali talaga siya.
"Hindi." Pagmamatigas niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya nag buntong hininga nalang siya at binigay sakin ang pitaka niya. Ginulo niya ang buhok ko bago siya patakbong lumabas ng KFC
Natapos ang order namin at kumuha kami ng number ni Aphrodite at nag hanap ng mauupuan pinili namin yung pang apatan na tao para sa pag balik ni Zaire.
"Ano kaya ang nangyari don?" Paupo na kami at kanina ko pa tene text si Zaire kung asan na siya ng biglang nagtanong si Aphrodite.
Umorder na rin ako para kay Zaire at kapag hindi siya dadating ay te take out nalang namin.
"Ewan ko hindi naman nag rereply." Sagot ko at tinignan ulit ang pitakang binigay ni Zaire sakin bago siya umalis.
Pinagmasdan ko ang itchura ko sa pitaka niya dalawang litrato ang nandoon ang malaking litrato ay ako nong graduation ko ng elementary ninakaw niya ito noon sa pitaka ko at ng kunin ko sa kaniya at binigyan niya lang ako ng pera kaya hinayaan ko nalang ang picture. Tapos may maliit na picture sa kilid magandang babae mama ata ni Zaire.
Noon ay sinabi ni Zaire na liligawan daw niya ako pag umabot na kami sa tamang uras. Hindi ko naman yun sinersoyo. Si Zaire pa ba? Kung manglait sakin ay wagas. Walanv preno ang bubig. Insultohin ba naman ang karga ko. Gago ata yun e.
Nilagay ko na ang pitaka sa bag ko at nag hintay ng pagkaing.