Takbo ako ng takbo natatakot na baka mahanap ako ni Zaire. Baliw ata yun eh pahawak ba naman sakin yung malaking ahas?
Sa subrang katalinohan non parang pati utak niya nasira. Ano yun over thinking? Over brain? Over cooked brain? Ahh basta baliw ang isang yun.
Nagtago ako sa cr ng girls hindi niya naman ata ako mahahanap dito. Hindi naman yun makakapasok dito eh. Try niya lang kakasuhan ko talaga siya ng harassment.
Ngayun araw ang pinaka hihintay ko buong summer. It's the first day of my grade 10. Ngayun ang school year kong saan may JS prom na gaganapin ang unang JS prom na pupuntahan ko at si Paul ang makakasama ko I will do my best to seduce Paul this school year. Wala siyang kawala sakin nasa plano kona ang lahat. Hihinga hinga ako habang inuukay ang loob ng bag. Tumigil ako at pinakalma ang sarili. Bago inukay ulit ang loob ng bag.
Nang nakita ko ang mini note book ay huminga ako ng malalim. At binasa ang mga notes kong nilagay. Itong mini book ko ang pinaka mahalaga sa buhay ko. Ginawa ko 'to buong summer kaya treasure ang tawag ko dito.
"Una. Hindi ako mag sasalita. I'll do my best to be a cool, pure, be intelligence, and a good girl. " Basa ko sa mga isinulat na plano dito sa mini notebook kong kulay pink kung saan naka salalay ang aking tagumpay.
"Pangalawa. Dapat mahinhin, walang kahit ano-" natigilan ako ng may babaeng lumabas sa isang cubicle.
Ang ganda niya subrang ganda niya may red liptint siya sa kaniyang labi at nilagay niya sa tabi ng salamit ang bag at kumuha ng suklay sa loob at inilabas din niya ang polbos at pinatong sa harap ng salamin.
Una niyang ginamit ay ang pulbos na baby bowder ang bango. Parang baby scents. Habang naglalagay siya sa mukha ay nilingon niya ako.
"Ngayun kalang nakakita ng maganda?!" Mataray nitong tanong ngumuso naman ako at dumikit ang dalawang kilay sa narinig. Akala ko pa naman mabait. Tsk.
"Btw it's intelligent. Not intelligence." Mataray natong pagtatama.
"Intelligent ba yun? Akala ko intelligence." Sabay tawa ng mahina napahiya ako eh ano pa ba magagawa ko at saka mukha siyang bata kaya ayukong patulan.
" Ang bobo niyo po ate." Nanindig ang pandinig ko ng narinig ang sinabi niya oo bata siya pero hindi niya dapat sabihan ng ganon ang nakakatanda sa kaniya. Wala siyang respeto!
Akmang magsasalita na ako para pag sabihan siya ng tamang asal ng bigla niya akong nilapitan at inangat ang mukha ko. Nilagyan niya ako ng liptint hindi ako nakapag ayaw dahil sa gulat ay wala akong nagawa. Nilagyan din niya ako ng polbo sa mukha at nakangiti pa niyang inayos ang pagkakalagay.
" Ayan perfect!"
Namamangha ko siyang tinignan. Nilingon ko din ang mukha ko. Nag mukha lang naman akong fresh dahil sa nilagay niya eh pero walang may nag bago sa mukha ko.
Dahil da kakatakbo ko kanina kay Zaire ay para akong nangarera ng usa dahil sa natamo.
"Ikaw ang bata bata mo pa nag li-liptint kana ha. Alam mo bang makakasira yan ng labi mo?" Tanong ko tinuro ko pa siya at ang isang kamay ay namaywang.
"Ano kaba ate. Enjoy your life while you are still alive. Maikli lang ang buhay kaya kong ano ang gusto mo gawin mona."
Madahan akong tumango at ginalaw ang kamay habang tinuturo siya.
"Tama ka nga. Pero ang bata mo ba. Anong grade ka?" Tanong ko.
"Grade 8. But it doesn't matter ate. C'mon let me help you how to seduce a man." Namilog ang mata ko sa sinabi niya oo intresado akong maging akin si Paul pero ayuko naman na may madamay lalo't ang bata pa ng isang ito para magkaroon ng ideang ganyan.
"Tama na yan! Lumabas ka na dito ,at mag aral ka ng mabuti! Ang bata bata mo pa, ang dami mo nang alam. Sumbong kita sa mama mo eh." Sabi ko habang pinapalayas siya sa loob ng cr. Marami pa akong kailangan na i practice para sa pag approach kay Paul.
"Btw ate, alam mo bang maraming may nakakilala sayo dito sa school?" Natigilan ako sa pagtutulak sa kaniya at kunot noo siyang tinignan. At nag aabang ng susunod na sabihin.
"At ang ganda mo pala sa malapitan mukha kang asong may breed." Akmang hahampasin ko siya sa pwet ng tumakbo siya ng mabilis at malaking binuksan ang pinto kaya agad kong nakita ang lalaking nakapamulsa na naka harap sa pinto.
" Victoria?" Kunot noong tanong ni Zaire sa babaeng kasama ko dito sa loob ng cr
Kinabahan ako ng nakita ko siya kaya habang may pagkakataon pa at nasa batang babae palang ang atensyon niya ay agad ko nang kinuha ang bag at pumasok sa isang cubicle.
Wala akong pakialam kong magkakilala sila basta makatakas lang ako sa baliw na yun.
"Saan ka nanggaling? First day na first day pero wala ka sa first period!" Napangiwi ako dahil tamang tama ang iniisip ko sa sermon ni Aphrodite.
"Beshy nababasa mo ba ang utak ko? Yan kasi ang nasa isip ko na sasabihin mo." Nagtataka kong tanong. Ayuko siyang ma magalit kaya sinamahan ko ng mahinang tawa.
"Sadyang matigas lang yang utak mo Kim kaya kabisado mo na ang paulit ulit kong sinasabi last year hindi ka rin pumasok sa first period. Sakit mo na ba talaga to simula ng nakilala mo yang Paul mo. E hindi pala nakakaganda yang sayo eh."
Napamura ako sa isipan si Zaire kaya ang may kasalanan.
"Walang kinalaman dito si paul." Sabi ko at naunang mag lakad sa kaniya. Alam ni Aphrodite ang ugali ko at alam niyang sa ganitong istado ay galit na ako. Ayokong dinadamay niya si Paul na wala namang ginagawang masama.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin Kim. Ang sa akin lang pag tuonan mo naman ng pansin yang pag aaral mo." Sinundan niya ako. Tinignan ko siya naka bag pack siyang itim malaki din ito dahil maraming lamang notebook at mga kagamitan sa school may dala siya maliban sa mga librong hawak ay mayroon pang malaking ruler na kong akala mo ay construction worker.
Masama ko siyang tinignan at iniwan doon na naka tunganga.
Hindi ko alam matagal na kaming mag kaibigan ni Aphrodite at sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nag ka crush ng ganito na parang siya na talaga at nakikita kona ang kinabukasan ko sa kaniya. Pero bakit hindi iyon ma intindihan ni Aphrodite. Gusto ko si Paul. Ayukong dinadamay niya sa pagkakamali ko si Paul. Saan banda ang mahirap intindihin do'n?
Natapos ang tatlo pa naming klasi ng hindi ko pinapansin si Aphrodite pa minsan minsan niya akong sinusulyapan pero hindi ko talaga siya tinitignan. Hindi naman ako galit sa kaniya nag tatampo lang. Never siyang nagalit sakin na to the point na ikasisira ng friendship namin. Pero immature lang siguro ako dahil hindi ko yun pinahalagahan. Parati akong nagtatampo sa kaniya tapos minsan ay nagagalit ng hindi niya alam.
Siguro selfish ang tawag don. Oh di kaya pag paplastikan? Ewan ko never ko naman siya plinastikan eh. At never ko siyang siniraan na nakatalikod.
"Hoy!" Hindi ko siya pinansin. At namili ng uulamin ko dito sa canteen.
"Hoy gawin mong dalawa yung hotdog akin yung isa." Na iirita na talaga ako sa taong to gusto ko nalang pasabugin ang mukha dahil sa ingay.
At kahit hindi niya sabihin talagang dalawa ang kukunin ko dalawa kayang hotdog ang kinakain ko. Ngongo ba siya?
"Zaire pwedi ba! Isa nalang. Malilintikan kana saking bwesit ka!" Pagbabanta ko pano ba naman hindi manang marami ang pila pero kong maka dikit sakin wagas nagtatayuan pa naman ang balahibo ko sa tuwing mararamdaman ko ang malat ng hinayupak nato.
Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay hinanap ko si Aphrodite. Kahit na hindi kami Close ngayung araw ayukong kumain na hindi siya kasabay no.
Napangiti ako dahil agad ko namang nahanap kong saan siya naka pwesto. At mas lalo akong napangiti ng nakita na nasa harap niya si Paul.
Inayos ko ang sarili gamit ang isang kamay ay masuyo kong inayos ang damit ang buhok at nanalamin pa muna ako sa naka patay kong cellphone bago ko ginawang mukhang nag tatampo ang mukha. Gusto kong mag pa cute kay Paul eh, paki nila?!
Hindi ako nakatingin kay Aphrodite habang umuupo sa tabi niya direstso ang tingin ko inayos ko ang pagkain sa harap. Natigilan lang ako ng umupo si Zaire sa harap ko katabi ni Paul. Kapal ng mukha!
Tinignan ko so Paul. Pa balik balik ang tingin niya samin ni Aphrodite at sinusuri ang mga nangyayari.
Magkaklasi kaming apat kaya alam niyang kanina ko pang umaga hindi pinapansin si Aphrodite.
"Mag ayos na nga kayong dalawa. Ang creepy niyo pag hindi kayo nag uusap." Panimula ni Zaire habang pasimpleng kinukuha ang isa kong hotdog. Tinignan ko si Paul. Parang may kakaiba ma mukha niya pero hindi ko alam kong ano para siyang naiirita habang kinukuha ni Zaire ang pagkain ko. Assuming ako kaya alam kong nag seselos siya.
Ngingiti ngiti akong at kinagat ko pa ang ibabang labi sa pagpipigil ng kilig.
" Hoy! para kang tanga diyan." Masama kong tinignan si Zaire. At nilingon si Aphrodite. Dahil nag seselos si Paul makikipag usap na ako kay Aphrodite sa pinaka mamahal kong kaibigan sa balat ng tubig.
"Beshie sa gym mo ako hihintayin mamaya?" Tanong ko dahil sa kagagahan ay parati kong nadadamay si Aphrodite parati niya akong hinihintay. Which is tinatawanan ko lang kung magagalit siya dahil ang tagal ko daw.
"Oo may pre-test pala bukas sa first period. Asan ka ba talaga kanina?" Tanong niya. Tinignna ko si Zaire na pa innocenteng kumain sa harap ko. Tinaasan ko ang kilid ng aking labi at inirapan siya ng subra .
Hindi ko kinausap si Zaire kahit ilang ulit niya aking kausapin. Ang kulit kulit pa ng mukong.
"Sige na isa lang." Pilit ni Zaire. Nasa baba kona ang kutsarang kanina pa niya sinusubo.
" Ayoko sabi!" Naiinis ako dahil para na kaming timang pinipilit niya akong kainin ang sinusubo niya. Ang kapal talaga.
"Sige na isa lang promise." Nag pa cute pa ang loko. Tinignan ko si Aphrodite at Paul. Alam nilang dalawa na pa close itong si Zaire sakin pero yung ibang taong nandito sa canteen ay agaw atensyon kami!
Maliban na kilalang tao dito si Paul na kasama namin ngayun sa iisang lamesa dahil siya ang siya ang pinaka matalino dito sa school katulad ni Aphrodite. Tapos sikat pa itong mukong nito sa school dahil daw sa kagwapohan na ni minsan ay hindi ko nakita. Kaya agaw atensyon kami sa lahat.
Sa magtagal pa ang pag titinginan ng mga tao samin ay pinagpasiyahan ko nalang na kainin ang sinusubo sakin ng unggoy na to.
Nginuya ko at napa kunot ang noo ko ng may naramdaman akong parang hindi maganda. Iniluwa ko iyon at ng nakitang may garlic ay agad akong napatayo at binato ang niluwa ko kay Zaire. Wala akong paki alam kong hindi magandang asal iyun balak ba niya akong patayin?
"Gago ka ba? May allergy ako sa garlic! Balak mo ba akong patayin?!" Pagalit kong sigaw kaya pati ang nag titinda sa canteen ay nakatingin samin.
"Kim, s-sorry hindi ko alam" tinignan ko siya ng masama nalimutan ko na talagang kasama ko si Paul sa lamesa.
"Parati kang walang alam Zaire. Mapapatay mo ko sa ginawa mo!" Sigaw ko sa kaniya.
Si Zaire lang ang lalaki na nagpapalabas ng tunay na ako kaya kahit sino pa ang nandiyan tapos kasama siya ay talagang wala akong tiwala sa sarili ko.
Nanliit ang mata kong dumiin ang panga dahil sa galit. Tumayo siya at inalis ang mga kanin bawang at manok na inihagis ko sa damit niya.
"I'm sorry." Ang kaninang mukhang pilyo ay napalitan ng takot at pag sisi.
"You always do wrong and say sorry Zaire." Inis ko siyang tinalikoran narinig ko ang pag galaw ng upuan ng mga kasama namin narinig ko rin ang pag tawag ni Zaire bago ako hinawakan sa braso ni Aphrodite.