Chapter 10

1260 Words
"Sasama ka sa business trip ng parents mo sa Boracay bukas?" hindi makapaniwalang tanong ni Athena sa akin nang maishare ko sa kaniya ang plano kong pagsama sa mga magulang ko. First time ko kasi na sumama sa kanila since I am really not into business trips dahil madali lang akong maboring. But yeah, people change and I am still the heiress of our legacy kaya dapat lang may alam ako sa lahat, kahit na katiting man lang iyan na detalye sa mamanahin kong posisyon at mga ari-arian. And about sa nakita ko kahapon ay wala namang kaso sa akin iyon. It's her life, hindi naman siguro tamang iwasan ko agad siya matapos ng mga nakita at nalaman ko, lalo na at hindi naman sa akin siya may kasalanan. Mabait pa rin naman si Athena kahit papano. And I guess I'm not in the position to judge her already without knowing the real story why she and Mike cheated behind Clarissa's back. At isa pa, labas ako sa problemang iyon. Hindi ko ugaling makisawsaw sa problema ng ibang tao. That's isn't a good habit people. "Yeah, panahon na siguro para matuto ako sa mga bagay-bagay. Hindi na rin ako bumabata, and so as my parents, that's why, I must learn every single detail of our business and company and how to be an effective business woman. Para naman hindi mapahiya ang parents ko, you know Dad will never want his name to be ashamed and drag down just because of my single mistake," sagot ko naman na siyang ikinatango naman niya. "Sabagay, may point ka naman. Dapat nga talagang matuto ka, dahil hindi sa lahat ng panahon ay nandiyan ang parents mo." Tumango naman ako sa sinabi niya. "Yeah, anyway, I have to go. Sinabi ko kay Daddy na maaga akong aalis dahil may importante pa akong gagawin bago ang business trip," inayos ko na agad ang mga gamit ko bago ko kinuha ang bag at cellphone ko na nasa aking swivel chair. "I'll see you next week." "Sure, take care." Nagbeso muna kami bago ako tuluyang umalis. I actually don't have any plans or any important matter to do today. Gusto ko lang talagang umuwi ng maaga at mag-impake ng iilang gamit at damit na dadalhin ko and after that ay isang mahaba-habang pahinga. Sigurado naman kasi akong tatamarin na ako mamaya at baka bukas ko pa magawang mag-impake ng iilang damit. Ang plano ko kasi ay magpaiwan ng iilang araw din doon matapos ang business trip. Ewan ko rin ba, para kasing iyon ang dapat kong gawin. Pagkarating ko sa parking lot ng kompanya ay agad ko nang hinanap ang aking sasakyan na agad ko namang nakita sa may hindi kalayuan. I was about to enter my car when my phone suddenly rang that indicates, someone is calling. Agad kong kinuha mula sa LV sling bag ko ang phone at tiningnan kung sino ang tumatawag. It was Cherry, a receptionist from the hotel, yung hotel kung saan ginanap ang reception ng kasal nina Seb at Pietho. "Hello?" agad kong sambit nang masagot ko ang tawag. (Good afternoon, Miss Villarreal. Pasensya na po sa abala, but one of our room cleaners found some of your things in one of our VIP rooms that you occupied during the reception last July 21, 2022. We assure you na hindi po namin pinakialaman ang laman ng mga bag. And also, you can get your things here po, nasa VIP room pa rin ho ang mga iyon,) mahabang litanya ng receptionist kaya naman ay napatango agad ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. Oo nga pala, hindi na pala ako nakabalik ng hotel matapos ang gabing iyon. Nakalimutan ko na rin ang mga gamit kong naiwan doon. Goodness, ang kotse ko lang yata ang hindi ko nakalimutang kunin, pero ang mga gamit ko ay hindi. Why am I so careless and forgetful? Kung naiiwan lang ang kipay ay baka nga nawala ko na ito dahil sa pagiging ulyanin ko. Ugh! "Alright, pupunta na ako riyan. Thank you for the info, I'll see you later." Nang maibaba ko ang tawag ay dali-dali agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaandar bago ipinaharurot na umalis. Pagkarating ko sa hotel ay agad ko nang pinarada ang kotse ko sa tapat ng building at lumabas. Dumiretso agad ako sa may entrance ng hotel. Pagkapasok ko sa loob ay kinausap ko na agad ang staff na kukunin ko na ang mga gamit na naiwan ko sa VIP room. Agad naman nilang binigay sa akin ang susi at sinamahan akong papunta roon. Isang traveling bag na naglalaman ng iilang mga damit at undergarments ko at isang backpack na ang laman ay iilang mga personal make-up kits, lotion at kung anu-ano pa pala ang naiwan ko rito sa hotel. Masyado na yata akong occupied kay Wade at sa mga nangyari sa amin kaya hindi ko na naalalang may mga gamit pa pala akong dapat balikan dito sa hotel. Goodness! He's really no good for me. Masyado niya nang ginugulo ang sistema ko. Sana nga ay hindi na magkrus ang mga landas namin ng lalaking iyon at baka hindi ko na siya matansiya't makakatikim talaga siya sa akin! Habang inis na winawaglit ko sa isip ko si Wade ay saka naman nahagip ng mata ko ang isang laminated picture na nasa sahig hindi kalayuan sa akin. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang tatlong tao na nasa larawan. It was me, Seb and Pietho. Parang nagslow-motion ang paligid nang dinampot ko ang laminated picture na iyon as my heart skip a beat. Mapait na ngiti ang agad na gumuhit sa aking labi. I thought, not seeing them in a while would ease the pain. I thought, them being on a honeymoon vacation in a month will be a big help to my aching heart. But no. Sobrang sakit pa rin na parang hindi naman nabawasan ni katiting. Kahit ang maging wasted ay hindi nakatulong sa akin na kalimutan ang sakit at pait ng kapalaran ko. It makes even worst. Mas dinagdagan ko lang ang problema ko. And now, I don't know what to do anymore. Hindi ko na alam kung paano pa makakawala sa sakit na dulot ng sawing pag-ibig ko para kay Seb. "Ma'am, panyo po," agad akong nabalik sa aking huwisyo nang biglang mag-abot ng panyo ang isa sa mga staff ng hotel sa akin habang may tipid na ngiti na nakaguhit sa kaniyang mga labi. Napahawak naman ako bigla sa aking pisnging hilam na pala sa luha. I am crying? But.... how? Agad ko namang tinaggap ang kaniyang panyo at agad na tumalikod upang punasan ang aking pisngi. "I-I'm sorry for that, I... I—" "Okay lang po, Ma'am Villarreal. Naiintindihan po kita," agad akong napalingon dahil sa sinabi niya. She just give me a warm smile while keeping her composure. "You do?" tanong ko na siyang ikinatango naman niya. Oh well, baka nga ay magkapareha din kami ng karanasan. Kaya naiintindihan niya ako. "Everything has a reason, Ma'am. Maybe, he is not the right one for you that's why you're hurting. But always remember that, there's something else that worth everything, " her last words before she tapped me on my shoulder and leave. Para naman akong tangang nakatulala ngayon sa laminated picture naming tatlo habang iniisip ang mga katagang binitawan ng isa sa mga staff ng hotel sa akin. Well, she's actually right on her words. Seb, isn't for me. And I must accept that fact before it will drive me crazy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD