Chapter 19

1472 Words
KINABUKASAN ay nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone na nasa ibabaw ng bedside table. Kay-aga namang mambulabog ng kung sino mang herodes 'to! Kahit inaantok pa'y kinapa ko na lang ang phone ko sa ibabaw ng bedside table at agad sinagot ang tawag nang hindi man lang inabalang tingnan kung sino ang nasa caller ID. "Hello?" halata pa sa boses ko ang antok habang kinukusot-kusot ko pa ang aking mga mata. "Amethyst? Ako ito, si Pietho." Mabilis pa sa alas kwatrong napabalikwas agad ako ng bangon nang marinig ang boses niya sa kabilang linyang tila, galing lang sa pag-iyak. "P-pietho? Napatawag ka?" tanong ko na halos magkanda-utal-utal na. Napatingin ako sa wall clock ko na nasa taas ng pinto ng kwarto ko. And it's already 9:21 in the morning. Buti na lang dahil sunday ngayon at wala akong pasok sa kompanya. Actually, matapos ng nangyari sa amin ni Seb kagabi ay hinatid niya na agad ako pauwi. And same as usual, cold pa rin siya. Well, what would I expect? After what I did, sa tingin ko ba ay babalik pa kami sa dati? I just ruined everything, even his faithfulness to Pietho. Kaya wala na akong karapatan pa na magdemand ng mas higit pa dahil sobra-sobra pa nga itong affair na nangyayari sa amin, dahil na rin sa kagustuhan ko. True, that I can get whatever I want. But not him. Not even his heart. "Pwede ba tayong magkita ngayon? I just — I just needed someone to talk to," sagot niya, halata pa rin ang lungkot at pamamaos sa kaniyang boses. Agad namang kumudlit ang konsensya sa aking buong pagkatao. I know, this has something to do with me and Sebastian. "S-sige. . . saan?" "Sa coffee shop, malapit sa inyo." Nang sumang-ayon ako ay agad niya nang binaba ang tawag samantalang napahilamos naman ako sa aking sariling mukha. My heart is throbbing so fast in pace na para bang kakatapos ko lang sa isang running marathon. Sa isang buwan na pagtataksil namin ni Seb ay ngayon lang yata ako tinamaan ng konsensya. Para yatang hindi ko maatim na makita siyang umiiyak. Fuck! Ano ba kasi ang pinaggagagawa mo sa sarili mo, Amethyst? Bakit ba kasi ginagawa mo ang mga bagay na magpapahamak sa sarili mo? Goodness! Humugot muna ako ng malalim na buntonghininga bago ako tumayo mula sa kama at naglakad papasok sa banyo para maligo. Kung anuman ang mangyayari mamaya ay bahala na. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa banyo kaya naman nang matapos ako ay lumabas na agad ako't nagtungo sa walk-in closet ko para magbihis. I only wear a simple lavender sleeveless dress na hanggang tuhod ang haba, at puting white sandals na flat. Inilugay ko lang ang mahaba kong buhok, konting pulbo at liptint lang, and I'm done. Matapos kong magbihis at mag-ayos ay kinuha ko na agad ang nakahanda kong puting handbag na may lamang wallet at cellphone bago umalis. Since nagmamadali ako ay hindi na ako nagbreakfast pa. Magkakape na lang siguro ako since sa coffee shop naman kami magkikita. At dahil naiwan sa kompanya ang kotse ko ay nagtaxi na lang ako papunta roon sa coffee shop, hindi naman malayo kaya madali lang kaming nakarating. Nagbayad na agad ako kay manong driver at agad na bumaba. I composed myself first before heading inside the coffee shop. Nakita ko agad siya sa hindi kalayuan malapit sa may glass wall at sa itsura pa lang niya ngayon ay halatang wala siyang sapat na tulog. She look like a mess. But still, hindi pa rin naman kumukupas ang ganda at class niya kahit na mukha siyang depress ngayon. Humugot muna ako ng malalim na buntonghininga bago ako nagpasyang lumapit sa puwesto niya. "Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong ko sa kaniya dahilan upang maagaw ko ang kaniyang pansin na kanina lang ay nasa labas ng coffee shop. Seems like, she's having deep thoughts about something. "Amethyst!" agad niya akong sinunggaban ng mahigpit na yakap na siyang ikinagulat ko. "P-pietho—" "Oh, I'm sorry. Masaya lang ako dahil nakarating ka. Anyway, have a seat please." Kumalas muna siya ng yakap sa akin bago iminuwestra ang kaniyang kamay sa bakanteng upuan na kaharap niya. Wala namang pagdadalawang-isip na naupo ako sa upuang iyon. The moment we settled ourselves in our seats ay nagtanong akong muli. "Kanina ka pa?" Ulit ko sa aking tanong kanina na siyang ikinailing naman niya. "No, actually. I'm just 10 minutes early. Anyway, nagbreakfast ka na ba? Pasensya ka na kung naistorbo kita sa tulog mo. I just—" "Okay lang, Pietho. At saka, hindi pa naman ako gutom kaya magkakape na lang ako." I said as I gave her my assuring smile. Gusto kong maramdaman niyang ayos lang ako na magkita kami kahit na sa loob-loob ko ay sobra akong kinakabahan at nakokonsensya dahil sa kasalanang alam kong walang kapatawaran. Ngumiti naman siya pabalik sa akin. Isang napaka-inosente at napakatotoong ngiti na mas lalong nagpakonsensya sa akin. Totoo nga ang sinabi ni Athena. Once conscience hits you big time, hinding-hindi ka nito papatahimikin. "Okay, sure. Order muna tayo." Nang sumang-ayon ako ay tinawag na agad namin ang waiter para mag-order ng kape at sliced chocolate cake. Habang naghihintay kami sa order namin ay walang paligoy-ligoy agad niyang in-open up sa akin ang kung anuman ang problema niya. "Amethyst, alam mo namang ikaw lang ang mapagsasabihan ko ng mga problema ko, hindi ba? And I trusted you so much." Parang sinaksak ng libu-libong karayom ang puso ko nang marinig ang sinabi niya. Ngayon ko lang din narealize na, sa kabila ng buo niyang tiwalang ipinagkaloob sa akin, ay nagawa ko pa rin siyang traydurin. Fuck! Why am I so evil? "A-alam ko naman iyon, Pietho." I said almost in whisper pero sapat na para marinig niya. "P-pero, ano ba ang ibig mong sabihin?" dugtong ko pa na siyang ikinahugot niya ng malalim na buntonghininga bago sumagot. "I think — I think my husband is cheating," parang binuhusan ako ng napakalamig na tubig dahil sa narinig habang ang puso ko ay hindi na magkanda-ugaga sa bilis ng t***k nito. "Pietho—" "Amethyst, nararamdaman kong niloloko ako ng asawa ko." At parang ulang nag-uunahan nang tumulo ang kaniyang mga luha. Pain and agony is already visible on her eyes that breaks my heart into tiny pieces. Sobrang sakit pala na makita siyang umiiyak while she keeps on asking me what she has done, that could lead Seb to cheat behind her back. She even questioned herself being a wife. And with that, conscience hit me so hard and so deep dahil alam ko sa sarili kong, ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang may planong sirain sila para sa pansarili kong kagustuhan. Because of my selfishness and insecurities, I hurt my cousin who did nothing but to trust, take good care and love me unconditionally. Nagawa ko siyang traydurin. "H-hindi ko alam kung ano ang nagawa ko, but maybe because I can't bear a child. Siguro dahil doon ay nagawa niya akong pagtaksilan," hikbi niya na mas lalong ikinadurog ko. "I-I'm sorry. . ." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak sa harapan niya habang inuulit-ulit ang katagang iyon. Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan. Siguro, hindi para sa akin, kundi para sa mga nagawa kong kasalanan sa kaniya. I shouldn't have done that but my pride, selfishness and insecurities pushed me to do so. Ngayon ko lang narealize, na mas masakit pa pala na makita mo ang taong sobrang lapit sa 'yo na nasasaktan at nahihirapan dahil sa mga maling nagawa mo, kesa ang hindi ka mahalin ng taong mahal mo. Tumayo ako mula sa aking upuan at naglakad palapit sa kaniya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumuhod sa kaniyang harapan habang nag-uunahan pa ring tumulo ang aking mga luha. "I'm so sorry, Pietho. Patawarin mo ako," hikbi ko. I cried my heart out. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil sa kagagahang nagawa ko. Sobrang sama ko pala. Napakasama. Mayamaya'y naramdaman ko ang pagtunog ng upuan at isang mahigpit na yakap agad mula sa kaniya ang aking natanggap. Instead of doubting me about what I just acted, tumayo lang siya upang daluhan ako rito sa sahig na nakaluhod. "Shh. . . Tahan na, Amethyst. It's not your fault," sambit niya na mas lalong ikinadurog ng puso ko. Kung alam mo lang, sobrang laki ng kasalanang nagawa ko sa 'yo. Sobrang laki na hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako kapag nalaman mo. "But—" "Wala kang kasalanan. Kaya tahan na, hmm? Everything will be alright," mas lalong ikinadurog ng puso ko nang maramdaman ko ang magaan niyang halik sa aking noo. Oh, God. Bakit ko ba nagawang lokohin at traydurin ang taong walang ibang ginawa kung hindi ang maging mabuti sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD