Bukang Liwayway Tora's POV Unti-unting akong nagkamalay ng naramdaman na may nagmamasid sa akin. Hindi ko pa idinilat ang aking mga mata. Gusto ko munang pakiramdaman ang nangyayari sa paligid ko. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa akin. Huminto ito sa gilid ng hinihigaan ko. "I miss you..." Mahinahon at malambing ang paraan ng pagbikas niya kung dati ay halos magtatatalon at kiligin ako pagsinasabihan niya ako ng ganun pero nagbago na lahat ng iyon. Nanggigigil akong bigwasan siya sa mga pinagsasasabi niya. Kaya bago niya pa akong mahaplos sa mukha ay mabilis kong nahawakan ang palapulsuhan niya. Tumayo ako sa pagkakahiga umikot at patungo sa likod niya. Sinakal ko siya gamit ang braso niya. "Vit-to..ria..." Hirap siyang magsalita dahil mas diniinan ko pa

