Tahimik lang akong naghihintay habang nakaupo sa harap ng table ko. Patingin-tingin ako sa elevator at naghihintay kung kailan darating si Enver. Malapit nang mag-five pm ngunit hindi pa din siya nagme-message sa akin sa kung ano ang sitwasyon ngayon sa shop. Kailangan ko kasi munang malaman kung ano na ang nangyayari doon bago ako tuluyang magdesisyon tungkol sa deal na inaalok sa akin ni Karyu. Alam kong malaking deal ang tungkol sa partnership ng Anox at Raiden. And that is the reason why I am considering taking this deal with that man. Kung ang pag-alis sa buhay ni Enver ang magliligtas sa kumpanya na itinayo niya nang naaayon sa sarili niyang kagustuhan, I guess I don’t have any choice but to do it. He worked so hard for this company. Raiden is the only thing that he did for hims

