Kinakabahan ako para sa araw na ito. Nandito pa kami ni Enver sa opisina niya. Mayroon pang mga tinatapos na papeles para sa mga sasakyan na darating sa shop. At ilang oras mula ngayon ay pupunta na kami sa birthday party kung saan sila magkikita ng anak namin. At kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko dahil natatakot ako na nae-excite sa magiging reakyon niya. Though, inaasahan ko naman na magagalit siya sa akin. Limang taon ang ipinagkait ko sa kanilang magkasama kaya hindi ko siya masisisi. Ang gusto ko lang ngayon ay mabuo ang pamilya namin kaya nakahanda akong harapin ang magiging galit niya sa akin. Pero lihim ko ding ipinapanalangin na sana ay maintindihan niya kung bakit ko iyon ginawa at hindi na masira ang buong party ni Millie. Gusto ko lang na maging masaya sila para sa ar

