Chapter Thirteen: Mr. Green-Eyed Monster

4310 Words
PAPASIKAT na ang araw, pero heto ako. Hindi pa rin makatulog kaya lumabas muna ko ng kuwarto at iniwan si Hani na mahimbing pa ang tulog. Nang makita ko ang balcony, naisipan kong magpalipas muna ng oras do'n. Ipinatong ko ang mga braso ko sa balustre at tumitig lang sa kawalan. Mamaya, posibleng malaman na namin kung ano talaga ang nangyayari kay Levi. Sana lang, positibong bagay ang pagbabago niya. Ayokong kumapit kami sa pag-asa para mabigo lang sa huli. Lalo na siya. Napakatagal na ng dalawapung taon ng kabiguan at ayoko nang maranasan niya 'yon uli. Ang sabi sa isang libro, kapag may gustung-gusto kang makuha,the 'universe will conspire to help you.' Sabi rin ng iba, ibulong mo 'yon para marinig at ma-attract mo ang positive energy. Pero ngayon, hindi ko gagawin 'yon. Pakiramdam ko, kapag narinig ng universe ang hiling namin ni Levi, may gagawin iyon para agawin ang kinakapitan naming pag-asa. Ilang beses na naming naranasan 'yon pareho, kaya gusto kong mag-ingat sa pagkakataong 'to. The universe was a b***h and she was out to break people's hearts, especially during the most trying times in one's life. "You're still up?" Nalingunan ko si Felix na nakasandal sa hamba ng balcony habang nakahalukipkip. Base sa porma niya, mukhang kanina pa siya nando'n. Sa lalim siguro ng iniisip ko, hindi ko na namalayang dumating pala siya. "Hi. Ang aga mo naman yatang nagising?" "Wala pang natutulog sa kuwarto namin," sagot ni Felix na halatang pagod at inaantok. "The guys are playing video games. I just went out to make coffee." "Pati si Levi, naglalaro ng video games?" gulat na tanong ko. Tumango si Felix. "Yes. And damn, Sunny. Your boyfriend is a pro." Napangiti ako. Dapat inasahan ko na 'yon. Kung hindi nagbabasa ng libro, naglalaro ng video games si Levi buong araw. Nagpapahinga lang siya kapag tumititig siya sa kisame. "Mukhang komportable na si Levi sa inyo." Sumandal ako sa balustre at humarap kay Felix. "Ahm, Felix... salamat nga pala sa tulong. Alam kong hindi mo ko gusto, na understandable naman dahil sa ugali ko. Kahit alam kong para lang kay Hani ang ginagawa mong pagtulong, sobrang na-a-appreciate ko pa rin 'to. Babawi ako sa'yo, promise." Tumayo ng deretso si Felix at naglakad palapit sa'kin. Sa pagkagulat ko, hinawakan niya sa braso at marahang hinila palayo sa balustre. "Huwag kang sumandal d'yan. It's dangerous," gentle na babala niya, saka niya ko binitawan. "I think we have a misunderstanding here, Sunny." "Misunderstanding?" Tumango si Felix. "I don't hate you. Well, hindi rin kita gano'n kagusto. Pero hindi 'yon dahil sa ugali mo lang. Ayoko lang na nasasaktan si Hani dahil siya ang bunso ng pamilya. You bashing her on f*******: didn't sit well with me. I also think you're insane and reckless. No'ng una, natatakot ako na baka mahawaam mo ang pinsan ko. Pero ngayong medyo nakikilala na kita, sa palagay ko, mali ang unang impresyon ko sa'yo." Nag-relax na ko kahit no'ng una, medyo napangiwi ako sa mga sinabi ni Felix tungkol sa'kin. "You're stubborn, yes," pagpapatuloy ni Felix. "But I think that's only because you're passionate about anything you deem important. You're the type of person who's ready to pull miracles to get what you want. Not for yourself, but for the people you care about." Napangiti ako ng malungkot do'n. Ipinatong ko uli ang mga braso ko sa balustre. "First child syndrome siguro. Ang mga panganay kasi, masyadong responsable. Pakiramdam namin, bawal kaming magkamali kasi kami ang inaasahan ng pamilya namin. We feel really awful when we make mistakes. It's very hard to forgive ourselves even for something we don't have control over." Bumuga ako ng hangin. "Pero nakakapagod din minsan. May pagkakataon na naiisip ko na sana ako naman. Na magawa ko 'yong mga gusto ko nang hindi iniisip ang pamilya ko. Bilhin 'yong mga luho ko nang hindi nakokonsensiya. Selfish, oo. Pero gusto kong maging malaya kahit isang araw lang. 'Yon ang ginagawa ko ngayon." "Well, you deserve a break. For an eighteen year old girl, you're doing a great job as the first born in your family." "Thanks," nakangiti at sinsero kong sabi. "I just hope it's worth it. Wala nang ibang mahalaga sa'kin ngayon kundi ang masigurong magiging okay si Levi. Kapag nabigo lang kami pagkatapos ng lahat ng 'to, hindi ko alam kung mapapatawad ko ang sarili ko." "Bakit naman?" "Kasi ako ang nag-encourage kay Levi na umalis ng mansiyon niya at umasa uli na mawawala na ang sumpa niya," pagtatapat ko kay Felix sa mahina at nag-aalangan na boses. "Ginawa ko 'yon kahit alam kong ilang beses na siyang nabigo. Sumugal ako kasi gusto kong makasama siya ng mas matagal. I feel like I'm giving him false hopes. If we fail this time, I know it will ruin him big time. I will never forgive myself if that happens, so the universe better not mess with us." "Sunny?" "Hmm?" "Breathe," seryosong sabi ni Felix, saka siya humarap sa'kin. Mas relaxed na ang hitsura niya ngayon at wala ng hostility sa tinging ibinibigay niya sa'kin. "Umalis si Levi ng mansiyon niya at nagdesisyon siyang labanan ang sumpa niya dahil gusto ka rin niyang makasama ng mas matagal. Huwag naman sana, pero kung sakali mang gaguhin kayo ng universe, sigurado akong hindi niya 'yon isisisi sa'yo. Alam kong ginagawa niya 'to dahil alam niyang magiging sulit ang lahat ng 'to kasi ikaw ang magiging kapalit ng mga naging sakripisyo niya." Marahan niyang pinitik ang noo ko. "Have faith, Sunny." Eksaheradong sumimangot ako at hinimas-himas ang 'nasaktan' kong noo. Hindi naman gano'n kasakit ang pagpitik ni Felix, pero siguradong namumula na 'yon. "Hindi ko alam, Felix. Pakiramdam ko, sunud-sunod na maling desisyon ang ginagawa ko. Parang anytime, bubulaga na lang sa'kin ang consequence ng mga 'yon. And I have a feeling I won't like it." "Stop blaming yourself for every bad thing that happens in your life, Sunny," marahang saway naman ni Felix sa'kin. "Whether you like it or not, life has always a way to f**k you up. If the universe throws you a lemon, make a lemon juice out of it and make people wonder how you did it." Natawa ako ng mahina dahil sa mga sinabi ni Felix. Gumaang ang pakiramdam ko dahil sa usapan naming 'yon. "Salamat, Felix. Pakiramdam ko, nawala 'yong mabigat na pasan-pasan ko sa mga balikat ko." Humugot ako ng malalim na hininga. "Look, nakakahinga na uli ako." Napangiti si Felix. Wow, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. It was a full blown smile that showed me his complete set of white teeth. Mas guwapo pala siya kapag nakangiti ng ganito. "You should go back to your room and sleep, Sunny. Kailangan mo ng lakas para mamaya. Levi needs you." Tumango ako. Ngayong nawala na ang mga alalahanin ko, bigla na kong dinalaw ng antok. "Good-night, Felix. Thank you for the pep talk." NAGULAT kami ni Hani nang paglabas namin ng kuwarto, nasa kusina na ang boys at nakapaghanda na rin ng almusal. Pero sina Felix, Smith, at Vince, halatang mga puyat na puyat. Si Levi lang ang mukhang fresh dahil, well, hindi naman nagbabago ang hitsura niya. Napangiti na lang ako habang iiling-iling. Naalala ko ang sinabi ni Felix na buong magdamag silang naglaro ng video games. Sinikatan na siguro sila ng araw kaya hindi na nakatulog. Niyakap ni Hani si Smith na inaayos ang mga plato sa mesa mula sa likuran. "Baby, ang aga niyo naman yatang nagising. Naunahan niyo pa kami ni Sunny." "We played video games all night," proud na sagot naman ni Smith, saka tumingin kay Levi. "But that guy is a pro. Ni minsan hindi kami nanalo sa kanya." Levi scoffed. "Natakot silang sakalin ko sila habang natutulog sila kaya mas pinili nilang maglaro na lang kami ng video games buong magdamag. They didn't want to let their guards down around me." Natawa si Smith. "Well, totoo 'yon. Pero no'ng una lang naman. Na-engross na talaga kami sa paglalaro eventually. It's fun to play games with a tough opponent." Hinugis niyang b***l ang isang kamay at tinapat 'yon kay Levi. "You're the man, Levi." "Thanks," sabi naman ni Levi, mahihimigan sa boses ang pagkaaliw. "Kumain na tayo," sabi naman ni Vince, sabay hikab. "I need coffee. Hindi ako makakapag-isip nang hindi nakakapag-kape." Mayamaya lang, magkakasalo na kami sa mesa habang nag-aagahan ng fried rice at pinritong itlog, hotdog, bacon, at meron ding tinapay. Siyempre, magkatabi kami ni Levi (na nagsasagot lang ng crossword puzzle sa diyaryo dahil hindi naman siya kumakain). Sa tapat namin ay napapagitnaan naman nina Smith at Vince si Hani. Si Felix ang tumatayong 'head of the family.' "Nakausap ko na si Mommy kanina," mayamaya ay sabi ni Hani. "Nasa townhouse sila sa Antipolo. Ako, si Smith, at si Vince muna ang mauunang pumunta ro'n para ipaliwanag ang sitwasyon sa kanya. Hindi ko kasi sigurado ang magiging reaksyon nina Mommy kapag nalaman nila ang tungkol kay Levi. I mean, matagal na silang tumigil sa mga ganitong mga bagay dahil mas pinili nila ang normal na buhay. Isa pa..." Dumako ang tingin niya sa'kin. "Hindi pa nila alam na okay na tayo." Kaya baka maging hostile si Tita Carolina sa'kin kung ako kaagad ang haharap sa kanya. Tumango ako. "I understand, Hani." "Don't worry, Sunny," mabilis na bawi naman ni Hani. "Mom loves you. Nasaktan lang siya sa nangyari sa'tin, pero I'm sure maiintindihan din niya kapag nakapag-explain na ko sa kanya. Tatawag agad ako sa'yo kapag may go signal na para makasunod na kayo ni Levi sa'min. Si Kuya Felix ang maghahatid sa inyo. Is everyone okay with my plan?" Tumango ang lahat. Ngumiti si Hani. "Alright. Then it's settled." Pagkatapos naming mag-agahan, naiwan kami ni Hani na naghuhugas ng mga pinagkainan. Habang ang mga lalaki naman, naghanda na para sa pag-alis namin mamaya. "Sunny, may itatanong ako sa'yo na huwag mo sanang masamain," mayamaya ay sabi ni Hani. Pilya ang ngiti niya kaya may ideya na ko sa kung anong itatanong niya. Ipinaikot ko ang mga mata ko. "Huhulaan ko. Itatanong mo kung ano na ang status relationship namin ni Levi 'no?" Bumungisngis si Hani, saka tumango. "Well, medyo obvious naman na may feelings kayo sa isa't isa. Gusto ko lang malaman kung official na ba kayo. Hindi niyo naman kasi dine-deny kapag sinasabi naming mag-boyfriend-girlfriend na kayo." Napangiti naman ako. "Actually, hindi naman namin pinag-uusapan ni Levi kung ano na talaga kami. Like you said, it's pretty obvious. Saka pakiramdam ko, kulang ang salitang 'boyfriend' para i-describe kung ano siya sa buhay ko." "What do you mean by that?" halatang interesadong tanong naman ni Hani. "Minsan naiisip ko, para kaming isang malaking star ni Levi sa past life namin," pagsisimula ko. "Pagkatapos, nalaglag kami sa Earth at naging dalawang magkaibang tao. Sort of like the concept of soul mates. Alam kong masyado pa kong bata para sabihin 'to, pero malakas ang pakiramdam ko na si Levi ang lalaking para sa'kin. Hindi lang dahil sa kakaiba ang kuwento namin. I didn't even know I was missing a part of me until he came and completed my life." Pinagdikit ko ang mga palad ko at pinagsiklop ang mga daliri ko. "Kapag magkaganito kami ni Levi, nabubuo ako sa paraan na para bang hindi ko na kayang isipin ang buhay ko na wala siya. Hindi ko rin alam kung bakit o paano 'yon nangyari. Nararamdaman ko lang." Halatang nagulat si Hani sa mga sinabi ko. Pero nang makabawi siya, ngumiti siya. "Ganyan na pala kalalim ang nararamdaman mo para kay Levi. Well, nararamdaman ko rin namang ganyan din si Levi sa'yo. When you and Levi look at each other, there's this kind of intensity in your eyes that not even Smith and I could top, even if my boyfriend and I have been together for three years already. Kayo ni Levi, kahit ilang linggo pa lang nagkakakilala, para bang ang tagal-tagal niyo nang nagkasama." 'Yong ngiti, bahagyang nabawasan. Natigilan din ako sa ginagawa ko nang naging emosyonal ako bigla. "That's exactly why I'm scared right now, Hani. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag-asam ng ganito katindi. Sanay na ko na hindi napupunta sa'kin ang lahat ng hiling ko, gaya ng charisma mo o ang movie offer sa'yo. Ngayon, maluwag na sa loob kong hindi ko nakuha ang mga 'yon. "Pero hindi ko kakayanin kapag nawala sa'kin si Levi. Minsan gusto kong makipag-bargain sa Kanya. Kahit hindi na matupad ang ibang mga pangarap ko, basta ibigay Niya lang sa'kin 'yong lalaking gusto kong makasama ng matagal. Wala na kong mahihiling pa kapag nangyari 'yon. Kung hindi man makinig ang universe sa'kin, sana maawa Siya sa'min. I could really use a miracle now." Heto na naman ako, hindi na naman mapigilan ang mabilis at tahimik na pagpatak ng mga luha ko. Ngayong malapit na naming harapin ang huling pagkakataon ni Levi para maging tao, mas lalong gumagapang ang takot sa buong sistema ko. Sana maging okay si Levi. Kailangan niyang maging okay. Kasi kapag hindi, sigurado akong hindi lang siya ang madudurog. I will fall apart if I lose him. Magiging para akong bituin na sasabog sa madilim na kalangitan at hindi na mabubuo kahit kailan. Ang maiiwan na lang, alikabok o kung ano mang ulap na hindi na makakabalik sa dati. Magiging isang hamak na particle na lang ako sa space na walang kakayahang kuminang. Inakbayan ako ni Hani at kinabig palapit sa kanya. Isang bagay na madaling gawin dahil sa taas niyang 5'7, hindi hamak na mas matangkad siya sa'kin. Hinimas-himas niya ang braso ko na parang kino-comfort ako. Nang nagsalita siya, napaka-gentle din ng boses niya. "Don't lose hope, Sunny. Gagawin namin ang lahat para matulungan kayo ni Levi. Hindi ko pa siya gano'n kakilala. Pero para mahalin mo siya ng ganito, sigurado akong mabuti siyang lalaki. I won't let the person who keeps my best friend happy disappear." Wow. Noon, wala namang problema sa'kin kung kinikimkim ko lang mag-isa ang mga problema ko. Iniisip ko kasi na hindi naman nakakatulong ang pag-she-share ng mga pasanin ko sa ibang tao. Mas lalong ayokong makaabala. Sanay ako na sa'kin nakadepende ang iba. Pero hindi rin naman pala gano'ng kasama kung ako naman ang dedepende sa mga kaibigan ko. Sa totoo lang, nakakagaang sa loob. Ipinalupot ko ang isang braso sa baywang ni Sunny, saka ko inihilig ang ulo ko sa balikat niya. "Thank you, Hani. Habambuhay ko 'tong tatanawin na utang na loob sa'yo." "Ano bang utang na loob ang sinasabi mo d'yan?" kunwari namang nagtatampong sabi ni Hani. "You're my best friend, Hani. Kahit wala ka pang sabihin, tutulungan at tutulungan pa rin kita." Napangiti na lang ako. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon kong pagkaawa sa sarili, naramdaman ko na sobrang suwerte ko. Hindi naman kasi lahat ng tao ay nagkakaro'n ng matalik na kaibigang kasing tapat at kasing bait ni Hani. May kung sinong tumikhim sa likuran. Sabay kaming pumihit ni Hani paharap sa pinanggalingan ng boses. Ah, si Smith 'yon. Base sa simpatya sa mukha ng binata, mukhang narinig niya ang mga pinag-usapan namin ng best friend ko. "Ready na ang sasakyan at ang mga gamit natin sa pag-alis, baby," parang nahihiyang paliwanag naman ni Smith kay Hani, pagkatapos ay lumapit siya at inakbayan ang girlfriend niya. Pero sa'kin siya nakatingin. "Hey, Sunny. I know this is long overdue. Hindi ako nagkaro'n ng chance na sabihin sa'yo 'to dahil alam ko namang marami kang iniisip nitong nakaraan. But I'm really sorry for all the mean things I said to you on Facebook." Tinawanan ko na lang 'yon. "Ako dapat ang nag-s-sorry, Smith. Mali 'yong ginawa ko kay Hani at alam kong nasabi mo lang ang mga 'yon para ipagtanggol siya. I'm sorry din kung nasaktan kita nang saktan ko ang girlfriend mo." Ngumiti lang si Smith na para bang sinasabing kalimutan na lang nila 'yon. "I like your boyfriend, Sunny." Saglit siyang natigilan, nakakunot pa ang noo. "Wait. That sounded gay, right? Like I'm into Levi or something?" Natawa na lang kami ni Hani. Minsan talaga, accidental joker si Smith. May mga nasasabi o nagagawa siyang nakakatawa na hindi naman niya sinasadya. "Anyway, that's not what I meant," mabilis na paliwanag naman ni Smith. "What I'm trying to say is Levi's a decent guy. He doesn't deserve this kind of life the b***h had cursed him with. So, like Hani, I will do my best to help you. Hindi naman puwedeng kami lang ang may forever, 'di ba?" Kumindat pa siya na ikinangiti ko lalo. "Kailangang palaganapin ang pag-ibig sa mundong 'to." "Thanks, Smith," sinserong sagot ko naman. "Kapag nagkatuluyan kami ni Levi, sigurado akong ikaw ang kukunin niyang best man." Ngumisi si Smith. "That would be an honor." "SUNNY?" "Hmm?" "Nakatulog uli si Levi. Baka puwedeng ikaw na lang ang gumising sa kanya. Ayoko namang masapak niya kapag naistorbo ko ang pagpapahinga niya. Kung ikaw, sigurado akong hindi ka niya sasaktan." Natawa ako dahil sa mga sinabi ni Felix. Kanina pa nakaalis sina Smith, Vince, at Hani. No'ng huling tawag ng pinsan ko, sinabi niyang nasa Antipolo na sila. Kaming dalawa lang ni Felix ang naiwan sa condo na nagkukuwentuhan. Simula no'ng nag-lunch kami hanggang ngayon, hindi pa lumalabas si Levi na panay ang tulog. Hindi ko na siya ginigising dahil alam ko namang kailangan niya ng pahinga. Pero kung malapit na kaming umalis, siguro nga dapat ay gisingin ko na siya para makapaghanda na kami. Sinara ko ang binabasa kong astronomy book at binalik 'yon sa backpack ko. Mula sa pagkakaupo sa sofa, tumayo ako at humarap kay Felix na nakatayo ilang metro ang layo sa'kin. Tumingin ako sa pinto ng guest room bago ko siya muling balingan. "Puwede na kaming magsama ni Levi sa iisang kuwarto, Daddy Felix?" biro ko sa kanya. Ipinaikot ni Felix ang mga mata. "Leave the door open. And I'm serious," istriktong sabi niya, saka siya nagmartsa papunta sa kusina para raw magtimpla ng kape. Napangiti na lang ako sa pagiging istrikto ni Felix. Dumeretso ako sa guest room kung saan naabutan ko naman si Levi na natutulog sa malaking kama, patagilid ang higa. Ewan ko rin kung bakit iniwan ko ngang bukas ang pinto pagpasok ko. "Levi?" malambing na pagtawag ko sa kanya, saka ako umupo sa gilid ng kama. Marahang ipinatong ko ang kamay sa balikat niya at marahan siyang niyugyog. "Levi, gising na." Unti-unting nagmulat ng mga mata si Levi. "Sunny." Napansin kong matamlay ang boses ni Levi kaya nag-alala naman agad ako. "Okay ka lang, Levi? May masakit ba sa'yo? Saan banda?" "I really can't tell, Sunny," sagot naman ni Levi sa nanghihinang boses. "Pakiramdam ko, may hindi nakikitang bumubugbog sa'kin ngayon. Buong parte ng katawan ko, masakit." Naawa naman ako sa kanya. Pero naiinis din ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para tulungan siya. "Sana may kakayahan akong alisin ang sakit na nararamdaman mo ngayon." Umatras si Levi para magkaro'n ng sapat na espasyo sa tabi niya, pagkatapos ay marahan niya kong hinila sa tabi niya na patagilid din ang higa para nakaharap kami sa isa't isa. Ginawa niyang unan ang isa niyang braso, habang ang isa naman, ipinatong niya sa baywang ko. "This makes me feel better." Napangiti naman ako. Gaya niya, inunan ko rin ang isa kong braso. Pagkatapos, ipinatong ko naman ang isa kong kamay sa pisngi niya. "I'm glad it does. Pero mas okay din siguro kung malilipat 'yong physical pain na nararamdaman mo sa'kin para hindi ka na nahihirapan." Marahang umiling si Levi. "Hindi ko sinabi sa'yo ang nararamdaman kong pisikal na sakit para d'yan, Sunny. Gusto ko lang malaman mo ang extent ng pagbabago ng katawan ko. Hindi ko naman 'to nararanasan noon. Sana hindi nakikinig ang universe, pero sa palagay ko, nangyayari 'to dahil bumabalik na ko sa pagiging tao." Gusto kong palakasin ang loob ni Levi. Sabihin na, oo. Babalik na nga siya sa pagiging tao dahil 'yon din ang nararamdaman ko. Pero no'ng mga sandaling 'yon, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nasabi ang mga bagay na 'yon. Sa halip, ngumiti na lang ako at ninamnam ang sandaling magkasama kami sa gano'ng paraan. Tinitigan ko si Levi, kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha niya. Ng mga sandaling 'yon, na-realize ko na gustung-gusto ko ang mga mata niya. Wala mang buhay ang mga 'yon dahil sa pagiging manika niya ngayon, nararamdaman ko naman ang init sa tinging ibinibigay niya sa'kin. Na para bang ako lang ang nakikita niyang babae sa mundong ito. At para sa kanya, sapat na ako. Were teenagers allowed to have this kind of profound love that I have for Levi? Was I old enough to make a decision to be with someone for the rest of my life? Was it normal to feel a strong connection with him that made me realize he was already my first and final choice? "Sunny, sumagi ba sa isip mo na sana, ibang lalaki na lang ang minahal mo?" mayamaya ay tanong ni Levi sa pabulong na boses. Kumunot ang noo ko. Ewan ko ba, pero may kakaiba sa tono ni Levi na hindi ko nagustuhan. "Hindi. Bakit ko naman maiisip 'yon kung masaya naman ako sa'yo?" Matagal bago sumagot si Levi. "Mas madali kasi kung ibang lalaki na lang sana ang minahal mo. 'Yong normal. 'Yong puwede mong makasama at maipagmalaki sa ibang tao. Hindi gaya ko na siguradong katatakutan lang ng buong mundo." With Levi's unflinching gaze, the loneliness in his words intensified and it broke my heart a little. Pakiramdam ko, unti-unti siyang nawawala sa'kin kahit magkaharap lang kami ngayon. I felt the need to anchor him back to me. "Levi, ang romantic relationship, parang couple na magkatali at sumali sa race na maraming obstacle. Sa umpisa, hindi sila sanay na nakadepende sa ibang tao, o na may ibang taong dumedepende sa kanila. 'Yong isa, puwedeng mauunang tumakbo kaya madadapa 'yong kasama niya. O kaya naman, 'yong isa sobrang bagal tumakbo kaya hindi siya makahabol sa partner niya. Sa madaling salita, hindi sila magkasabay kasi sarili lang nila ang iniisip nila. "Pero along the way, ma-re-realize nilang kailangan nilang mag-compromise kung gusto nilang matapos ang race. Magbibigayan sila at aalalayan ang isa't isa sa bawat pagsubok na dadaanan nila. Hanggang sa marating nila ang finish line ng magkasama. "Gano'n kasi 'yon. Hindi puwedeng pabor sa'yo lahat. Hindi puwedeng madali ang kondisyon kapag minahal mo ang isang tao. Kasi hindi naman puwedeng piliin mo lang 'yong mga katangian niya na convenient sa'yo. Kahit gaano kamahal ang partner mo, may makikita at makikita ka pa ring flaw niya. Pero kailangan mo 'yong tanggapin kasi ikaw din sarili mo, may pagkukulang o pagkakamali ka rin. Kailangan niyong mag-compromise, mag-adjust, umunawa, mag-effort, at tumanggap. "Gising ako at nasa tamang huwisyo nang minahal kita, Levi. Aaminin ko, hindi ko agad natanggap na isang manika ang nagustuhan ko. Inisip ko pa nga na nababaliw ako. Natakot din ako sa sasabihin ng iba. Pero na-realize ko, 'yong sumpa mo, maliit na bahagi lang 'yon ng pagkatao mo na nagustuhan ko sa'yo. Kaya huwag mong sasabihing mas madali sana kung ibang lalaki na lang ang minahal ko. I don't need to have an easy love. I need a kind of love that will complete me.'Yon ang pinaparamdam mo sa'kin." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa marahang ipatong ni Levi ang malaki at mainit niyang kamay sa pisngi ko at gamitin niya ang daliri niya para punasan ang mga luha ko. Nang nagsalita siya, puno ng guilt ang boses niya. "I'm sorry, Sunny. I didn't mean to hurt your feelings with my thoughtlessness." Pinigilan ko ang hikbi ko, pero sininok lang ako. "Nahihirapan ka na bang mahalin ako, Levi?" "Hindi," mabilis at mariing sagot naman ni Levi. "Hinding-hindi mangyayari 'yon, Sunny." "Eh ano 'to? Bakit nasabi mo ang mga 'yon?" Matagal bago muling sumagot si Levi. "No'ng lumabas si Felix ng kuwarto kagabi para magtimpla ng kape, sinundan ko siya para tulungan sana. Nakita ko kayang magkausap sa balkonahe. Habang tinitingnan ko kayo, hindi ko maiwasang isipin na mas bagay kayo. Na mas magiging madali sana para sa'yo kung siya na lang ang mamahalin mo. "Sa kabilang banda, nakaramdam ako ng inggit kay Felix dahil sa pagiging normal niya. Wala akong hindi ibibigay o gagawin para lang mapunta sa kinatatayuan niya. Pero ang mas malala, nagselos ako. Nagselos ako kasi alam ko, mas mapapabuti ang lagay mo sa kanya. O sa kahit sinong lalaki na hindi manika na tulad ko." Naiintindihan ko na si Levi. Ngumiti na lang ako habang iiling-iling. "Huli na para d'yan, Levi. Sobrang huli na. Wala na kong nakikitang ibang lalaki bukod sa'yo." "Sunny..." "Levi," sansala ko naman sa kung anong sasabihin ni Levi. "You are my night sky. You contain all the bright things that light up the darkness I see." Halatang nagulat si Levi sa mga sinabi ko. Pero nang makabawi siya, umangat ang sulok ng mga labi niya. Mukhang may sasabihin pa sana siya, pero naistorbo kami nang may kumatok sa pinto. Si Felix 'yon na hindi makatingin sa'min at para bang nahihiya pang nakaabala siya. "Sorry, lovebirds," sabi ni Felix na halos nakatalikod na sa'min. "Tumawag na si Hani. Puwede na tayong umalis kaya maghanda na kayo." Pagkatapos, mabilis na siyang umalis. Napangiti na lang ako habang iiling-iling. Ako na ang unang bumangon at tumayo. Pagkatapos ay hinawakan ko si Levi sa kamay at hinila siya patayo. "Get up, sleepyhead." Muli, ngumiti si Levi. Hindi siya pumayag na hilahin ko siya kaya kusa na rin siyang tumayo. Pero pagkatayong-pagkatayo niya, bigla siyang natigilan. 'Yong klase ng pagtigil na para bang bigla siyang nanigas at bumalik sa pagiging walang buhay na manika. "Levi?" nag-aalalang sabi ko naman. "Levi, anong nangyayari sa'yo?" Hindi kumibo si Levi. Hanggang mayamaya, napahawak siya sa ulo niya habang sumisigaw na para bang nasasaktan siya. Sinasabunutan na nga niya ang sarili niya na para bang dumadaan siya sa matinding paghihirap ng mga sandaling 'yon. Wala akong nagawa kundi ang isigaw ang pangalan niya sa sobrang pag-alala. Sa lakas ng boses namin pareho, hindi nakakapagtakang dumating si Felix para silipin kung anong nangyayari. Mabilis niya kong hinila palayo kay Levi na panay ang sigaw. Sinubukan kong lapitan si Levi pero pinigilan ako ni Felix. Delikado raw dahil hindi namin alam kung ano ang nangyayari. Napaiyak na lang tuloy ako. And then all of a sudden, Levi seemed like a robot who ran out of battery and had an automatic shutdown. He collapsed on the floor, unmoving.I felt like my heart also stopped beating. "Levi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD