MUKHANG hindi ko nalabanan ang antok dahil nagising ako. Hindi ko naman imumulat ang mga mata ko kung unang-una, hindi ko naman ipinikit ang mga 'yon ng matagal. Masuwerte ako na hindi ako naisipang sakalin o saksakin ni Levi no'ng nakatulog ako. Wala talaga akong ingat madalas.
Pero hindi ko rin naman masisi ang sarili ko. Sa dami ng mga nangyari sa'kin kagabi, imposibleng hindi ako mapagod at hilahin ng antok. Kailangan ng katawan ko ng lakas at pahinga para na rin makapag-isip ako ng maayos kung paano ako makakatakas sa mansiyon na 'to.
Pagbangon ko, nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Masakit pa rin ang mga kalamnan ko, pero pinilit ko pa ring tumayo at maglakad papunta sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sina Vince, Tita Viel, Tito Celio, at Jared (na bugbog pa rin ang mukha pero halata namang galing na siyang ospital at nakapagpagamot na) na may kasamang mga tanod at mga residente ng halos buong bayan.
Malakas ang kutob ko na nagsumbong si Jared kaya nandito sila ngayon para kumpirmahin kung totoong may buhay na manika sa mansiyon.
Nang ilapat ko ang mga kamay ko sa salaming bintana para mas silipin pa ang nangyayari sa labas, napansin kong hindi na naka-lock ang mga 'yon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Kung hindi na 'yon nakakandado, posible kayang...
Tumakbo agad ako papunta sa pinto at sa pagkagulat ko, bumukas agad ang seradura nang pihitin ko 'yon. Malaya na ko!
Siyempre, hindi na ko nag-aksaya ng oras. Pero habang tumatakbo ako palabas ng bahay, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit pinakawalan na ko ni Levi. Naawa ba siya sa'kin dahil iniyakan ko siya kagabi? Kung gano'n, hindi nga siya masamang manika. Siguro nga, mas tao pa rin siya kaysa sa mga hayup na tulad ni Jared.
Nagpapasalamat ako kay Levi, oo. Pero hindi pa rin sapat na dahilan 'yon para manatili ako sa mansiyon na 'yon. Natatakot pa rin ako sa kanya.
Nang marating ko ang main door, naabutan ko si Beatrice na nagpapaliwanag sa mga taumbayan.
"I am not keeping a living doll in this house," mariin at parang praktisado nang paliwanag ni Beatrice. "'Yong mga manika na nandito sa mansiyon na 'to ay 'yong mga mga klase ng manika na in-e-export ko sa ibang bansa bilang bahagi ng negosyo ko. Ano'ng century na ba para maniwala pa kayo sa mga possessed dolls?"
"Alam ko kung ano ang nakita ko!" giit naman ni Jared na itinuro pa ang mukha. "'Yong buhay na manika sa bahay na 'yan ang bumugbog sa'kin kagabi!"
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Ngayong nakikita ko si Jared, bumalik sa'kin ang lahat ng mga ginawa niya sa'kin kagabi. Habang nakatingin ako sa bugbog niyang mukha, mas lalo akong naging grateful sa ginawa ni Levi sa walanghiyang lalaki."Hindi totoo 'yan!"
Natahimik ang mga bulungan at lahat, napatingin sa'kin. Pero tanging ang mga mukha lang ng pamilya ko ang mahalaga sa'kin.
"Sunny!" sigaw ni Vince, halatang na-relieve nang makita niya ko. Patakbo siyang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Nag-alala kami sa'yo nang nag-text ka sa'kin at sinabi mong sa mansiyon ka magpapalipas ng gabi dahil inimbitahan ka ng houseowner para sa job offer niya sa'yo. Pero kaninang madaling-araw, nagpunta naman si Jared sa bahay at sinabi ngang dinukot ka ng buhay na manika sa bahay na 'to."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Una, hindi ko na nakita ang phone ko na nahulog sa bulsa ko nang humagis ako sa sahig kagabi. Pero naisip ko na baka nakuha 'yon ni Levi at siya ang nagtext kay Vince para hindi ako hanapin ng mga kapamilya ko.
Lumapit na rin sina Tita Viel at Tito Celio sa'kin. Tinatanong nila kung okay lang ba ko. Tumango lang ako para hindi na sila mag-alala pa.
"Sunny, tell them the truth!" sigaw naman ni Jared. "Inatake tayo ng buhay na manika kagabi, 'di ba? Sigurado akong manika 'yon at hindi tao!"
Bumaon ang mga kuko ko sa mga palad ko. Gusto kong sapakin si Jared pero ayoko nang palakihin ang g**o. Mas lalong ayokong malaman ng mga estranghero sa paligid ko kung ano ang ginawa niya sa'kin kagabi. "You were stoned last night, Jared."
Napasinghap ang matatanda at lahat, napatingin kay Jared. Lalo na ang mga tanod.
"Nanggulo ka rito kagabi, nakalimutan mo na? Pumasok ka rito sa mansiyon ng nagwawala, pero pinigilan ka namin ni Ma'am Beatrice na makapanira ng mga gamit," pagsisinungaling ko habang masama ang tingin ko kay Jared. "Umalis ka rin pagkatapos naming magbanta na tatawag na kami ng tanod. Kung anuman ang nangyari sa'yo after that, wala na kaming alam do'n. Baka may nakasalubong kang kapwa mo mga d**g addict at sila ang bumugbog sa'yo. Pero sa sobrang bangag mo, hindi mo na maalala 'yon."
Tumalim ang tingin sa'kin ni Jared. "You're lying, Sunny. Bakit pinagtatakpan mo ang matandang 'yan? Totoo namang may buhay na manika sa loob ng mansiyon, ha!" Tumingin pa siya sa mga tao sa paligid na parang humihingi ng back-up. "Pasukin natin at nang malaman niyong totoo ang sinasabi ko!"
"Ginawa mo na 'yan kagabi, Jared," malamig na sabi naman ni Beatrice. "Pinasok mo na ang mansiyon ko at tinangka mo pang nakawin ang mga mamahalin kong manika."
"Bakit ko naman gagawin 'yon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Jared.
"Hindi ko alam. Bangag ka kagabi, 'di ba?" balik-tanong naman ni Beatrice. Alam kong nagsisinungaling na rin siya para baligtarin ang sitwayson at si Jared naman ang magisa. "Ayoko na sanang palakihin pa 'to dahil pabalik na rin naman na ko ng Australia. Pero kung ipipilit mo talaga 'yang kasinungalingan mo, dumeretso na tayo sa presinto. I will file a complaint against you for breaking in my house last night and for trying to steal my collection of expensive dolls."
Namutla si Jared.
Tumingin naman ako sa mga tanod na halatang natataranta. Anak ng mayor si Jared kaya siguro hindi nila alam kung saan sila lulugar. "Puwede niyong ipa-d**g test si Jared. Siguradong magiging positive siya at kapag nangyari 'yon, mas lalo siyang madidiin dahil sa ginawa niya kay Ma'am Beatrice kagabi."
Tumikhim ang matandang lalaki na mukhang barangay captain. "Baka naman puwedeng pag-usapan na lang muna natin 'to ng maayos."
Ipinaikot ang mga mata sa pagkadismaya. Sinasabi ko na nga ba't pinoprotektahan ng mga tauhan ng barangay si Jared dahil anak siya ng mayor. 'Yon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nanahimik na lang ako tungkol sa mas malalang ginawa sa'kin ng walanghiyang lalaki: natakot akong mapahiya.
HINDI na rin pinalaki ni Beatrice ang g**o. Tinanggap na lang niya ang 'apology' ni Jared. Ang katwiran niya, ayaw na niya ng abala dahil paalis na rin naman na siya uli ng bansa.
Ako naman, heto sa may bakuran ng mansiyon. Todo ang paliwanag kay Vince kung bakit hindi ako nakauwi kagabi. Sina Tina Viel at Tito Celio, bumalik na sa kanya-kanyang trabaho nang masiguro nilang walang masamang nangyari sa'kin. Pero 'tong pinsan ko, halatang hindi kumbinsido sa kuwento ko.
"Hindi ko lang kasi gets kung pa'nong ang bilis niyong naging close ni Miss Beatrice eh kagabi lang naman kayo nagkita," nakakunot-noo na sabi ni Vince habang nakatingin sa'kin na para bang hinuhuli niya ang magiging reaksyon ko. "I know you, Sunny. Hindi ka mabilis mag-warm up sa mga bagong kakilala. 'Tapos nag-stay ka pa sa bahay ni Miss Beatrice dahil lang pinag-usapan niyo ang job offer niya sa'yo? And what kind of work is it again?"
Humugot ako ng malalim na hininga. Wow, talagang future journalist 'tong si Vince sa dami ng tanong niya. Nasusubok tuloy ang galing ko bilang writer sa paghabi ng kuwento. "Like I said earlier, naiwan ko sa mansiyon 'yong phone ko. No'ng binalikan ko 'yon, nando'n na si Ma'am Beatrice. Siyempre, no'ng una ay nagalit siya sa ginawa kong pagpasok sa bahay niya habang nasa libing siya no'ng isang gabi. Ipinaliwanag ko sa kanya na napilitan lang naman akong gawin 'yon dahil sa utos ni Jared.
"'Tapos, speak of the devil, dumating nga si Jared na bangag. Pumasok siya sa mansiyon at tinangka niyang magbitbit ng mga manika. Basta, wala siya sa sarili no'n. Anyway, pag-alis ng gagong 'yon, nag-decide si Ma'am Beatrice na patuluyin muna ko sa bahay niya kasi nag-aalala siya na baka masalubong ko si Jared sa labas at kung ano pa ang gawin sa'kin ng lalaking 'yon. Natakot din naman ako para sa safety ko kaya pumayag na rin ako. Kung nakita mo kung ga'no kabangag si Jared kagabi, maiintindihan mo ko.
"Ayun nga. Habang nagpapalipas ako ng gabi sa bahay na 'to, nabanggit ni Ma'am Beatrice na kailangan niya ng bagong housekeeper habang hindi pa niya nabebenta ang mansiyon. Tutal wala naman akong ginagawa rito, ang sabi ko, pag-iisipan ko ang offer niya."
Whew! Gusto kong tapikin sa balikat ang sarili ko dahil sa galing kong gumawa ng kuwento. Sa tingin ko naman, walang loophole ang istorya ko. Sana lang nakumbinsi ko na si Vince sa pagkakataong 'to.
Nanatiling nakakunot ang noo ni Vince na para bang ninanamnam ang mga sinabi ko. Sa huli, tumango-tango rin siya. "Okay." Umiling-iling siya at napatingin sa malaking bahay. "I can't shake off the feeling that something's wrong with your story. But nevermind. I will believe you this time." Dumako uli ang tingin niya sa mukha. "Let's go home. Baka lumamig na ang breakfast natin."
Tumango ako. "Magpapaalam lang ako kay Ma'am Beatrice. Hintayin mo na lang ako rito."
Hindi ko akalain na magagawa kong bumalik sa mansiyon. Siguro kasi kampante akong hindi na uli nila ko makukulong sa bahay. Nasa labas lang si Vince. Mainipin ang pinsan ko kaya siguradong kapag hindi agad ako lumabas, magtataka na siya.
Hindi naman gugustuhin ni Beatrice na may mga dumating uli para usisain ang mansiyon. Saka pinakawalan naman na ko ni Levi.
Pagpasok ko sa loob, naabutan ko si Beatrice na nilalagay sa paperbag ang mga suot ko kagabi. Ngumiti siya nang makita ako. Inabot niya sa'kin pati 'yong mga bagong bili niyang mga gamit para sa'kin na nakalagay din sa ibang mga paperbag. Ayoko sanang tanggapin 'yon dahil karamihan sa mga 'yon, mga branded na damit. Pero mapilit siya.
"Isipin mo na lang na pasasalamat ko 'yan sa'yo, hija," nakangiting sabi ni Beatrice. "You made my son happy even for awhile." Napalitan ng pagguhit ng guilt ang ngiti niya."And I'm sorry if we scared you. Alam kong mali 'yong ginawa ni Levi sa'yo pero himbis na pigilan siya, kinunsinti ko pa siya. I know there's no valid excuse for what I have done. I just want you to remember that I am his mother. I only want what I think is best for him. He badly craves for a friend, Sunny. It broke my heart to see him get that desperate for company, so I tried to give him what he wanted. I'm so sorry if I tried to force the 'friend duty' on you."
Sinubukan kong huwag pansinin ang guilt na ngumatngat sa puso ko. Alam kong wala akong responsibilidad kina Beatrice at Levi. Pero sa kung ano'ng dahilan, sa kabila ng mga ginawa nila sa'kin, nakikisimpatya pa rin ako. "Hindi okay 'yong ginawa niyo. Pero niligtas ako ni Levi at malaki ang utang na loob ko sa inyo. For that, I'm grateful to you. At dahil do'n, magagawa ko kayong mapatawad."
Tumango si Beatrice. "Salamat nga pala sa pagtupad mo sa pangako mong hindi mo sasabihin sa kahit kanino ang sekreto ni Levi. Ang sabi sa'kin ng anak ko kagabi, 'yon ang naging kasunduan niyo kapalit ng kalayaan mo."
Ah. Tinanggap pala ni Levi ang pakikipag-deal ko sa kanya kagabi. Wala akong ideya kasi wala naman siyang sinabi nang umalis siya ng kuwarto maliban sa isang malamig na 'goodnight.' "So, you're leaving? Paano na si Levi ngayong wala nang housekeeper sa mansiyon?"
"Sa isang araw pa naman ang flight ko," sagot ni Beatrice. Pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. "Noong nabubuhay pa si Tonio, siya ang umaasikaso sa buong mansiyon. Siya ang nagbabayad ng bills– tubig, kuryente, internet connection. Magastos kasi sa kuryente 'yang si Levi dahil panay ang nood ng TV ng batang 'yan at lagi pang nagbababad sa internet." Ngumiti siya ng malungkot. "Wala naman kasi siyang ibang puwedeng gawin maliban sa mga 'yon, hindi ba?" Nang hindi ako nagkomento, nagpatuloy siya. "Anyway, I don't think may mahahanap pa kong sing loyal ni Tonio. Mag-fi-freak out ang ibang mag-a-apply bilang housekeeper. Kapag nalaman nilang hindi lang ang bahay ang kailangan nilang bantayan kundi maging ang anak kong manika, siguradong kakaripas sila ng takbo at baka ipasunog pa nila 'tong mansiyon. Kaya wala akong choice kundi ang hayaan na lang si Levi mag-isa rito pansamantala. Ipapaputol ko na lang muna siguro ang linya ng kuryente, tubig, at internet connection para wala nang bills na dumating. Aalis naman na kami sa isang buwan."
"Paano na si Levi kung mawawalan siya ng libangan?" nag-aalalang tanong ko naman. Oh, s**t. Bakit nag-aalala ako sa manikang 'yon?
"Sanay naman si Levi na tumanaw lang sa labas ng bintana buong araw dahil ilang taon na 'yon lang ang ginawa niya," malungkot na sagot ni Beatrice. Pero mabilis niyang itinago ang nararamdaman niya sa pagngiti. "Anyway, Sunny.Gusto mo bang magpaalam muna kay Levi bago ka umalis?"
NANG sabihin sa'kin ni Beatrice na nasa 'Playroom' si Levi, hindi ko inasahan na sa basement pala ako makakarating. Ang nasa isip ko kasi, isang malaking kuwarto na puno ng laruan.
Nagdalawang-isip pa nga akong tumuloy nang malaman kong nasa ilalim ng bahay ang Playroom na 'yon. Malay ko ba kung saan ako dadalhin ng hagdan pababa. Baka makulong na naman ako o ma-trap. Sa mga horror films pa naman, madalas ay chamber ang nasa basement kung saan tino-t*****e ang mga tatanga-tangang biktima.
Sumilip muna ko sa ilalim. Sa hagdan pa lang na gawa sa kahoy, na-curious na agad ako nang makita kong nagkalat ang makakapal na libro. Karamihan ay mga classic books gaya ng Divine Comedy, The Inferno, at To Kill A Mockingbird.
Pakiramdam ko, ako si Gretel. Oo, 'yong fairy tale character. Pero himbis na mga candy, ang mga libro ang umakit sa'kin. Pinulot ko 'yong mga nagkalat sa baitang ng hagdan. Puro sina James Patterson at Stephen King na ang author ng mga hawak kong makakapal na books.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa pinakaibaba na ng hagdan nang sumalubong sa'kin ang napakalaking bookshelves.
Napanganga ako sa pagkamangha. Sinakop ng bookshelves na 'yon ang isang buong dingding. Puno 'yon ng mga libro na naka-organize pa base sa kulay ng mga skeleton niyon. At ang pinakanakakamangha sa lahat? May rolling ladder 'yon!
Hashtag bookshelf goals!
"Are you going to borrow those books?"
Napasinghap ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Levi mula sa likuran. Nakalimutan kong may hawak akong makakapal at mabibigat na libro kaya nabitawan ko ang mga 'yon. Napasigaw ako sa sakit nang bumagsak ang mga 'yon sa mga paa ko. Kahit naka-sneakers ako, masakit pa rin.
"You're quite careless, aren't you?"
Pumihit ako paharap kay Levi para bigyan siya ng matalim na tingin. "Kasalanan mo 'to. Bakit kasi nanggugulat ka d'yan?"
Binigyan lang ako ni Levi ng blangkong tingin na para bang sinasabi sa'kin na wala akong sense, bago siya bumalik sa ginagawa niya– sa pagpupunas sa salamin ng hawak niyang picture frame gamit ang basahan habang bahagya siyang nakaupo sa gilid ng malaking mesa na gawa sa kahoy. Sa ibabaw niyon, may nakita akong chessboard at chess pieces na nakakalat lang.
Hindi ko na naman naiwasang pansinin ang suot na damit ni Levi: light blue polo na nakatiklop hanggang sa mga siko niya, khaki pants, black leather shoes. Humakab ang magandang bulto ng katawan niya sa porma niyang 'yon. Ang porma niya talaga.
Nang hindi na uli nagsalita si Levi, inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kuwarto.
Malaki 'yon. Puti lang ang kulay ng mga pader. Bukod sa malaking bookshelf, nakakamangha rin ang napakalaking flat screen na nakasabit sa dingding. Sa harap niyon ay may malaking couch at pabilog na coffee table. State of the art din ang sound system at DVD player na nakita ko. Parang tore sa taas ang CD rack na punung-puno mula sa mga movies hanggang sa mga album ng foreign artists.
Sa isang bahagi naman ng kuwarto, may munting kusina. May maliit na ref, dining table para sa dalawang tao, at kitchen sink.
Bumalik ang tingin ko kay Levi. 'Yong mesang inuupuan niya, may laptop palang nakapatong do'n. Bukod pa 'yon sa latest computer model na nasa kabilang gilid naman. Sa sahig naman, nagkalat ang iba't ibang cell phones. Kung hindi iPhone ay Blackberry ang brand ng mga 'yon. May mga laruan din gaya ng remote controlled luxury cars, helicopters, bicycles, at maging submarine ay meron.
"Rich kid," naiinis na bulong ko. Sa totoo lang, nakakainggit ang mga sosyal na gadget ni Levi.
"Rich, yes. Kid, nope," sagot ni Levi na narinig pala ang sinabi ko. Tumayo siya ng deretso at maingat na pinatong ang picture frame sa mesa.
Nakita ko ang nasa picture. Isang matandang lalaki na puti na ang buong buhok. Nasa sixties na siguro siya. Nakatawa siya sa litrato, mukhang masaya. Halata naman 'yon sa kislap ng mga mata niya.
"That's Tatay Tonio," sabi ni Levi bago pa man din ako makapagtanong. "The housekeeper."
"Matagal na ba siyang naninilbihan sa pamilya niyo?"
"Hindi pa raw ako pinapanganak, nagtatrabaho na siya bilang driver sa pamilya namin."
"Wala ba siyang mga kamag-anak o sariling pamilya?"
Umiling lang si Levi.
Lumagpas ang tingin ko sa kanya. Napansin ko kasi ang nakasabit na cork board sa dingding. May nakadikit na mga pictures do'n gamit ang makukulay na pin. Puro litrato ni Tonio 'yon kung saan kasama si Levi na parang buhay na tao talaga. Makikita sa mga 'yon kung ga'no kalapit sa isa't isa ang dalawa. Bigla tuloy akong nakonsensiya. "Sorry."
"For what?" halatang nagulat na tanong ni Levi.
"Muntik na kasi akong maniwala noon sa tsismis na namatay ang housekeeper sa paranormal na paraan. No'ng nalaman kong buhay ka, naisip ko na baka ikaw ang pumatay sa kanya."
Nanatiling blangko ang mukha ni Levi. "He was in the market when he had a heart attack. I'm pretty sure I was locked up in the house when that happened."
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko naman alam 'yon, eh. Mabuti na lang nakauwi agad ang mommy mo no'ng... no'ng nangyari 'yon kay Mang Tonio. At least, may nag-asikaso agad sa pagpapalibing sa kanya."
"Mom's already in the country that time. May business conference siya sa Manila. Nang i-email ko ang nangyari kay Mang Tonio, umuwi agad siya rito. Plus, ganitong huling linggo naman ng buwan talaga siya bumibisita dito sa mansiyon."
Natahimik na ko. Gah, hindi ko rin alam kung bakit gumawa pa ko ng small talk. Nang nagpunta ako sa Playroom ni Levi, gusto ko lang naman sanang magpasalamat sa kanya mula sa pagliligtas niya sa'kin dahil hindi ko pa 'yon nagagawa. Napangunahan kasi ako ng takot. Pero ngayong nandito na ko, hindi ko alam kung paano magsisimula.
"Why are you still here, Sunny?" tanong ni Levi.
Napayuko ako. Ewan ko ba kung bakit ang hirap-hirap para sa'kin ang magpasalamat kay Levi. Dumako ang tingin ko sa mga cell phone na nakakalat sa sahig, hanggang sa may naalala ako. Nag-angat ako ng tingin sa manika. "Nasa'n ang phone ko?"
"Oh," sabi ni Levi na parang... parang dismayado? Dinukot niya mula sa backpocket ng pantalon niya ang phone ko. Pagkatapos, napako sa'kin ang walang buhay niyang mga mata. "Puwede ba kong lumapit sa'yo para iabot sa'yo 'tong phone mo?"
Nagulat ako sa tanong ni Levi. Pero nang makabawi ako, tumango ako. "Uh, sure. Huwag lang masyadong malapit."
Tumango lang si Levi. Pagkatapos, dahan-dahan siyang naglakad palapit sa'kin na para bang ingat na ingat siya na huwag akong takutin sa mga kilos niya. Huminto siya nang isang dipa na lang ang layo niya sa'kin. He stretched out his arm to hand me my phone. "Here."
Hindi ko napigilang mapatingin sa kamay ni Levi. Magkakahiwalay naman pala ang mga daliri niya kaya siguro nakakakilos siya ng malaya. Akala ko no'ng una, magkakadikit ang mga 'yon gaya ng sa ibang mga manika. Napansin ko rin ngayong nasa liwanag na kami, mapusyaw pala ang balat niya. Halatang gawa sa kung anong ceramic ang katawan niya.
Naramdaman kong nakatitig si Levi sa mukha ko. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya, gumalaw pakanan ang mga mata niya. Hindi siya kumukurap pero nagagalaw niya ang ocean blue eyes niya. Kung tutuusin, creepy 'yon. Pero mukhang nasasanay na ko.
Kinuha ko ang phone ko. Nang segundo pa lang na gawin ko 'yon, humakbang na paatras si Levi na para bang iniiwasan niyang mapalapit sa'kin. Gaya ng sinabi ko noon sa kanya na gusto kong mangyari.
Nakaka-touch 'yon. Hindi lang siya basta nakinig sa'kin, ginalang din niya ang kahilingan ko.
"Salamat, Levi." Sa wakas ay nagkaro'n na rin ako ng lakas ng loob sabihin ang salitang 'yon sa kanya. "Hindi lang dahil sa pagsosoli ng phone ko. Salamat kasi niligtas mo ko mula kay Jared. Saka dahil pinakawalan mo ko nang hindi sinasaktan. Sorry kung ngayon ko lang 'to ginawa."
Nanatiling nakatayo si Levi at deretso ang tingin sa'kin. Kapag ganitong hindi siya kumikilos o nagsasalita, mukha talaga siyang manika. Guwapong manika. "You don't have to thank me, Sunny. I did something really horrible to you. I'm so sorry for locking you up in my room. No'ng gabi na natulog ka sa tabi ko pagkatapos mong magkuwento, bigla akong nakaramdam ng pangungulilala na makipag-usap sa ibang tao. Siguro dala na rin 'yon ng lungkot dahil sa pagkawala ni Tatay Tonio. Naging desperado at mapilit ako dahil alam ko namang walang taong nasa matinong pag-iisip ang papayag sa alok ko. Hindi ko sinasadyang takutin o saktan ka."
Para sa isang manika, masyadong sincere ang boses niya na natagpuan ko na lang ang sarili ko na pinapatawad na siya sa lahat ng takot at trauma na ibinigay niya sa'kin. Kalokohan siguro na ang bilis kong nakalimutan na kinulong niya ko sa kuwarto niya. Pero siguro, dapat ko na lang ipagpasalamat na hindi siya baliw na possessed doll at sa kabila ng mga ginawa niya, hindi naman niya ko sinaktan. Ni dulo nga ng buhok ko, hindi niya hinawakan. Well, maliban na lang siguro no'ng gabi na ako mismo ang tumabi sa kanya. "Okay. Pero huwag mo na uli gagawin 'yon. Locking up people in your room is horrible."
"Lesson learned."
Tumango lang ako. Nagsisimula na kong mailang kaya naglakad na ko palayo. Paakyat na ko ng hagdan nang muling magsalita si Levi.
"Sunny?"
Nilingon ko si Levi. Nakatayo pa rin siya sa mismong puwesto kung saan ko siya iniwan. "Bakit?"
Humawak si Levi sa batok niya na parang nahihiya. Ikiniling niya ang ulo sa kanan kung saan din ang direksyon ng mga mata niya. Kung buhay na tao lang siguro siya, baka namula na rin ang mga pisngi niya. I hated to admit this but he was adorable. "Could you please accept my friend request on f*******:?"
Nalaglag ang panga ko sa gulat. May f*******: account siya?
"I won't stalk you," mabilis na sabi naman ni Levi, hindi pa rin makatingin sa'kin. "I just want to... to see how you're doing from time to time. At least, until the internet connection in the house gets cut out."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naaawa ako kay Levi, oo. Pero alam kong hindi naman makakabuti sa'min kung magkakaro'n pa kami ng ugnayan pag-alis ko ng bahay na 'yon. He was a nice 'person,' so I wanted to be honest with him. "Hindi ko maipapangako 'yan, Levi. Sorry."
"Oh." Halatang dismayado ang boses niya. "No, don't apologize. I understand."
Ngumiti lang ako, saka mabilis na umakyat ng hagdan nang walang lingon-likod. "Bye-bye, Levi."