FEELING of hopelessness and helplessness.
Loss of interest in daily activities.
Appetite or weight changes.
Sleep changes.
Anger or irritability.
Loss of energy.
Self-loathing.
Reckless behavior.
Concentration problems.
Unexplained aches and pains.
Ayon sa research ko, ang mga 'yan ang ilan sa mga sintomas ng depression. Nakakatakot at nakakahiya mang aminin, pero nararanasan ko ang lahat ng 'yan.
Oo, alam ko naman sa sarili ko na depressed ako. Hindi 'to basta kalungkutan lang. Alam kong apektado na talaga ang pag-iisip ko dahil sa biglaang pagbabago ko. Hindi pa lang ako kumukunsulta sa expert sa ganitong klase ng, well, tawagin na lang nating 'disorder.'
Unang-una, nang nag-inquire ako, aabutin daw ng mahigit dalawang libong piso ang isang session ng mga psychiatrist (sa private hospital ako nakapagtanong). Hindi ko afford 'yon. Pangalawa, takot ako sa stigma. Pangatlo, ayokong isipin ng pamilya ko o ng mga taong nakakakilala sa'kin na nag-iinarte lang ako.
Let's face it. Maraming tao ang hindi nakakaintindi sa depression. Akala ng iba, kalungkutan lang 'to na mawawala kung makikipag-socialize ka o pipilitin mong magpakasaya.
Depression was not something you could fight by simply playing 'mind over matter' in your head like a mantra. For someone who was going through this phase, it was like battling a battle you desperately wanted to win even if you were fully aware you were bound to lose in the end.
Gano'n ang pakiramdam ko sa araw-araw. Paggising ko pa lang, sinasabi ko na sa sarili ko na gusto kong maging masaya. Na ayoko nang makaramdam ng panlulumo.
Pero ang hirap gawin niyon kung sa pagbangon ko pa lang, ang bigat-bigat na ng katawan ko. Paano ako gaganahan kung wala naman akong inaasahang magandang mangyayari sa'kin? Idagdag pa na kapag lumalabas ako, hindi ko mapigilang isipin kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa'kin. Pakiramdam ko, ayaw nilang lahat sa'kin. Kasi ako nga mismo, hindi ko rin gusto ang sarili ko.
Masyado akong conscious sa mga sinasabi at ginagawa ko. Bawat kilos ko, parati akong may tanong sa sarili ko. May ma-o-offend ba ko? Ano ba ang kailangan kong gawin para magustuhan nila ko? Paano ba maging normal na tao?
Nakakabaliw.
"Sunny, are you sure about this?"
Naputol ang pagmumuni-muni ko sa tanong na 'yon ni Vince. Nilingon ko siya; magkaagapay kami habang naglalakad. Bitbit niya ang malaking backpack ko dahil nagprisinta siyang ihahatid ako sa mansiyon para sa unang araw ng 'trabaho' ko bilang housekeeper. "Sa summer job na 'to? Oo naman."
"Bakit kailangan mo 'tong gawin?" kunot-noong tanong niya.
Ipinaikot ko ang mga mata ko. "Vince, alam mo naman kung gaano ko kailangan ng pera, 'di ba? Malaking halaga ang in-offer ni Ma'am Beatrice sa'kin para lang bantayan ang bahay niya habang wala pa siya. Saka tatlong linggo lang naman. Mabilis lang 'yon."
"Hindi ka ba natatakot na mag-stay mag-isa sa mansiyon na 'yon? Kamamatay lang ng dating housekeeper. Baka nagmumulto pa siya do'n," halatang natatakot na sabi ni Vince.
Nagkibit-balikat lang ako. Kung alam lang ni Vince na may buhay na manika sa mansiyon, magiging least na ng concern niya ang multo ng dating housekeeper. "Alam mo namang hindi ako takot sa mga gano'n. I'll be fine. Baka nga maibalik ko pa ang drive ko sa pagsusulat ng paranormal novel habang nasa mansiyon ako. Pabor na pabor sa'kin ang sitwasyon na 'to kaya huwag ka nang mag-alala sa'kin."
"Fine. Bibistahin na lang kita araw-araw."
"Eww, I'm not a child," reklamo ko naman. "Tumulong ka na lang kina Tito at Tita. O kaya makipag-date sa boyfriend mo. Hindi mo ko kailangang bantayan."
"Wala na kami ni Phil," parang nahihiyang sabi naman ni Vince.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Bakit kayo naghiwalay?"
"Tingin mo gugustuhin ko pang maging kami pagkatapos niya kong iwan no'ng nahuli kami ni Jared? You went so much trouble just to save my face."
Tinapik-tapik ko si Vince sa likod. Hindi ko kayang magpanggap na malungkot ako para sa kanya. His boyfriend was a d**k who deserved to get dumped. "Huwag kang mag-alala, Vince. Alam kong cliché 'tong sasabihin ko, pero makakakilala ka rin ng mas okay na lalaki kaysa kay Phil. 'Yong hindi ka tatakbuhan kapag nagkagipitan. Gano'n ang tunay na boyfriend."
"I know, right?"
Nagkatinginan kami ni Vince, pagkatapos ay sabay kaming napangiti. Ah, nawalan na rin 'yong munti naming 'tampuhan' no'ng nakaraan. Gano'n naman kaming magpinsan. Hindi na kailangang sabihin ng deretsa ang salitang 'sorry' para magkaayos kami.
Nawala kay Vince ang atensiyon ko nang pagpasok namin sa bakuran ng mansiyon, nakita kong nag-aabangan sa'min si Beatrice sa tapat ng malaking pinto. Nakangiti sa'min ang ginang at kumaway pa. Binigyan ko siya ng matipid na ngiti. "Magandang umaga, Ma'am."
"Magandang umaga rin sa inyo," masiglang bati sa'min ni Beatrice. Ngumiti siya kay Vince bago niya ko binalingan. Hindi maitago ang kasiyahan sa mukha niya. "Oh, Sunny. Hindi mo alam kung ga'no mo ko pinasaya ngayon."
"Maganda ang offer niyo, Ma'am. Mahirap tanggihan," pasimple ko na lang na sagot para walang kakaibang mapansin si Vince sa usapan na 'yon. Napansin ko rin sa sarili ko na mas gentle at mas may galang na ang tono ng pananalita ko kay Beatrice. Nawala na kasi ang takot at hinanakit ko sa ginang.
Ngumiti lang si Beatrice, pagkatapos ay nagpalipat-lipat siya ng tingin sa'min ni Vince. "Come in, children. Mag-almusal muna kayo sa loob."
"Hindi na ho," magalang at nakangiting tanggi naman ni Vince. "Hinihintay na ho kasi ako ng mommy ko sa farm. Salamat na lang ho sa alok. Hinatid ko lang talaga si Sunny dito. Ma'am Beatrice, salamat ho sa pagbibigay ng summer job sa pinsan ko. Malaking tulong ho sa kanya 'to."
"Wala 'yon, hijo. Ako nga ang dapat magpasalamat dahil malaking tulong si Sunny sa'kin. Mahirap na kasing maghanap ng mapagkakatiwalaang tao sa panahon ngayon."
Pagkatapos mag-usap nina Vince at Beatrice, umalis na ang pinsan ko.
Mayamaya lang, natagpuan ko ang sarili kong nasa loob uli ng mansiyon habang sinusundan si Beatrice paakyat ng kuwarto ni Levi. Nakakapagtaka, pero wala na kong nararamdaman na takot o kaba hindi gaya no'ng mga unang beses akong nagpunta sa malaking bahay na 'yon.
Kahit na may hindi magandang karanasan ako sa mansiyon, mas nangibabaw pa rin sa'kin 'yong kagustuhan kong ma-satisfy ang kuryosidad ko.
Sa mga 'reckless' na bagay na ginawa ko nitong mga nakaraang araw, ang pagbalik sa mansiyon bilang housekeeper lang ang nakapagpa-excite sa'kin. Ngayon kasi, nararamdaman ko nang bumabalik na 'yong nawala sa'kin–'yong gana sa buhay.
For the first time after months of self-pitying, I found a new purpose to keep me moving forward.
"Sunny, hindi ko alam kung anong nagpabago sa isipan mo," pagsisimula ni Beatrice no'ng naglalakad na kami sa mahabang pasilyo. "Pero masaya ako na pinagbigyan mo ang kahilingan ko. Thank you, hija."
Nagkibit-balikat ako. "I just hope you're telling the truth when you said I'm gonna leave this mansion unscathed when you return, ma'am."
Natawa ng mahina si Beatrice. "My son adores you, Sunny. Ikaw ang kauna-unahang tao– maliban sa'min ni Tonio– na hindi siya ginawan ng masama sa kabila ng takot mo sa kanya. He will never hurt you."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Hindi ako ang unang tao na nakakita kay Levi sa gano'ng anyo niya maliban sa inyo ni Mang Tonio?"
Tumango si Beatrice. Naging malungkot ang mukha niya. "No'ng mga unang taon matapos maging manika ni Levi, humingi ng tulong sa mga tao na sinasabing may kakaiba silang kapangyarihan. Albularyo, shaman, mangkukulam. 'Yon ang ilan sa mga tawag daw sa kanila. Pero lahat sila, pare-pareho lang ang naging reaksyon nang makakita sila ng buhay na manika– tinawag nila si Levi na demonyo at tinangka nilang patayin ang anak ko. 'Yong huling albularyo nga na hiningan ko ng tulong sampung taon na siguro ang lumilipas, pinagpupupukpok ng martilyo si Levi sa sobrang takot. Kung hindi pa dumating si Tonio, hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa anak ko. Masyado kasi akong mahina para pigilan 'yong albularyong 'yon."
Napasinghap ako. "Ano'ng nangyari kay Levi pagkatapos no'n?"
"Nadurog ang ilang parte ng katawan niya," malungkot na sagot ni Beatrice. "That was when we realized he could regenerate himself. Dahil kinabukasan, nabuo uli siya. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya nasasaktan. Hindi ko makakalimutan ang matinding sakit sa boses niya no'ng sumisigaw siya habang dinudurog ng albularyo ang parte ng katawan niya gamit ang martilyo."
Napangiwi ako. Gumuhit sa isipan ko ang imahen ni Levi na nakahiga sa sahig at sumisigaw habang minamartilyo ng kung sinong albularyo ang mga binti niya. Parang babaligtad ang sikmura ko. Umiling-iling ako para mawala 'yon sa isip ko. "Mabuti hindi nila pinagkalat ang sekreto ni Levi?"
"Marami sa kanila, pera lang ang katapat, hija. Isa pa, mukhang takot na takot sila kay Levi. Akala siguro nila, babalikan at papatayin sila ng anak ko kung magsasalita sila. Gaya mo, nakiusap sila sa'min na 'pakawalan' sila kapalit ng katahimikan nila, kahit wala naman kaming balak na masama sa kanila." Bumuntong-hininga siya. "Pero dahil sa huling karanasan namin ng anak ko sa mga albularyo na 'yon, hindi na uli kami sumubok na humingi ng tulong sa iba. Ayaw na ni Levi. Mukhang nadala siya sa nangyari. Naawa ako sa anak ko kaya hindi ko na rin siya pinilit. Simula no'n, wala nang ibang umapak dito sa mansiyon maliban sa'min ni Tonio."
Natahimik na ko. Kung gano'n pala, hindi naman agad sumuko sina Beatrice at Levi. Sadyang wala lang nakatulong sa mag-ina.Talaga bang wala nang pag-asa ang binata na maging tao uli?
Kumatok si Beatrice sa pinto ng kuwarto ni Levi bago niya 'yon binuksan. Nauna siyang pumasok sa loob. "Sweetie, Sunny is here."
Napako agad ang tingin ko kay Levi na nakaupo sa windowsill. May hawak siyang phone na mukhang kanina pa niya kinakalikot bago kami dumating ng mommy niya. Hindi ko alam kung bakit napahinto ako sa paglalakad nang napako ang mga mata ng manika sa'kin.
This handsome doll was definitely #goals for all the mannequin in the world. Sa pagkakataong 'yon, nakasuot si Levi ng itim na amerikana sa ibabaw ng puting V-neck shirt, faded skinny jeans, at black sneakers. Parating naka-long sleeved ang manika kahit summer. Pero sabagay. De-aircon naman ang buong bahay. Saka baka hindi na siya nilalamig o naiinitan dahil gawa na siya sa porselana.
Mula sa'kin, dumako ang tingin ni Levi sa mommy niya habang binubulsa niya ang phone niya. "It's time for you to leave, Mom. I know."
Nakatalikod mula sa'kin si Beatrice pero base pa lang sa pagyugyog ng mga balikat niya, alam ko nang umiiyak siya nang yakapin niya si Levi. Lumakas din ang hikbi ng ginang.
"Please take care of yourself, Levi," narinig kong sabi ni Beatrice sa pagitan ng mga hikbi. "I will always pray for your happiness. I love you, son. I'm sorry if I have to leave you again."
Kumunot ang noo ko. Parang ang OA naman yata ni Beatrice magpaalam kay Levi. Isang buwan lang naman siyang mawawala. Pero kung sabagay. Sa sitwasyon ng anak niya, hindi naman nakakapagtaka kung gano'n siya kung mag-alala. Hindi normal ang kalagayan ng binata.
Nanatiling blangko ang mukha ni Levi at pantay ang boses niya nang nagsalita siya. "I understand, Mom. Stop worrying about me. Just focus on your new family." Marahan niyang ipinatong ang isang kamay sa likod ng mommy niya. "I love you, too."
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon o ano. Pero ng mga sandaling 'yon, parang may basang likido na nangislap sa asul na mga mata ni Levi. Nawala rin agad 'yon, pero nabaon na sa puso at isipan ko ang imahen ng kakaibang lungkot sa mukha niya ng mga sandaling 'yon.
HINDI ko akalaing makakabalik pa ko sa Playroom na 'yon. Pero heto ako ngayon. Nasa kuwartong 'yon at kasama si Levi habang nagkakape ako. Nagbabasa lang siya ng libro.
Pagkatapos umalis ni Beatrice, inaya ako ni Levi sa Playroom niya para mapag-usapan namin ang tungkol sa mga 'kondisyon' na sinabi ko sa kanya sa f*******: chat namin. Siyempre, may mga gusto rin naman akong makuha sa pagtanggap ko sa 'summer job' na 'yon bilang housekeeper. At parang babysitter na rin niya, kahit hindi 'yon officially na kasama sa job description ko.
Ngayon, magkaharap kami ni Levi habang may pabilog na mesa sa pagitan namin. Nakapuwesto 'yon sa munting kusina sa Playroom na 'yon.
Maingat na nilapag ko ang tasa sa mesa. Pagkatapos, tumikhim ako para kunin ang atensiyon ni Levi. Nang hindi pa rin siya nag-angat ng tingin mula sa binabasa niyang libro, nagsalita na ko. "Hey."
Itinaas ni Levi ang isang kamay nang hindi ako tinitingnan. "Wait. Just one more page."
Tumaas lang ang kilay ko habang pinapanood si Levi na engrossed na engrossed sa binabasa niya. Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya dahil kanina pa niya hindi binibitawan ang librong 'yon. Pero unti-unti ring nawala ang iritasyon ko nang mapansin kong ang haba ng mga pilik niya.
Na-realize ko na kung si Ryan Gosling ay kamukhang-kamukha ang sariling wax figure, si Levi naman ay parang wax figure ng 'human form' niya.
Bago ko pa namalayan, nakapalumbaba na ko habang nakatitig sa mukha ni Levi. Bigla kong naalala ang nakita kong picture niya kung saan nakangiti siya at buhay na buhay ang mga mata niya. Sayang lang dahil hindi ko na uli makikita 'yon.
Ang guwapo ni Levi. Ang sarap titigan. Pero hindi ko 'yon aaminin ng malakas.
Nang inumin ko ang kape ko, muntik ko nang maibuga 'yon nang ma-realize kong malamig na 'yon. Gah, ilang minuto ba kong nakatitig kay Levi para lumamig ng gano'n ang inumin ko? Tiningnan ko ng masama ang manika na hindi pa rin nag-aangat ng tingin sa binabasa niya. "Levi!"
"I'm busy reading, Tatay..." Unti-unting natigilan si Levi nang mag-angat siya ng tingin sa'kin at ma-realize niyang hindi ako si Mang Tonio. "Oh. Sorry. Nakalimutan kong ibang tao na pala ang kasama ko. Noon kasi, si Tatay Tonio ang nakaupo d'yan sa puwesto mo kapag nagkakape siya."
Biglang nanayo ang mga balahibo ko kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. "Dito sa kinauupuan ko mismo ang madalas na puwesto ni Mang Tonio?"
Tumango lang si Levi, saka niya maingat na sinara ang libro at marahan 'yong pinatong sa mesa. "Pasensiya ka na, Sunny. Nakakalimot kasi ako kapag nagbabasa ako. Ano nga pala 'yong mga kondisyon na sinasabi mo sa chat no'ng nakaraan?"
Naiinis ako kay Levi dahil sa pambabale-wala niya sa'kin dahil lang sa pagbabasa niya. Pagkatapos, tinakot pa niya ko. Hindi naman ako masyadong natakot. But still...
Focus, Sunny Esguerra.
Inangat ko ang isa kong daliri. "Una, gusto kong panindigan mo 'yong isang milyon na inalok mo sa'kin kapalit ng pag-stay ko rito ng isang buwan."
Sumandal si Levi at humalukipkip, nakatitig sa'kin. "Isang milyon lang? Sa pagkakatanda ko, sampung milyon ang huli kong alok sa'yo."
"Okay na sa'kin ang isang milyon. Ayaw kitang agawan ng pambili mo ng mga gadget mo. Saka nakaka-guilty na tumanggap ng gano'n kalaking halaga ng pera para sa maliit na trabaho lang."
"Sa tingin ko, hindi maliit na trabaho ang pagbabantay sa bahay ng isang buhay na manika."
"Sobra-sobra pa rin ang sampung milyon," katwiran ko naman. Tempt na tempt ako sa offer ni Levi, pero kumapit ako sa prinsipyo ko. Siguro nga marami akong masamang katangian, pero hindi ako nanggugulang ng kapwa ko. Lalo na pagdating sa pera. Alam ko kung ga'no kahirap kitain 'yon. Kahit na mayaman ang mommy niya, sigurado akong pinaghirapan pa rin ni Beatrice 'yon. "Pero kung may masamang mangyayari sa'kin habang nasa poder mo ko, puwede mong ibigay 'yang sampung milyon na 'yan sa pamilya ko bilang pambayad-danyos."
"Hindi kita sasaktan," mariing sabi naman ni Levi. "Mas lalong hindi ako papayag na may masamang mangyari sa'yo habang kasama mo ko."
Nagkibit-balikat lang ako, pinipigilan ko ang makaramdam ng kahit ano mula sa mga sinabi niyang 'yon. Dalawang daliri na ang inangat ko ngayon at nag-focus ako sa pinag-uusapan namin. "Pangalawa, hindi ka puwedeng lumapit sa'kin ng walang permiso. Mas lalong hindi ka puwedeng basta na lang sumulpot sa likuran ko. Ayoko rin ng basta ka na lang dumadating ng hindi ko namamalayan."
Marahang tumango si Levi. "I understand."
Tatlong daliri na. "Itong huli ang pinakamahirap sa lahat." Humugot ako ng malalim na hininga bago ako muling nagsalita. "Ikukuwento mo sa'kin kung ano ang nangyari sa'yo at papayag kang i-base ko ang susunod kong nobela sa istorya ng buhay mo."
Nanatiling blangko ang mukha ni Levi. Pero halata ang pag-aalinlangan niya dahil matagal bago siya sumagot. "That's kind of hard, Sunny. Hindi ko na sana gustong balikan pa ang nangyari sa'kin. Sa tingin ko, hindi ko rin magugustuhan kung ibabase mo pa sa buhay ko ang bago mong nobela."
Naiintindihan ko 'yon. Kahit ako, ayoko na ring balikan ang ginawa sa'kin ni Jared. Kaya nga hindi ako nagsumbong sa mga pulis, eh.
Pero magandang material ang kuwento ng buhay ni Levi para gawing nobela.
Masyado ba kong insensitive? Hindi ko naisip na mahihirapan siyang magkuwento dahil lang sa isip ko, manika na siya at walang damdamin. s**t. Ang sama ko.
"Let's compromise, Sunny."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ewan ko ba, pero bigla akong kinabahan. "How?"
"Gagawin ko 'yang kondisyon mo, kung gagawin mo ang kondisyon ko."
"At ano naman ang iyo?"
"Gusto kong sa iisang kuwarto lang tayo matulog habang nandito ka sa bahay ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi naman ako natakot dahil alam kong hindi ako lalapitan o hahawakan ni Levi sa paraang alam niyang hindi ko magugustuhan. Ewan ko rin kung saan nagmumula ang tiwala ko sa kanya. Pero lalaki pa rin siya. nakakainis lang sa sarili ko, himbis na magalit ako sa sinabi niya ay nag-init ang mga pisngi ko na para bang ako pa ang nahihiya sa kanya. "A-ano?"
Napahawak si Levi sa batok niya at nag-iwas siya ng tingin sa'kin na para bang nahihiya siya. "Don't make me repeat myself, Sunny. It's embarrassing."
"Kung alam mo naman palang nakakahiya, bakit sinabi mo pa rin? Ang p*****t mo pala, Levi!"
Binalingan uli ako ni Levi. Kung kaya niya lang siguro itaas ang kilay niya, ginawa na niya. Kung tingnan kasi niya ko, parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. "Excuse me? Sino ba sa'tin ang nagnakaw ng halik kanino? Plus, it was you who invited yourself in a grown-up man's bed. Ngayon, kung nasanay man siya na may kasama na siyang natutulog sa kama niya, kaninong kasalanan 'yon?"
Nag-init ang mga pisngi ko hindi lang dahil sa mga sinabi ni Levi. 'Yong tono na ginamit niya, playful at halatang tinutukso ako. Bahagya pang nakataas ang sulok ng mga labi niya na para bang nagpipigil na lang siyang tumawa. "Grabe ka sa'kin, Levi. Unang-una, hindi ko naman alam no'n na buhay ka. Pangalawa, alam mo namang napilitan lang akong gawin 'yon. At panghuli, isang gabi lang naman akong natulog sa tabi mo, ha? Kaya anong sinasabi mo d'yang sinanay kita na may katabi na sa kama?"
Tinaas ni Levi ang dalawa niyang daliri. "Dalawang gabi kang natulog sa kama ko. Para kang kabute na mabilis tumubo sa kung saan ka man madikit kaya siguro nasanay agad ako sa presensiya mo."
Napasinghap ako. Kinumpara ba ko ng lalaking 'to sa kabute? Sa dami ng bagay sa mundo, talagang kabute pa ang ginamit niya para ilarawan ako.
Nakaka-speechless.
"Sunny. Please..." Mahihimigan sa boses ni Levi ang desperasyon. "Hindi kita hahawakan o didikitan. Kung gusto mo pa, sa sahig ako matutulog. Gusto ko lang lubusin 'yong mga araw na may makakasama ako rito sa bahay kaya hanggang gabi, gusto kong nakikita pa rin kita."
Kumunot ang noo ko. "Sa kuwarto mo rin ba natutulog si Mang Tonio dati?"
"Of course not," mabilis at parang defensive na sagot naman ni Levi. "Bakit mo naman naisip 'yan?"
"Eh kasi parang desperado ka talaga sa company, eh. Kaya naisip ko na baka hanggang sa pagtulog, sinasamahan ka ni Mang Tonio."
"I'm not a child. I love the old man, bless his good soul, but he is not someone whom I'd spend the whole night staring at."
Ipinaikot ko ang mga mata ko, pero sa ayaw o sa gusto ko man, may naramdaman akong nagwalang mga paru-paro sa tiyan ko habang tinititigan ako ni Levi na para bang may iba pa siyang kahulugan sa mga sinabi niya. Sinubukan kong huwag mamula kahit ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. "Hindi ako nakakatulog kung tititigan mo ko buong magdamag."
Levi scoffed at that. When he spoke, his voice sounded playful again. "Mukhang mahimbing naman ang tulog mo no'ng unang gabi na ginapang mo ko sa kama ko."
Napasinghap ako. Okay, sigurado na kong para na kong kamatis ng mga sandaling 'yon. Wow, ngayon ay nakakasilip na ko ng kaunting bahagi ng dating pagkatao ni Levi. Nakakainis man, pero naaaliw ako sa side niya na 'to. Again, nakaka-speechless.
"Sige na nga. Hindi na kita papanuoring matulog," parang sumusuko na sabi ni Levi. "Basta pumayag ka lang na iisang kuwarto lang ang gagamitin natin." Ikiniling niya ang ulo sa kanan nang parang may maalala siya. "And oh. I have a mini-universe painted in my room's ceiling. You seem to love it."
Okay, nakaka-tempt 'yon. Nakaka-relax ang nakapintang universe sa kisame ng kuwarto ni Levi. In fact, madalas nga akong tumititig sa kisame ng kuwarto ni Vince at hinihiling na sana, may painting din 'yon. Naisip ko nga rin na pintahan ang kisame ng silid ko.
Habang nakatitig ako kay Levi, nakakakita ako ng desperasyon sa kanya. Nakakapagtaka dahil wala namang mga muscle sa mukha niya na nakakapagpabago ng ekspresyon niya. Pero 'yong mga mata niya, hindi ko alam kung paanong may nakikita akong kumikislap na emosyon sa mga 'yon gayong pekeng orbs naman ang mga 'yon.
Sinubukan kong ilagay ang mga paa ko sa sapatos ni Levi. Sa loob ng mahabang panahon, tanging ang mommy at housekeeper lang ang nakasama niya. Siguro nga sabik siya sa bagong mukha, pero wala naman sa hitsura niya ang nagiging obsessed o possessive na sa'kin. Kapag nagbabasa nga siya ng libro, nakakalimutan na niya ang existence ko. Siguro, gusto lang niyang makasigurong may kasama siya ngayong namatay na si Mang Tonio at bumalik na sa Australia si Beatrice.
Loneliness. I was so accustomed to it that I fully understood Levi's situation right now. It was so hard for me to watch people walk the other way when they discovered my ugly layer. I did not want to do the same to him just because of something he couldn't help– him being a living doll.
Bigla kong nakita ang sarili ko kay Levi.
"Fine," pagsuko ko mayamaya. "Pero kailangan mong dagdagan ng kalahating milyon ang suweldo ko. So, bale, one point five million na ang idedeposit niyo sa bank account ko after a month."
Nag-overprice ba ko? Nagiging praktikal lang siguro ako dahil mahirap din naman ang gagawin ko. Kahit may tiwala na ko kay Levi, hindi pa rin ako puwedeng maging pabaya kasama ang isang buhay na manika lalo na't iilang araw pa lang naman kaming nagkakakilala.
"Walang problema," mabilis na pagpayag naman ni Levi. Mukhang hindi talaga big deal sa kanya ang pera. Sabagay, mayaman naman ang mommy niya. Sa pagkakataong 'yon, ngumiti na siya na para bang masaya at kuntento siya sa deal namin. "Welcome to your summer job, Sunny Esguerra."
NAGKALAT ang mga libro ni Levi sa Playroom.
Hindi na ko nakatiis kaya nagkusa na kong ligpitin ang mga 'yon habang si Levi naman, hayun at nakaharap na sa computer niya habang sobrang busy sa paglalaro ng kung anong online game. Maingay siyang magtipa sa keyboard dahil siguro matigas at mabigat ang mga daliri niya.
No'ng una ay naiinis ako. Kung magtipa siya, parang typewriter ang gamit niya at hindi modern computer. Pero mabilis din akong nasanay sa ingay na 'yon dahil madalas din naman akong magtipa sa harap ng laptop ko. Mas tahimik nga lang akong gumamit ng keyboard kaysa kay Levi.
Nilalagay ko sa shelf ang mga librong napulot ko nang mapansin kong may picture book section pala do'n. Na-excite ako dahil matagal na rin akong hindi nakakakita ng gano'n kaya pagkatapos kong mag-ayos, nagdesisyon akong magbasa muna tutal ay mukhang may sariling mundo na si Levi at halatang wala rin siyang balak utusan ako ng kahit ano. Ang sabi niya lang sa'kin kanina, gawin ko kung ano ang gusto kong gawin. Huwag ko lang daw bubunutin ang plug ng computer niya kapag na-bore ako. As if.
Natigilan ako nang ang unang picture book na nakuha ko ay ang Little Red Riding Hood. Ang cover no'n, 'yong batang nakasuot ng pulang hood habang nasa likuran niya ang Big Bad Wolf.
Oh, I hated this fairy tale.
Gayunman, hindi ko na pinalitan ang hawak ko. Umupo ako sa baitang ng rolling ladder at sinimulan kong buklatin ang picture book. Alam ko na ang istorya no'n kaya hindi ko na binasa ang mga nakasulat sa ibaba ng mga litrato. Tiningnan ko lang ang mga drawing.
Naalala ko na kung bakit ayoko sa Little Red Riding Hood. Natatangahan kasi ako sa bata dahil kahit napansin na niyang maraming kakaiba sa 'lola' niya, hindi pa rin siya tumakbo palabas. Nagtiwala pa rin siya hanggang sa nakain na siya ng Big Bad Wolf. Ang tangang bata lang...
Bigla akong natigilan nang may ma-realize ako.
Para pala akong si Little Red Riding Hood ngayon at si Levi naman ang Big Bad Wolf.
Naramdaman kong nakatitig sa'kin si Levi. Bago ko pa namalayan ang ginagawa ko, nag-angat na ko ng tingin sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at nakaramdam ako ng pagkailang. Gusto ko siyang iwasan, pero hindi ko naman magawa.
Alam na alam ko naman na delikado ang isang buhay na manika dahil hindi 'yon normal, pero nagtiwala pa rin ako sa kabutihang ipinapakita ni Levi sa'kin. Nag-stay pa ko sa bahay niya himbis na tumakbo palayo sa kanya. Ang tanga ko lang.
Magiging Big Bad Wolf nga rin kaya si Levi sa huli at gagawin niya kong hapunan?
May bumubulong sa puso ko na hindi. Hindi ako magagawang saktan ni Levi. Pero 'yong isip ko, masyadong maingat. Ayaw ibaba ang depensa. Pero hindi pa ba pagpapabaya na nandito ako ngayon?
"Sunny."
Napakurap-kurap ako sa pagtawag sa'kin ni Levi. Para akong nagising mula sa pananaginip ng dilat. "Ah... bakit?"
"You should check your f*******: account. Nadagdagan na naman 'yong mga taong nagsasalita ng masama sa'yo dahil sa post mo sa timeline ng kaibigan mo."
"Ex-best friend," iritadong pagtatama ko kay Levi. Kumunot ang noo ko. "Saka tigilan mo nga ang pang-i-stalk mo sa f*******: account ko."
"I am not stalking you this time. Lumabas lang sa newsfeed ko 'yong post mo dahil tinanggap mo na ang friend request ko."
Sinara ko na ang picture book. Ayoko nang makita si Little Red Riding Hood dahil na-i-imagine ko na ang sarili ko sa kanya. "Eh bakit binabasa mo pa ang mga comment sa post ko?"
"Because it's entertaining," halatang naaaliw na sabi ni Levi. "Kung kaya ko lang kumain sa anyo ko na 'to, kanina pa ko bumili ng popcorn."
"Sira-ulo ka," hindi ko napigilang singhal kay Levi. Nakakainis. Pakialamero pala ang manikang 'to. "Please stop being nosy."
"Hindi ko kasalanan kung nabasa ko 'yon, o ng ibang tao. You publicly left a juicy post on your friend's timeline. It was like asking people to throw rocks at you." Nang hindi ako sumagot, nagpatuloy pa rin 'tong si Levi sa panenermon niya. Yep, he sounded like an adult giving lecture to a child and I hated every minute of it. "Sunny, you're already eighteen. Dapat alam mo na na hindi tamang isapubliko ang mga gusot na mas maaayos sana kung pribadong pag-uusapan na lang. Hindi niyo kailangan ng kaibigan mo ng audience na makikisawsaw at mas magpapalaki pa ng gulong 'to. Kaya sana, burahin mo na 'yong post na 'yon para na rin sa katahimikan mo."
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinipigilan ko ang pagbugso ng emosyon ko. Hindi ako papayag na ibigay kay Levi ang satisfaction na makita niya na tinatamaan ako ng mga sermon niya. As if naman hindi ko pa alam na mali ang nagawa ko. Mahirap na lang bawiin 'yon ngayon.
"Why did you post that s**t on f*******:, Sunny?"
"Is there a better way of telling everyone someone's a b***h than broadcasting it on social media?" sarkastikong sagot ko kay Levi.
Umiling-iling si Levi. "Sunny, ikaw ang nagmukhang masama dahil sa ginawa mong 'yon. Alam mo ba kung ano ang dating sa'kin– at sa ibang tao– na nakabasa ng post mo na 'yon?"
Hindi ako sumagot. Hindi ako makasagot. 'Yong puso ko, tumatambol na sa dibdib ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko. Nakakainis dahil nararamdaman ko lang ang gano'ng klase ng kaba kapag pinapagalitan ako ng mama ko. Paanong napaparamdam sa'kin 'to ng isang manika ngayon?
"You're very insecure of this Hani girl," deklara ni Levi sa pantay na boses nang nanatili lang akong tahimik. "Hindi mo matanggap na mas mas magaling siya kaysa sa'yo."
Okay, that was it. Hindi ko na kayang makinig sa sermon nitong si Levi. Tumayo ako at naiinis na binitawan ang hawak kong picture book kanina. Humapdi ang gilid ng mga mata ko habang binibigyan ko ng masamang tingin ang manika. "f**k. You."
Kalmadong ibinalik ni Levi ang tingin sa kaharap niyang computer. "I can't. I'm not a s*x doll."