KAAGAD NA nginitian ni Eve ang anak nang matanaw niya ito na papalabas ng gate. He tapped his ID on the sensor and immediately, Pauline’s face popped up on the monitor. Kaagad siyang tiningnan ng mga gwardya bago i-abot sa kanya ang anak. Mabuti na lang at magkamukha sila ni Pauline kaya hindi na siya nahirapan sa pagsundo niya kay Evan. Evan’s school is highly-secured kaya bago makalabas ang mga bata sa gate ay sinisiguradong naka-tap ang mga ito ng ID sa monitor. Maliban doon at napakalaki rin ng school campus at halos lahat ng rooms ay airconditioned. Kaya hindi na siya nagtataka na napakabigat sa bulsa ng tuition fee ng anak. But it is for Evan’s future anyways. Kaya okay lang na mabutas ang bulsa niya at magpaka-kuba siya sa pagta-trabaho. “Mama!” Kaagad siyang niyakap ni Evan. She

