Habang nagmamaneho si Daniel papunta sa kompanya, ay nakita nya papasok ng isang pribadong hospital si Troy may kasamang babae na buntis dahil sa pagka curious nya ay pumasok din sya sa hospital, sinundan nya ang dalawa, at kinuhaan ng picture. Nangigigil sya sa nalamang niloloko Lang nito si Mica.
Pumasok ang dalawa sa isang room ang nakapangalan ay Dr. Mary Grace Monte, buti nalang kaibigan nya ang ob-gyne Dr., nag antay sya sa waiting room at hinintay na nakalabas ang dalawa.. after ilang minutes ay lumabas din sila, Dali Dali syang pumasok sa clinic Ng Dr.
"Good morning" saad ng Dr. na nakatingin pa sa mga papel
"Grace" saad ni Daniel
"ohh Daniel napadaan Ka, may problema ba?" saad nito
"nothing, just want to ask about don sa kakatapos mo pa Lang icheck up?" saad nito
"kilala mo sila?" tanong nito
"I know the guy, and I just want to confirm something. sya ba yung ama nung buntis na babae?" walang paligoy ligoy na tanong ni Daniel
"yes he is.. why?" tanong ng doctor
"nothing Grace, Thank you" saad ni Daniel
Agad na tinawagan ni Daniel si Mica at kinumusta Ito, dahil nag aalala at gusto nyang sabihin sa dalaga na Tama sya sa mga hinala nya sa lalaki, hindi nya alam ang motibo Ng lalaki bakit niloloko nito si Mica
"Hello? Mica where are you?" tanong nya sa dalaga
"Kuya Daniel nasa school ako, wag kang tumawag, sige na kuya andyan na si Ms. Reyes. babye. will call you later.. mwuahh" saad ni Mica
Huminga ng malalim si Daniel, nawalan sya nglakas Ng loob para sya mismo nagsabi Kay Mica Ng kalokohan ng boyfriend nito, tinawagan nya ang isang private investigator at pinasundan pinapasubaybayan nalang ang lalaki, once malaman nya ang bahay nito ay pupuntahan nya.
wala pang kalahating araw ay nakompirma nga ng imbestigador na magkasintahan nga ang dalawa at nagsasama na sa isang condo unit, pinuntahan agad ni Daniel ang nasabing condo unit para makausap si Troy at balaan ito SA panloloko Kay Mica.
Pagdating nya sa unit Ng mga Ito ay huminga muna sya Ng malalim at ayaw nya gumawa ng eskandalo, tsaka nya pinindot ang door bell..
nakailang pindot pa sya bago lumabas ang lalaki, nakauniforme na ito mukhang papasok palang sa skwelahan.
"k-kuya Daniel?" gulat na saad nito
"can I come in Troy?" tanong nya sa lalaki
" ahhh k-kuya ano po kasi may bisita ako ang pinsan ko at..." Di na naituloy ni Troy ang sasabihin
"Hon sino ang bisita? sila mommy na ba Yan? papasukin mo habang active na active sumipa si baby" saad Ng kasama ni Troy
"she is your cousin? are you sure?" saad ni Daniel
itinapon ni Daniel ang mga ibedensyang nakuha nya sakanyang imbestigador.
"hiwalayan mo si Mica ngayong araw Kung ayaw mong Masira ang buhay mo" pagbabanta ni Daniel
"kuya Mahal ko po naman talaga si Mica, gusto ko din po sabihin sakanya, parehas po sila ni Lea na Mahal ko" saad ni Troy
"f**k" Hindi nakapagpigil si Daniel at sinuntok na nga nito si Troy.
lumabas si Lea dahil sa narinig na ingay, pagkakita kay Troy na nakabulagta sa sahig ay napasigaw Ito.
"Hon anong nangyari, anong ginawa mo sa asawa ko?" sigaw ni Lea
"pag sabihan mo Yang lalaki na Yan na hiwalayan si Mica Kung Hindi ako ang gagawa Ng paraan para magkahiwalay sila.. alam ko din na alam mo ang katarantadohan ng lalaking Yan." saad ni Daniel at umalis na SA lugar na Yun
Samantala sa school naman ay nag aantay si Mica Kay Troy, kasi alam nya na malilate ang boyfriend nya dahil may kinailangan itong puntahan ngayon umaga. Tinatawagan nya ang lalaki ngunit hindi sya nito sinasagot..Nakailang tawag na sya. Mga ilang minuto pa ay nakita nya paparating si Troy.
"babeeee babeeee"tawag ni Mica Kay Troy
Ngunit parang walang narinig ang lalaki
"babeeee what happened to you?" tanong ni Maris Ng Makita ang labi Ng boyfriend na may sugar
"nakipag away kaba babe? diba Sabi ko sayo wag na wag kang makikipag away." saad ni Mica
"Hindi ako nakipag away, pinuntahan ako Ng kuya Daniel mo para pagbantaan na hiwalayan ka daw, ikaw daw ang gusto nyang pamangasawa at ayaw nya na makipagrelasyon Ka sa iba" pagsisinungaling ni Troy
"what? Hindi Yun magagawa ni kuya lalo na ang makipagsuntukan para sa mababang dahilan." saad ni Maris
"edi tanungin mo ang kuya mo, tsaka maghiwalay nalang tayo, ayaw ko Ng problema sa buhay Mica." saad ni Troy
"babee naman kakausapin ko so kuya, Kung bakit nya ginawa Yan sayo" umiiyak na si Mica at niyapos na ang bisig ng binata
"no Mica, ayaw ko na. Sawa na ako sa kakabanta Ng kuya mo matagal na nya itong ginagawa saakin" saad ni Troy
at naiwan nga si Mica sa may field, maraming nakakita sakanila, ngunit hindi alintana ni Mica ang kahihiyan dahil ang sakit at galit ang nangingibabaw sakanya ngayon, masakit dahil iniwan sya Ng kanyang pinakamamahal na boyfriend , galit para sa kanyang itinuturing na kapatid.
Malakas ang loob ni Troy na magsinungaling dahil alam nya na may gusto ang binata Kay Mica, alam nyang hindi Ito sasaktan ni Daniel.
Matagal na nandoon Lang si Mica Hindi na Rin sya nakapasok sa panghapon na subject nya, mga alas tres Ng hapon ay napagpasyahan nya na umalis na sa school. Dumiretso sya sa opisina Ng kanyang kuya Daniel.
"Hi Mica", masiglang saad Ng kuya Daniel nya
Ngunit sampal ang sinalubong ni Mica sakanyang kuya Daniel, nagulat ito sa ginawa nya, pero nahabag ng umiyak na si Mica sa harap nya
" what's wrong baby? may nang away ba sayo?" pang aalo ni Daniel
"I hate you kuya, i hate you so much, ayaw na kitang Makita. Dahil sayo ayaw na saakin no Troy, sinuntok mo daw sya at pinagbantaan, at sinabihan mo pa sya na ako ang gusto mong mapangasawa Kaya ayaw mo na nakikipagrelasyon ako sa iba....Kaya pala galit na galit Ka Kay Troy.. you're just my kuya. Mahal Kita bilang kapatid, but now I don't know.. I hate you so much. tinakot mo si Troy Mahal na Mahal ko si Troy alam mo yun.." mahabang litanya ni Mica habang umiiyak
Nagbabaga ang mga Mata ni Daniel sa galit Ng marinig ang sinabi ni Mica,
"manloloko na sinungaling pa ang lalaking yun" SA isip ni Daniel
"I will explain to you Mica baby, ok?"
"no need kuya, ayaw na kitang Makita" saad ni Mica
at lumabas na sya ng office nito, paglabas nya ay nagtinginan ang mga Tao dahil SA namamaga nyang Mata.