Chapter 47 “H-Hunter?” hindi makapaniwala na tawag ni Lily sa pangalan ni Hunter pero mas nagulat talaga si Lily dahil sa sinabi nito at nagawa pa siya nitong ipagtanggol mula sa pagsampal sa kanya sana ni Sammy. Lahat ay napasinghap nang marahas na binitiwan ni Hunter ang kamay ni Sammy saka niya hinarap si Lily na hindi pa rin nakakabawi mula sa pagsulpot at sa sinabi niya. “Ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalala na tanong ni Hunter kay Lily saka niya tinignan kung nasagutan ba si Lily at nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na wala naman itong natamong sugat. “O-oo, ayos lang ako. P-pero ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Lily sa kanya nang makabawi na siya ng bahagya mula sa pagkagulat. “Hindi na ba ako pwedeng pumunta sa kumpanya ng pinsan ko?” tanong nito kay Lily saka niya

