Chapter 29 Lily POV "Thank you po kasi pinagbigyan niyo ako na makasama kayo ngayong araw, daddy at mommy," natutuwa kong sabi kina daddy at mommy nang makarating na kami sa bahay. Saktong papalubog ang araw nang makauwi na kami. "Wala iyon, para naman makabawi kami ng daddy mo sa mga pagkukulang namin sa 'yo," nakangiti na sagot sa akin ni mommy saka niya ako niyakap habang si daddy ay hinalikan ako sa aking noo. Sobrang saya ng araw kong ito, ito ang pinakasamasaya sa lahat. Nilakasan ko kasi ang loob ko na ayain sina mommy at daddy na mamasyal at sa kabutihan ay pumayag sila. Aayain ko nga din sana si Daisy pero hindi niya ako pinansin saka niya ako sinungitan agad kaya naman hindi ko na siya inaya. Sinubukan din tawagin no daddy si Daisy pero hindi siya pumunta sa opisina nito kaya

