Chapter 20 Lily POV Mas nauna akong nagising sa kanya at inalis ko nang dahan-dahan ang pagkakayakap niya sa akin dahil gusto ko na umuwi dahil tapos na ang trabaho ko dito. Napapaisip nga ako dahil parang wala naman akong ginawa na siyang ikinatutuwa ko at sa lagay na ito ay matutulungan ko pa sina Ate Melba. “Saan ka pupunta? Tatakasan mo ba ako?” napatigil ako sa pagtayo ko nang marinig ko siya na nagsalita, hindi ko man lang namalayan na nagising na pala siya. “Ay!” bahagya akong napasigaw dahil sa paghila niya sa akin kaya naman muli akong napahiga sa kanyang mga bisig. “A-anong ginagawa mo? G-gusto ko na umuwi.” “Sa pagkakaalam mo ay hindi mo pa rin nagagawa ang tarabaho mo. Naalala mo? Walang nangyari sa atin kagabi kaya naman ngayon dapat meron,” hindi naman ako makapaniwala s

