Chapter 42 Unti-unti minumulat ni Hunter ang kanyang mata at ang sumalubong sa kanya ay ang haring araw. Napasapo naman siya agad nang maramdaman niya na kumikirot ang kanyang sentido. Ang naaalala niya lang ay nag-iinuman pa sila ng kanyang mga pinsan kaya naman nagtataka siya kung paano siya nakarating sa kwarto niya. Saka siya napatigil nang may naramdaman siyang gumalaw sa kanyang tabi. At gano'n na lang ang pagkagulat na makikita sa mukha at mata nina Hunter at Lily nang matagpuan nila ang sarili nila na magkatabi at kapwa hubad na dalawa. Saka lamang pumasok sa alaala ni Hunter na may nangyari sa kanila ni Lily. "s**t!" mura ni Hunter saka siya dali-dali tumayo upang magsuot ng pang-ibaba. Gano'n din si Lily, tumayo siya at binalot niya ang kanyang sarili ng kanilang kumot. Sa lab

