Chapter 57 “Hoy! Mga bingi ba kayo ha? Anong karapatan niyo para pumasok sa lupa namin! Mga trespassing!” sigaw ni Daisy sa mga lalakeng mga nakabonet na pilit sinasakay si Lily sa van. “Kunin niyo rin ang maingay na babaeng iyon! Anak rin siya ng gagong iyon. Tignan na lang natin kung hindi mataranta ang buntot no’n kapag nalaman niyang hawak natin ang mga anak niya!” sabi ng umaaktong leader ng kanilang grupo na ang tinutukoy ay ang daddy nina Daisy at Lily. “H-huwag niyong idamay ang kapatid ko! Sino ba kayo?!” kahit nahihirapan na si Lily ay nagawa pa niyang magsalita at mag-alala sa kanyang kakambal. “Tumahimik ka kung ayaw mong sungalngalin ko ng baril ang iyong lalamunan!” sabi ng isa sa mga lalake na nakabonet rin saka niya tinanguan ang isa sa mga kasama niya at may inilabas i

