Chapter 22 Lily POV Hindi ko alam na anim na buwan na ang lumipas simula noong pinalayas ako ni Daddy sa aming mansyon at anim na buwan na rin akong nasa poder ni Mamang Lucia kahit na magkaiba ang tinutuluyan naming bahay. Anim na buwan na rin akong nagtratrabaho sa kanyang restobar at kung minsan ay nag-duduty rin ako sa itaas kung nasaan ang bar pero sa mga VIP room lang ako naghahatid ng mga alak dahil na rin sa utos ni Mamang Lucia. Sa tinagal na anim na buwan na pagtratrabaho ko ay nagkaroon na din ako ng ipon kaya naman natitiyak ko na pwede na ulit ako makabalik sa pag-aaral sa susunod na taon. Anim na buwan na rin simula nang makilala ko si Hunter pero mag-tatatlong buwan na siyang hindi nagpaparamdam sa akin pero tanggap ko na dahil naisip ko na lang na baka bored lang talaga

