Chapter 44 "Sigurado ba kayo Ma'am Lily na kaya niyo na pong magkikilos dito? Baka mamaya po mabinat kayo," paninigurado sa kanya ni Manang Linda, ang pinakamatanda na kasama sa bahay ng mga Fajardo. "Sigurado po ako, huwag na po kayo mag-alala, saka salamat po. Mas gusto ko po na gumagalaw ako upang mas lalong bumalik ang lakas ko," sagot sa kanya ni Lily habang abala pa rin sa kanyang pagluluto. Wala na nga nagawa ang mga kasambahay kundi ang hayaan si Lily sa kanyang gusto. Si Lily naman ay isinabay na rin ang pagkain ng kanilang kasambahay dahil nais niyang ipatikim sa mga ito ang kanyang niluluto. Habang nagluluto si Lily ay naalala niya ang pag-aalaga sa kanya ni Hunter kagabi nang siya ay may sakit kaya naman dahil doon ay mas lalong gumanda ang kanyang pakiramdam. Pakanta-kanta

