Sa ilang gabi na hinarap niya ang ang pagiging Vi-olf niya masasabi niyang napatagumpayan niya iovercome ang pagbabago niyang iyun. Mataman niya pinagmasdan ang isa niyang kamay at ilang saglit lang ay bigla sumulpot ang mahahaba niyang kuko na madampian lang nakakasugat na. Muli niya ibinalik sa dating anyo ang kanya mga kuko. "Mukhang mabilis mong napag-aralan ang pagiging Vi-olf mo?"pukaw sa kanya ni Lucrexia. Ang nakakatandang kapatid ni Camelia. Nagkakilala sila nito ng minsan naabutan niya itong binisita nito si Camelia. Napatingin siya rito. Wala pa rin pagbabago sa maganda at batang nitong mukha. Kung hindi lamang ito witch malamang kasingkulubot na ng ampalaya ang mga balat nito sa sobrang katandaan. " Anong alam mo tungkol sa isang Vi-olf?"agad na pagtatanong niya rito. U

