Ina,bakit po?"puno nang pangamba saad ng pitong taon gulang na batang babae sa kanya ina habang patungo sila sa silong ng kanilang bahay.
" Anak,makinig ka.."lumuhod ang ina sa harapan niya nang marating nila ang silong.
"Mahal na mahal ka namin ng iyong ama..kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas dito..naiintindihan mo?"
"Ina..."
"Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng ama mo.." naluluhang saad ng kanya ina at mariin na hinalikan siya sa kanya noo.
"Ina..." usal ng batang babae habang nakatingin sa ina na nakangiti sa kanya.
Tumulo ang kanya mga luha ng iwan na siya ng ina roon. Napaigtad siya ng marinig niya ang malakas na ingay na nagmumula sa itaas bahagi ng silong.
Nanlalaki ang mga mata na sumilip siya sa maliit na siwang ng sahig na kahit sino hindi siya makikita. Nakita niya ang mga lalaki na kausap ng kanyang ama.
Napatakip siya sa kanya mga bibig ng marinig ang mga sinasabi ng lalaki na may kulay puting buhok. Kilala nito ang kanya ama at naaamoy niya na isa itong bampira na gaya ng kanya ama.
Hindi! Ina! ama!
Kitang-kita niya kung paano patayin ng mga ito ang kanya ina at ama. Umagos ang dugo ng kanya mga magulang sa siwang at tumulo yun sa kanya.
500 years ago...
Malakas na pagsinghap ang nagpabalikwas sa dalagang si Xania Onielfield.
Napasuklay siya sa kanyang mahabang buhok. Pawisan at humihingal siya. Isang masamang panaginip mula sa nakaraan. Ang masaksihan ang magulang mo na patayin ng iba ay labis na nagpawala sa sarili niya.
She lost herself. Natanto na lamang niya na nasa poder na siya ng kanya Lolo Dilo ang ama ng kanya ina ng unti-unti siyang makabalik sa sarili niya. Natagpuan daw siya nito sa sulok ng kanila silong na tulala at naliligo sa dugo mula sa kanya mga magulang.
Walang nakakaalam tungkol sa existing niya kundi tanging ang kanya Lolo Dilo lamang habang lumalaki siya lumilitaw ang pagkakaiba niya sa mga katribu niyang Lobo. Sa tulong ng isang white witch na si Camelia napanatili ang natural na scent niya bilang lobo.
Hinaplos niya ang suot na leather bracelet na may dasal at mahika para protektahan ang kanya pagiging amoy lobo. Iyun ang tanging paraan para hindi malaman ng tribu ang tunay niyang pagkatao. Alam ng lahat ay natagpuan lamang siya ng Lolo Dilo niya na palaboy-laboy.
She sighed. Hindi madali ang maging isang Vi-Olf. Isa iyun responsibilidad na mahirap gampanan dahiL kailangan niyang mag-ingat sa bawat kilos niya.
Tinungo niya ang ibabang bahagi ng kanyang bahay. Napagpasyahan niya na tumira sa siyudad para madali niya magawa ang misyon.
Misyon na paslangin ang mga bampira na pumapatay ng mga inosenteng tao para inumin ang dugo ng mga ito.
Gagamitin niya ang pagiging Vi-Olf para magligtas ng mga inosenteng tao. Ang lahat na tinuro sa kanya ng ama ay isinaisip at isinapuso niya kaya ngayon nagagamit niya ang kahusayan iyun sa mga bampira na pumapaslang ng mga tao. Ang mga lahi na siya rin kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang.
Tinungo niya ang isang bahagi ng salas niya at may pinindot siya sa isang malapad na dingding. Gumalaw at umikot iyun.
Pinagmasdan niya ang mga gamit na armas na ginagamit niya sa paghunting ng mga bampira. Mula espada,baril at pana ay gawa sa silver. Kahinaan ng mga bampira ang silver nasusunog sila at nagiging abo. Dinampot niya ang archer na pinakapaborito niya sa lahat.
Salamat sa kaibigan niyang si Marko na isang bampira na siyang nagsusupplies sa kanya ng mga kakailanganin niyang armas.
Minsan na niya nakaharap si Marko nahuli niya ito nangbibiktima ng babae. Naliligo ito sa dugo mula sa babae na kinagat nito. Bago pa man niya ito patayin gamit ang silver na palaso bigla ito nagbago. Nagpupumilit nito labanan ang sarili.
"Patayin mo na ko! Ayoko ng ganito katauhan! Ayokong ng pumatay ng mga tao.." nagmamakaawa saad ng bampirang si Marko.
Alam niyang may mga bampira na hindi kagustuhan ang maging ganun sila. Isa si Marko dun kaya naman magmula ng gabing iyun tinulungan niya ito. Dinala niya ito sa kaibigan si Camelia.
"Anong gagawin ko sa bampirang yan?" taas kilay na sita ni Camelia.
Tahimik lang ang bampira at mataman na nakatitig sa babaeng mangkukulam. Kita ang pagkamangha para sa babaeng mangkukulam.
Camelia is so beautiful white witch nakakamangha ang kagandahan nito. At mukhang hinangaan iyun ng bampirang kasama nila.
Ngumisi siya. "Hindi mo ba type?"
Sumulyap ito sa bampira. Matiim na tumitig ang kulay asul nitong mga mata sa lalaki.
"So,isa ka na pala ngayon kupido.."
"Baka kasi nabobored ka na mag-isa..come on,take care of him..hindi niya gusto ang pagiging bampira niya..and I think isa siyang magiging mabuting kaibigan..." aniya habang nakatingin sa lalaking bampira.
"Hay naku,pasalamat ka gwapo siya.."
Nginisihan niya ang kaibigan.
Marko is now her best of friend. Hindi nga niya akalain na isang ubod na mayaman pala ito at maraming koneksiyon kaya tama lang na hindi niya itong tinuluyan. Ito ang tumutulong sa kanya sa mga kakailanganin niya habang nandito siya sa siyudad.
Sa ilan daan taon na nabubuhay siya sa mundong ito saksi siya sa mabilis na pagbabago ng paligid pero ganun din kabilis na dumadami ang pinapaslang niya at naliligtas na inosenteng tao mula sa masasamang nilalang na may pangil.
Hindi mananaig ang kasamaan sa mundong ito.