Chapter 35

1962 Words

HINDI MAPAKALI si Fabio sa labis na pag-aalala sa mommy niya. Hindi naman niya inakala na mawawalan ito ng malay dahil sa sinabi niya. Nasa loob silang lahat ng masters bedroom, habang ang mommy niya ay nakahiga pa rin sa kama at wala pa ring malay. Tahimik lang naman ang daddy niya habang nasa tabi ng asawa. Hindi naman nagtanong ang daddy niya sa kanya. Alam naman niyang mas lamang ang pag-aalala nito sa mommy niya. "I'm sorry dad. Hindi ko naman sinasadya na mabigla kayo ni mommy kaya lang hindi pa naman kasi ako tapos sa sinasabi ko." Nakakaunawang tumango naman ang daddy niya sa kanya. Ngunit sa tingin niya ay katulad pa rin ito ng mommy niya na mali at iba ang iniisip sa kanya. Sa bagay kahit naman siya noon sa sarili niya ay naguluhan din sa kasarian niya. Napansin niya ang pagg

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD