HALOS mahigit ni Ria ang sariling hininga. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. Kahit anong bukas ng kanyang bibig ay walang boses na lumabas doon. Nakatitig lang din siya kay Fabio, habang mariing nakatitig lang rin ang huli sa kanya. Walang patid ang kanyang paglunok sa kaba na kanyang nararamdaman. Paano niya ipapaliwanag sa boss niya ang sitwasyon nila ngayon? Kung alam nitong wala na doon si Ria at si Mario ang kasama nito. Bakit ba kasi naisipan pa niyang maligo. Hindi pa iyon. Sa halip na mabilis na tuyuin ang kanyang buhok ay nagnakaw pa talaga siya ng ilang sandali sa tabi ni Fabio. Hindi pa siya nakontento at tumabi pa talaga siya rito. Napapikit na lang siya ng kumilos si Fabio papalapit sa kanya. Lalo na ng unti-unti siya nitong higitin pabalik sa pwesto niya kani

