Mabibilis ang ginagawa nilang paglalakad noong sandaling iyon papunta sa parking lot ng hotel kung saan nila ipinarada ang kanilang motor. Pabalik na sila sa kanilang room galing sa pamamasyal nang may makita silang kalalakihan na may tinatanong sa receptionist ng hotel ng pinag stay-han nila. Naulinigan nila ang pangalan ni Yumi kaya agad silang bumalik sa labas para makatakas. Agad na pinaandar ni Jake ang motor as soon as makaangkas sa kanyang likuran si Yumi. Ngunit namataan agad sila ng iba pang kalalakihan na nag-iikot ikot din doon kaya mabilis silang nasundan at naharang bago pa man sila maka lampas sa exit ng parking lot na iyon. Tinigil ni Jake ang pagpapatakbo ng motor at pinababa si Yumi. Kung magpipilit sila na makatakas ay baka maaksidente lang sila at ikapaano pa ng bab

