Nagmamadaling naglakad palabas si Arnel mula sa opisina ni Dante. Ni hindi na nga niya tiningnan ang sekretarya nitong tumayo kaagad noong makalabas siya. Halos sirain na niya ang pindutan ng elevator bago ito tuluyan na bumukas. Noong nasa loob na siya ng elevator ay doon lamang siya nakahinga nang maluwag. Bakit biglang naging interesado si Dante Benitez sa last will and testament nito? Hindi iyon makawala sa isip ni Arnel. Noong binanggit iyon ni Dante sa kanya ay para siyang biglang nanigas. Alam niyang kapag makita nito ang last will ay magiging isang malaking problema iyon para sa kanilang mag-tiyohin. Dalawang taon na noong ginawa iyon ni Dante. Lahat ng mga ari-arian nito at posisyon ay maiiwan sa pamilya ng kapatid nito. Para sa kanya ay tama iyon dahil walang naging asawa o a

