Nakatitig lang ako sa sahig habang iniisip ang dapat kong gawin. Moymoy is real. He is real. Iyong tao na naging ako ng ilang buwan ay totoo. Tapos nangyayari rin ang mga nangyayari sa panaginip ko- kung panaginip man talaga 'yon. Then I must help him. Napapikit ako noong marinig ko na namang sumigaw si Moymoy mula sa loob ng bahay. Kanina ko pa siya naririnig at wala akong magawa kundi ang huminga nang malalim. But I must save him. "Parang-awa mo na, Joel. Hindi ko talaga ginawa 'yon! Hindi ako ang gumawa no'n!" "Tangina! H'wag mo akong pinagloloko!" sigaw ni Joel. Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa bintana. Nakita ko agad ang pagsuntok niya sa mukha ni Moymoy. Hindi ko alam kung paanong kinaya pa ni Moymoy mabuhay matapos siyang bugbogin ni Joel. Muli akong naupo at naghintay

