Matapos mahuli ng mga awtoridad sila Salvador na papatakas papunta sa ibang bansa ay personal na pumunta si Dante sa bahay nila Jamaica. Wala pa rin kasi ideya ang pamilya nito sa nangyari sa dalaga. Lalong lalo na kay Moymoy. Noong mapadaan si Dante sa bahay ni Moymoy ay nakaramdam siya nang pagkirot sa kanyang dibdib. Awang-awa siya sa nangyari sa maglola. Nailigtas nga niya noong una si Moymoy. Hindi nga natuloy ang mga mangyayari. Pero nawala pa rin silang dalawa. Napabuga ng hangin si Dante. Nagpatuloy na siya nang paglalakad papunta sa bahay nila Jamaica. Saradong-sarado iyon. Akala nga niya ay walang tao pero nagbaka sakali pa rin siya. Kumatok siya sa gate. “Tao po!” tawag ni Dante mula sa labas. Ilang beses siyang kumatok bago siya mayroong narinig na nagsalita. “Sandali! Nali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


