Dumating kami sa isang exclusive subdivision. Maliit lang ang modernong bahay na napuntahan namin. Para lang iyong vacation house dahil parang walang nakatira talaga sa bahay. Mayroon pang malaking swimming pool sa bakuran. Sa buong byahe naming ay tahimik lang ako. Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Ishir. Si Jamaica lang ang nagpapaingay sa loob ng kotse kanina. “Akala ko family mo ang kasama natin?” nagtatakang tanong ni Jamaica. Pagtingin ko sa loob ng bahay ay mayroong tatlong lalake sa loob na may kanya-kanyang kapareha. Lahat ng mga ito ay halatang galing sa kilalang pamilya. Inakbayan ni Ishir si Jamaica at ngumiti. “They’re my friend. Don’t worry.” “Ishir!” bati ng isang lalake na naka-cargo shorts. Mayroon din itong salamin at may kahabaan ang buong. T

